7

2303 Words
 7 CIENNE’s pov Ginabi na kami ng uwi. nakaupo si Kim sa may hagdan. “mauna na kayo kambal…” Naupo ako sa tabi niya. awkward feeling.parang bumalik yung sama ng loob ko sa kanya. “buti pa si Ara sumunod sa JMR..” “bakit hindi man lang kayo sumunod? Nakakahiya kay Mela.” Yun naman pala ang problema nito e. may kinalaman na naman si Mela.”inaantok na ako Kim..pwedeng bukas na lang nating to pag-usapan?” Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako sa kamay.”nag-uusap pa tayo!” Nagulat ako sa paninigaw niya. First time Kim? Dahil lang kay MEla nasigawan mo ako? Kung hindi pa ako papasok magbuburst out na ako dito. winaksi ko ang kamay niya.”please Kim? Bukas na lang?”puno ng frustrationg kong pakiusap sa kanya. “ngayon na cienne! Hindi mo ba naisip na pinahiya mo ako dun sa tao? Nagpromise ako sa kanya na makakabonding niya tayo tapos hindi man lang kayo nagpunta?! Parang hindi siya welcome na maging kaibigan kayo ah?” Psssh… hindi ko na to kaya. Angtagal kong inipon tong sama ng loob na to. “OO NA! AYAW KO SIYANG MAGING KAIBIGAN…OKAY NA KIM? SINUBUKAN KO NAMAN E..PERO YUNG SA TUWING INUUNA MO SIYA KESA SA AKIN? ANO SA TINGIN MO ANG MARARAMDAMAN KO HA? ALAM MO NAMAN NA NAGSESELOS AKO SA KANYA TAPOS DADALHIN MO PA SIYA DITO? NANDUN NA AKO SA KAIBIGAN MO SIYA…PERO TANDAAN MO RIN BAGO AKO DUMATING SA BUHAY MO NAUNA MO SIYANG MINAHAL  AY YUNG ANG KINAKATAKUTAN KO KIM…BAKA MAHALIN MO ULIT SIYA..” “anglabo mo cienne! Kaibigan ko lang si Mela… angkitid ng utak mo…!” “inunawa kita noon Kim… hindi ako umimik kahit halos araw-araw mong kasama si Mela sa Bacolod…pero ngayon? magkasama nga tayo sa sa iisang dorm parang wala dito ang utak mo…akala mo hindi ko nahahalata? Isang text lang ni Mela atat na atat kang puntahan siya.” “Hindi na nga tayo halos naghihiwalay….konting oras lang sa kaibigan ko hindi mo kayang ibigay sa akin? nakakasakal na Cienne!” Gusto ko ng magbreakdown. Sa kanya na mismo nanggaling. I put a fake smile para pagtakpang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.”ganun ba? Sorry ha? Mahal lang kasi kita…” Iniwan ko siya at dumeretso sa kwarto namin as if walang nangyari. Umakyat ako sa higaan ko at nagtalukbong ng kumot. Pssh. panay ang katok ni Kim at tawag sa pangalan ko. Pinagbuksan siya ni Camille. CAMILLE’s POV Nagburst out na ang galit ni Cienne. Pinagbuksan ko ng pitno si Kim na hindi natigil sa pagkatok. “si Cienne?” Hindi ko siya pinapasok. Lumabas na lang ako para magkausap kami.”ayaw ka niyang makausap Kim…hayaan mo muna siya…”pakiusap ko sa kanya. “hindi pwedeng lumampas ang gabing to na hindi kami nagkakaayos Camille…please…gusto ko siyang makausap…” “GAGO KA RIN NO?! sa tingin mo ngayon lang nagkakaganyan si Cienne ? napaka-insensitive mo Kim!”tinulak ko siya.”back off! “ Sa ganoong akto kami naratnan nina Mika at Ara. Wala akong balak magpaliwanag kaya pumasok na ako sa kwarto at pinalibag ang pinto. Umakyat ako sa higaan ni Cienne. Humihikbi na naman ito.”kambal..gusto mong umuwi kena ate tito Brandon?” Tinanggal