--6-
CAMILLE’s pov
Good mode ang moymoys paggising. Paano kasi itong si Ara tinodo ang effort sa surprise niya kay Mika. Kaya nga niya kami pinapunta sa JMR para mamili ng mga gagamitin niya e. balloons..scrapbook. Nagpaprint ng mga pics nila.
“kambal…”bumaba si Cienne nakitabi sa akin. yumakap siya nang mahigpit.
“anyare sayo?”
“wala…”sumiksik lang ulit isya.
“nagkaproblema kayo ni Kim?”e ganito lang naman to pag si Kim ang issue e.
Umiling siya pero nakasiksik pa rin sa akin. sighed. Ang kambal kong nag-iinarte. Kinatok na kami ni ate Mika para magbreakfast.
“good vibes tayo Mika ah…”bito ko sa kanya.
“naman…good vibes all the way…”sabay takbo kay Ara ay niyugyog ito. sige maglambingan kayo sa harapan ko.
“cienneloo… kakain na…gusto mo dito kumain?”tumango siya.
Lumabas na ako para kuhanan siya ng pagkain. Nasa hapag kainan na ang team at nagkukulitan. “oh may kulang ah..san si kim?”
“maagang umalis e… puntahan raw saglit si Mela sa dorm nila… nagmamadali nga e… “sagot ni Ate Wensh.
Ah kaya siguro danun si Cienne. Feeling ignored na naman si Kambal.
“saan si cienne? Di pa ba gising?”tanong ni ate Mich.
“dun na lang kami kakain sa kwarto…nainggit siya kay Mika at Ara e kaya magdidate rin kami…hehe”pagsisinungaling ko. gets na ni Ate yun kaya tumango na lang siya at pinaghanda kami ng breakfast ni cienne.
“pwdeng makijoin?”ngisi ni Carol.
Isa pa to e. uumpisahan na naman ang pang-aasar sa akin.”bakit? triplets ba tayo para makisabay ka?”
“kailangan kapatid? Hindi pwedeng kabiyak?”ngiting nakakaloko na naman.
“GO LANG CAROL..PUSH MO LANG YAN..BIBIGAY RIN YAN…”pang-aasar nina ate Abi.”tawagin ang mga boyfie…ayokong mainggit…”dagdag pa nito.
Nagkunwareng nilabas nina ate mich at ate Wensh ang mga phones nila. Umalis na nga lang ako. Kaaga-agang pikunan na naman to e.
Buti nandito pa tong mesa na ginamit nina Ara kagabi e.”kain na cienne…”
Tumayo siya at nagpunas ng luha saka naupo para sabayan akong kumain. Angtahimik naman nito. Nakakapanibago.
“anong nangyari? Bakit ka umiyak?”
Umiling siya.”ewan ko ba… alam kong magkaibigan na lang sila pero nagseselos pa rin ako…”
“kim at mela?”
Tumango siya. pinaglalaruan lang niya yung pagkain niya.”anglaki ng possibility diba? Na mahalin niya ulit si Mela?”
“ang-nega mo kambal… baka magkatotoo pa yang iniisip mo…law of attraction…”
She sighed.”ewan ko kambal…ewan…”
“uhm… pag-usapan niyo lang yan.. malilinawan ka rin…”
“paano pag nagsawa siya sa kakatanong ko? paano pag nagasawa siya sa akin? paano pag…”
“paano pag ma-late tayo sa training dahil sa bagal mong kumain?”pananabla ko sa kanya.”cienne..angdami pang mas malaking problema ang pwede niyong harapin ni Kim… kumapara mo sa problema nina Mika? Wala sa kalahati ang bigat ng iniisip mo…”
Namuo na naman ang mga luha niya.”ang-harsh mo…”hikbi niya.
“alam ko… mahalin mo lang siya kung paano mo alam… kaya yan Cienne… “
Pinahid niya ang mga luha niya.”tama… kaya ko to… ang panget na yun…lagi niyang pinapasama ang loob ko… tsss… paduduguin ko ang ilong ng mela na yun e…”
“victim number 6?”
Nagsmirk lang siya. hays. Buti at nahimasmasan na tong si Cienne e. Nauna na yung iba sa gym e bagal lang kumilos ni kambal kaya nahuli kami. paglabas namin ng main door ay si Carol na nakaupo sa may hagdan.
“bakit nandito ka pa?”tanong ko agad.
“gusto ko lang kayo kasabay just like before?”ngiti niya.
Before-before pang nalalaman tong cerveza na to e. may balak pa yatang pagtripan ako. Feel mong gumanti? Sighed.
“sweet…”pabulong na sabi ni Cienne. Bully activated na siya. pssh.
Tumayo si Carol.”tara na…takbuhin na natin mula dito..kanina pa sila nagsimula magwarm up e…”ngisi niya.”ang mahuli manglilibre sa Blastea…”saka ito mabilis na tumakbo pababa.
Papahuli pa ba kami ni Cienne? I mean papatalo ba ako sa kanya? NO WAY no. so mula sa dorm ay nag-unahan kaming tumakbo pa punta sa gym. Grabe pa naman tong si Carol pag nagpalibre nakakabutas ng bulsa to.
Tawa lang kami ng tawa. Parang bumalik kami sa pagiging high school students. Maging si Cienne at hindi nagpatalo. Anglayo ng agawat na ni Carol sa amin.
Hingal kabayo kami pagdating sa tapat ng gym.
“hoooh.panu ba yan? Nanalo ako?”nameywang pa siya at nag-stuck out ng tongue.
“angdaya mo…”hingal kong sabi.
Pi-nat ni Cienne ang likod ko.”grabe… angbilis palang tumakbo ng ex mo…”
“HINDI KO SIYA EX!”sigaw ko.
Tumawa lang si carol.”huwag mo ng asarin cienne..baka batuhin na naman ako ng bola e..”
Pagpasok namin ay hindi magandang view ang naratnan namin. anong ginagawa ni Mela dito? humarap sa amin si Carol.”e mag-escape na lang yata tayo? Saka na tayo makitraining?”
Kahit nung high school ay nagpapakita na siya ng concern sa kambal ko. yun nga ata ang nagustuhan ko sa kanya e. yung parehong pagtatanggol namin kay Cienne pag may nang-aapi sa kanya. Pssh.enough na nga sa good points ni Carol.
“grabe kayo ha? Kaya ko to…”umakbay sa amin si Cienne.”thank you sa inyo ha? Kaya ko to… tawag na kayo ng ambulansya….hahahaha”
“bakit late kayo?”tanong agad ni Coach.
“e lumandi pa kasi tong kambal ko e…”sagot ni cienne.
“NILANDI NIYA AKO…YAHAHAHHAHA”dagdag ni Carol.
Sheeesss… angbully mode na naman to. tahimik lang si Mela sa bench. Lumapit sa amin si Kim at nagbeso kay Cienne.”sorry di na kita nasundo…”
“ok lang yun…”sagot ni Cienne. Fake naman ngiti ng kambal ko. “training na… sayang ang oras…”saka niya kami hinila ni Carol para magwarm up.
Awkward yung ganito ha? Pero since kinakaya naman ni Cienne susuportahan na lang namin siya ni Carol. Lumapit sa amin si Ate Cha. “cienne… control your temper…”
“naman ate…”akbay ni Cienne sa kanya.”susubukan ko…hahaha”
Hindi namin hiniwalayan ni Carol si Cienne. Hay naku wala akong tiwala sa susubukan niya e. baka kasi bigla na lang niyang patamaan ng bola si Mela.
Tuloy ang training. habang naglalaro sila at nakapahinga naman kami ni Mika.
“intense traning naman to…”inextend ni Mika yung binti niya.”dapat magchampion tayo…”
“ngiting tagumpay tayo Mika ah? Musta yung date kagabi?”
“ha?? Hehe..”shees?ngiti lang talaga mika?”she’s the one Cams… angsaya lang ng feeling… kilig overload…”
“hahaha.korni mo Mika ha? Nabasa mo lahat ng notes? Sulat kamay niya lahat yun….”