niya ang kumot at tumango. Naglagay ako ng ilang damit namin sa bag niya. siya namang pagpasok nina Mika at Ara.”anong nangyari?”tanong ni Mika.”umiiyak si Kim.” “LQ..pero huwag na nating pag-usapan…” “saan kayo pupunta?” “uwi muna kami kena tito Brandon…” “delikado nang magbyahe Camille…anong oras na oh…”pigil sa amin ni Ara. “don’t worry….tinawagan ko naman na si Tito…ipapasundo kami…” Nang matapos ko ang pag-eempake ay pinuntahan ko si ate Cha sa kabilang kwarto. kausap niya si Kim.”ate uwi kami kena tito Brandon… nagpapando kami…” “kausapin ko muna si Ciene pwede?” “ayaw ka niyang kausapin…palipasin mo na muna…” Lumabas na ako ng kwarto kasunod si ate Cha. “kakausapin ko siya sandali…” Nanatili ako sa dining area. Naglapag si Carol ng isang basong malamig na gatas sa harapan ko.”try mo munang magrelax…” Naupo siya at humarap sa akin.”kaya ni Cienne yan… huwag kang masyadong mag-alala..” “tsss…first relationship ni Cienne to..and she took it very seriously..sinong hindi mag-aalala dun?” “so you mean you didn’t took our relationship seriously kasi first time lang yun?”naging gloomy ang expression ng mukha ni Carol. “pass muna tayo sa topic nay an please?”pakiusap ko sa kanya. Tumahimik naman na siya. makalipas ang ilang minuto ay may kumatok. Pinagbuksan sila ni Carol. Yun ilang tauhan ni tito Brando. Bakit kailangang tatlo sila? Shees.. kinatok ko na sina Cienne sa kwarto. “carol… pwedeng samahan mo sila?”pakiusap ni ate Cha. “kaya naman namin e…”protesta ko. “no it’s okei…”sabat ni Carol.”kunin ko lang yung ilang gamit ko sa kwarto…” Binigay na ni ate yung bag sa mga bodyguards. Pinaglakihan ko siya ng mga mata. “you two need closure also…mag-usap kayong maayos…”bilin ni ate Cha. -- -- Mika’s Pov Nakaalis na ang kambal. “grabe pala pag nagburst si Cienne no?” “oo nga e…kakapanibago tuloy tong walang maingay…”sang-ayon ni Ara. Nakahiga ako sa lap niya habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya.”possessive ni Cienne…” “Hindi mo naman masisisi si Cienne e… may kasalanan rin naman si Kim dun… parang nabalewala niya si Cienne mula nung bumalik sa buhay niya si Mela.” I held on her right hand and massage it. “moy..may first love ka? yung nanligaw sayo noon ma memorable sayo?” Natawa siya.”yung bading na ngayon.hahahaha” Naupo ako at humarap sa kanya ng seryoso.”seryoso? wala kang first love gaya ni Kim?” “paranoid ka Mika? Baka ikaw meron…” “wala… pero maraming nagkakagusto sa akin.hahahaha” Pinalo niya ako ng unan.”anglandi lang moy…” Napuno ng tawanan namin ang kwarto. nagkilitian kami hanggang sa nag-give na siya.”awat na moy…”tawa niya at palo sa braso ko. Angbigay ng kamay niya. umayos na nga ako ng upo at sumandal sa dingding.”may icoconfess ako Moy…” “oh game…first love? Pag-usapan na natin ngayon mismo…”angtaas ng fighting spirit nito e. umakbay ako sa kanya.”you know alwyn naman diba?” She nodded.”bakit?” “wala naman… pag kinausap ka niya huwag mo akong ipapamigay ha? Ipaglaban mo ako ha? Kahit wala silang lahat basta nandiyan ka para sa