Tumango ito at hindi maitago ang ngiti.”I’m lucky to have her…”
“swerte rin siya Mika dahil hindi mo siya ginive up…”
She sighed.”hindi ko nararamdaman ang hirap Cams… “natuon naman ang pansin niya kay Ara sa court.”that moment na tinakwil ako ni papa wala sa option ko ang gigive up si Ara… willing akong magstart sa wala… mabilis lang lilipas ang panahon.unti-unti kahit mahuhuli akong grumaduate kesa kay Ara makakatapos rin ako.”
“less subjects ang kukunin mo ngayong sem?”
Tumango siya.”para may oras rin ako sa work… sabay sa training…”
“papatayin mo sarili mo Mika… pwede ka namang magpatulong kay Ate JM ah?”
“alam ko naman yun e..hihingi lang ako ng tulong pag hindi ko na kaya…pero hanggat kaya ni Super Mika hindi siya hihingi ng tulong sa iba…”
“bahala ka nga… basta nandito ang team okei? Kami ng bahala sa assignments mo… pero si Ara sa math subjs.hahaha”tinawag na rin kami ni Coach para maglaro. Nilabas sina Ate Mich at Cienne.
Nakayuko lang si Cienne habang papalapit sa amin.
“coach out rin muna ako..!”sigaw ni Carol.”sumakit binti ko e…”
Paika-ika siyang naglakad.”ako na muna bahala…”pabulong niyang sabi nung magkatapat kami.
“salamat…”pat ko sa balikat niya.
Hindi ko naman sinasabing niloloko ni Kim si Ciene pro sadyang maramdamin ang kambal ko pagdating kay Kim. Oh diba? Haba ng buhok ng kimikimi na to? tsk.
“anong problema ni Cienne?”inosenteng tanong ni Kim.
“ewan ko…”kibit-balikat ko na lang.”anong ginagawa ni Mela Dito? alam mo namang nagseselos si Cienne sa kanya.”
“gusto niya kayong makilala… freeday kasi nila sa PPU ngayon… “
Naputol ang pag-uusap namin nang pumito si coach. balik training na ulit.
--
--
“bukas na ulit…magpahinga na kayo..”said coach. swerte walang pm training. naawa na yata sa amin.
“guys… labas tayo…”pagyaya ni Kim.”my treat…”
“woow galante ang fajardo…”kantyaw ni ate Mich.”gora lang tayo…walang training mamaya e…”
“sama ka rin Mela ha?”dagdag ni Ate Abi.”text mo rin ibang teammates mo para mas masaya…”
“ah..sige po..si Jessy lang avialable e...”
“Jessy?”ulit ni Mika.
“oh makareact bakulaw…”pansin ni ate Cha.
“hahaha.sorry…kakilala ko rin yun kasi…kakalase ko pala nung high school…e bakit parang hindi ko siya nakitang naglaro last year?”
“uhm…sabi nung mga seniors namin na-injured daw..kaya hindi nakalaro…”
“ah..”tumango-tango lang si Mika. Bumaling siya kay Ara.”uhm.moy..huwag ka ng sumama…sa QE ka na lang pwede?”hayan nagrequest ang damulag.
“KJ mo naman Mika…”sabat ni Kim.”minsan lang to ara…sama ka na…”
“uhm.sunod na lang ako..text niyo ako kung saan kayo nakatambay ha?”
Parang bata na naman si Mika na niyakap siya.”ayiiiee… mas love ako ni Ara…”
“TULUGAN NA…..!”Sigaw ni ate Wensh. Wala na. nagsialisan na sila at uuwi daw muna a dorm para makapagbihis.
Pumunta na sa QE sina Mika at Ara kasama si Ate Cha. dadalawin si Bayaw.hehe. Magkakasabay kami nina Carol at Ciene sa hulihan. Si Kim kasi panay ang asikaso kay Mela. Umakbay ako sa kay cienne.
“ok lang ako Kambal…”
“sige magsinungaling ka pa…kukutusan kita e…”
Siguro gusto lang talaga ni Kim na makabonding ng team si Mela since high school friends sila nung nasa Bacolod pa siya. tama nga si ate Rhyck medyo isip bata pa tong si Kim at hindi niya napapansin ang pagseselos ni Cienne.
Biglang nagpara ng taxi si Carol. Hinila niya kami ni Cienne papasok sa taxi. Pagkasakay namin at lumipat siya sa harapan.”guys…emergency lang ha? Kita na lang sa dorm mamayang hapon…”bumaling siya kay manong drive.
“sa may 7eleven tayo…yung pinakamalayong branch dito ha?”
“halla? Anong trip mo Carol? Wala dito ang wallet ko..hindi kita maililibre…”
“chill lang… treat ko na lang… “
Siguro ay mga 30 minutes rin ang byahe bago kami nakarating sa 7eleven na malapit na sa Mamuru University. “salamat manong…”
“halla? Baka hindi na tayo makauwi ng buhay nito…”
Tumawa lang si Carol.”Oa naman nun Cams? Mababait naman ang mga tao dito e… mas okei naman na to kesa kasama sina MEla diba?”
“tara na nga…sayang ang oras e…”hila ni Cienne sa akin.”ikain natin to…hahaha”
Angdaming binili ni Carol. May siopao na nga may doughnut pa. nakadalwang slurpee na si Cienne parang walang kabusugan.
“isang oras na tayo dito Carol…”bulong ko sa kanya.
“hay naku..pare-pareho tayong anak ng Diyos dito…kung gusto nating magtatlong oras dito wala silang magagawa…bumibili naman tayo…”
Napailing na lang ako sa trip nitong si Carol.
“ano pang gusto mo Cienne? Kuha pa ko ng doughnut?”
Tumayo si Cienne at sinamahan naman siya nito, Sighed. Habang pinagmamasdan ko sila ay bumalik sa alaala ko kung paano kami bigyan ng panahon ni Carol dati. Pag pareho kaming badtrip ni Cienne at busy si Ate Cha ay siya ang nagtityagang samahan kami. Nung mga panahong alam niyang mahal ko siya pero hindi ko kayang ipagsiwagan dahil sa takot ko kay mama.
“parang unlimited foods…”tuwang-tuwang naupo si Cienna sa tabi ko.”parang dati lang no? namiss ko to…grabe…”bulalas niya at kumagat ng doughtnut.
Nagring ang phone ni Carol. Tiningnan lang niya ito, kinansel yung tawag at pinatay yung phone. Saka niya ito ibinulsa ulit.
“baka importante?”pansin ko sa kanya.
Umiling lang siya.”hindi naman…”
May mga costumers na nagpapapicture sa amin ni Cienne. Hindi pa kasi napapanood ng mga to si Carol kaya hindi siya gaanong pinapansin. Nangingiti na lang siya sa tuwing nauudlot ang pagsubo ko ng pagkain dahil sa ilang fans na gustong magpapicture.
“ako na kukuha ng picture…”offer ni Carol dun sa isa.
“ok lang?”alanganing tanong nung babae.
“oo naman..idol ko rin sila e…”
Nang mabored na si Cienne ay nagyaya si Carol sa park. May mga nagparaktis ng sayaw, mga batang nagtatakbuhan, skater boys na gumagawa ng routines nila, at mga couples na nagdidate.
Naupo kami sa may stage kung saan may lilim.
“grabe angdami kong busog…”nag-inat si Cienne.”nakakaantok no?”
Nagpalipas lang kami ng oras at naaliw si Cienne sa kakanood sa mga skater boys. “thank you Carol ha?”
“wala yun…just like the old times…”
“hmm..kambal…bibili ako ng ice cream dun oh…”turo ni Cienne sa may selecta shop. “anong gusto niyong flavor?”
“CHEESE!”
Nagkatinginan kami ni Carol.
“wow ha? Duet lang.hahaha”pang-aasar ni Cienne.”sige… stay foot..balik ako agad…”
Awkward moment pag kami na lang ni Carol ang magkasama. Nakayakap ako sa mga tuhod ko habang siya naman naka-indian squat.
“thank you ?”
“ilang beses ba dapat magpasalamat?”
“uhm… sinave mo na naman kasi si Cienne…”
“just like the old times mille…”ngiti niya.
Yung genuine smile ni Carol. Ssheess. Hindi nakakasawang pagmasdan. Those smiles which captured my attention long time ago. “can I confess something?”
“ano yun?”
“you have the prettiest smile I ever seen…”hindi naman masamang magsabi ng totoo diba?
Nasilaya ko ulit yung