akin…tayong dalawa lang masaya na ako…” “moy…Hindi lang satin umiikot ang mundo kahit anong gawin nating pilit na maging sating dalawa lang yun" "Don't mind the world, mahalaga pareho tayong lumalaban para sa isa't isa "I kiss her forehead.”kaya natin okei?” Tumango siya at sumiksik ng yakap sa akin. Siya namang pagpasok ni Kim. Hindi talaga marunong kumatok. “sorry… “ aatras na sana siya pero pinigilan siya ni ara.”pasok ka… “ “naguiguilty ako…”pag-uumpisa niya. mangiyak-ngiyak siyang naupo sa higaan ni Camille. CAMILLE’s pov Sinalubong kami ni Tito Brando. “thank you for the visit?”biro niya sa amin. Yumakap sa kanya si Cienne.”tito…” Hinaplos-haplos ni tito ang likod ni Cienne.”yes baby? Sinong nagpaiyak sayo ha?” Kumalas sa pagkakayakap si cienne.”eee…huwag niyo siyang sasaktan..mahal ko yun e…” o.O—ako at si Carol. Pi-nat ni tito ang ulo ni Cienne.”si Kim no? nag-away kayo?” Tumango si Cienne. “maayos rin yan..”napatingin si Tito kay Carol.”and she is?” Yumuko si Carol.”good evening po…I’m Carol Cerveza po…” “kaibigan namin tito…si Ate Cha kasi kinakausap si Kim..” “ah okie… magdinner muna kayo? Nagpaorder ako ng favorite ni Cienne…” Nagningning na naman ang mga mata ni Kambal. Dinala na nung mga maids ang mga gamit namin sa guest room. tahimikl ang si Carol the whole time na nakikipagkwentuhan kami kay tito. “ngayon lang kita nakilala hija…bago ka sa team?” “opo sir… pero schoolmates po kami nina Camille nung high school…” “I see… tito na lang itawag mo sa akin ha?” “opo…sabi niyo po e…” Naku. Lumalabas na ang kakapalan ng mukha nitong si Carol. Feeling close na siya kay tito. Sa iisang kwarto kaming tatlo mag-istay. Agad nakatulog si Cienne habang kami ni Carol magmovie marathon muna. Inaatake siya ng insomnia e. norturnal kasi tong babaeng to. “ilang beses na nating napanood niyang Sassy Girl.”reklamo ko sa kanya. “yung Korean oo…limang beses na..pero itong American Version hindi pa…” Inirapan ko siya.”arte mo…ibang movie na lang kasi…” “ayoko… hindi mo na nga ako nilibre…ikaw pa ang pipili ng papanoorin?” “fine! Bahala ka jan…” Parang gilingan ng pagkain ang bibig ni carol. Nakarami na siya ng fries nguya pa rin siya ng nguya. “Gusto mo?”susubuan sana niya ako pero kinuha ko yun ang isinubo na lang. “sarap no?”ngiti niya. Binalik ko ang pansin ko sa pinapanood ko. naka-squat kami sa sahig nang biglang siyang humiga at umunan sa lap ko. ”namiss ko to…”sabi niya at inilapag na yung palto ng fries. Hinayaan ko lang siyang nakaunan sa lap ko. Siguro ay mga 15 minutes kaming hindi nag-uusap. “Carol?” Hindi siya naimik.  Nung sinilip ko ay mahimbing na ang tulog nito. Hay naku cerveza…ugali mo talaga! Hindi ko naman to pwedeng ilipat sa kama ang bigat kaya nito? Hayaan nga muna gigising rin to maya-maya. Nanood na lang ulit ako. “mille… susundan kita… babawiin kita…hsiyiwalfia” Nyay? Nakapikit siya pero nagsasalita na naman. “mille… I loeksadaialai” Ano daw yun? Rewind mo Carol. Hindi ko nagets e! anglikot niyang matulog. Muntin ng mauntog sa semento buti nahawakan ko ang ulo niya. “asajwyadbj,,,tulog tayo..”yakap niya sa unan. Hahaha..kainis ka Carol. Hinaplos ko ang noo niya hanggang sa buhok.”dahil mabait ka naman sa amin kanina hindi kita gigisingin…” Mas maganda ka na sa akin carol. Nagsisisi ba ako na pinaasa kita noon? --flashback— third year kami ni Cienne noon at second year naman si Carol. Magkakasama kami sa team. Mabait si Carol at lagi niya kaming sinasamahan ni ciene pag busy si Ate Cha. Pag naiinis naman na ako sa mga pag-iinarte ni Ciene ay siya ang sumasalo dito. “bakit mo ginagawa ang mga to?”minsang natanong ko sa kanya. “gusto ko lang…” “impossible? Gusto mo lang? angbait mo sa amin ni Cienne..sa iba naman hindi ka ganun…” Ngumiti ito at pinagmasdan si Cienne na kasalukuyang naglalaro.”naniniwala ka ba na love knows no gender?” “ha? Anong ibig mong sabihin?” “gusto kita Camille… mahal kita… hindi ko alam kung paano nagsimula… “ “hindi ko alam ang sasabihin ko…” ‘wala ka namang dapat sabihin e… hayaan mo lang akong mahalin ka… kungmafall ka de sasaluhin kita…” “tss…angdami mong alam…” Tumayo na ito at inilahat ang mga kamay sa akin.”tayo na.” “ha? Anong tayo na? kakasabi mo lang na gusto mo ako tapos tayo na agad?” Yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin.”tayo na…stand…maglalaro na tayo..” Hay naku. Ikaw naman kasi camille.biglang tuliro e. naging extra sweet siya sa akin.MAY EEXTRA PA PALA SA PAGIGING SWEET NIYA NO? Unti-unti nahuhulog ang loob ko sa kanya. Nagkikita kami ng palihim at hindi rin alam ni Cienne. Favorite place namin yung garden nila sa bahay. Tahimik kasi dun. At nakakatuwa yung mga paru-paro na nagliliparan. “masaya ka?”tanong niya sa akin. “oo..siguro…ewan ko…”coz im not sure talaga! Mahal ko siya ? oo naman..pero yung thought na sasabihin ko kena mama yung sitwasyon ko? naduduwag ako. She came closer and wraps her hands on my waist.”ok na ako sa na kahit papano pinapahalagahan mo ako…” “angdrama mo…”nilagay ko yung bulaklak sa may tainga niya.”angganda mong shibs..”pang-aasar ko sa kanya.”uuy…tatanggalin na yan…” “hindi no… kung sa ganitong paraan e sasaya ka..ok lang…”yung mga ngiti ni carol laging nagpapagaan ng pakiramdam ko. “I love you…”halos pabulong niyang sabi. I smiled.”I think I love you too…” Lumapad ang ngiti niya at unti-unting naglapat ang aming mga labi. She’s my first kiss and I don’t regret it. Napadalas ang palihim naming pagkikita. Hanggang sa naghihinala na si Ate cha. minsang na0caught off guard kami ni Ate Cha. Nasa may Gym kami nun para sa training. nakasandal si Carol sa balikat ko habang magkahawak ang mga kamay namin. “Camille…Carol…”medyo pagalit niyang tawag sa amin. Agad kaming napaayos ng upo. Hindi ako nakaimik maging si Carol ay natulala rin. “kayo ba?”angprangka ng ate ko. hindi ko siya kinakaya.”answer me? Nagiging talk of the town na ang pagiging close niyong dalawa… umamin ka nga sa akin Camille? Kayo ba niton si Carol?” Napatingin ako kay Carol. Yung ekspresyon ng mukha niya parang sinasabing sabihin mong OO. Napayuko ako. “hindi po ate… hindi ako papatol sa babae.” Alam kong nasaktan ko si Carol pero natatakot ako sa ate ko. kay mama kung anong magiging reaksyon niya. nung hapon na yun maagang umuwi si Carol. Pinuntahan ko siya sa bahay niya. at tulad ng inaasahan ko nasa garden siya. Naupo ako sa tabi niya.”sorry…” Hindi siya umimik. “angsakit pala Camille..kasi ako kaya kitang ipaglaban kena mama e… “ “Carol..unawain mo naman…hindi ako kasingtatag mo…” “nagiging matatag lang naman ako dahil sayo e… dahil sa atin…” “naririnig mo ba ang sarili mo Carol? Ipaglalaban? High school pa lang tayo…paanong ipaglalaban? Tayo? Walang tayo Carol…sa pagakakaalala ko hindi kita sinagot…” Tumulo na lang ang mga luha niya. God carol. Sorry. Kailangan ko lang sabihin ang lahat ng yun para magalit ka sa akin at iwasan mo na ako. “tsss…paasa ka Camille…alam mo yun? Pinaasa mo ako!”sigaw niya sa akin. Kailangan kong maging matatag.pinigilan ako ang pag-iyak ko. “OO NA…PINAASA NGA KITA…LAM MO? GOOD CATCH KA KASI E…MAGANDANG KA…TALENTED…BABAE O LALAKI NAIINLAB SAYO…PERO SWERTE KO E NO? SA AKIN KA TINAMAAN..SORRY AH? USER KASI AKO… GUSTO KO YUGN ATENSYON NA BINIGAY MO SA AKIN… PERO YUNG TOTOO CAROL? HINDI KO KAYANG MAKIPAGRELASYON SA KAPWA KO BABAE… “ Iniwan ko siya sa garden na umiiyak. Kung hindi pa ako umalis baka niyakap ko na isya at magmakaawang bumalik sa akin. Hindi siya nag-give up. Sinuyo pa rin niya ako. Nagpapadala siya ng mga anon notes at mg flowers. Alam kong nakamasid lang siya sa paligid kaya itinatapos ko ang mga yun. Sorry Carol kailangan lang. Ginawa niya ang mga yun until JS prom came. Kinuntsaba ko yung isang kaklase ko na maging extra sweet sa akin sa gabing yun. Nandun si Carol bilang audience. Hindi ako hiniwalayan ni Roel. lumapit sa amin si Carol nung patapos na yung prom. “pwede ba tayong mag-usap?” “sorry dude…ihahatid ko na siya ang girlfriend ko…”said Roel. Nanlumo si Carol.”girlfriend? agad?” “oo.”tipid kong sagot.”tara na babe…its getting late…” Mula noon ay umiwas na sa akin si Carol. Kahit miss ko siya pinilit kong iwaksi yung thought na yun. Nung sumunod na school year ay nag-transfer out siya. wala na akong narinig na balikta tungkol sa kanya. Maging yung f*******: account niya ay hindi na rin active. ---end of flashback— “kambal?”napaupo si Cienne sa kama.”anyare kay carol?” “nakatulog e… tulungan mo na ako…” Tinulungan ako ni Cienne na ihiga si carol. Kinumutan ko na rin siya. “anggandang Shibs..”biro ni cienne. “kagigising mo na nga lang nang-aasar ka na…” Niligpit ko na yung mga pinagkainan namin at humiga na rin. Pinagitnaan nila ako ni carol. “nyt kambal…” “goodnight…”tugon ni Cienne. Yumakap naman si Carol sa akin.”asasyewaasha” “hay naku..”irritable kong tinaggal kong yakap niya. Pero mas hinigpitan pa niya ito. “clingy…”natatawang sabi ni cienne at yumakap rin sa akin.”yakaapp…thankyou kambaaaalllll.” “love you Camille….”pabulong na sabi ni Carol. Shheesss…. Bakit natuwa pa ako sa sinabi niya kahit alam kong tulog naman siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD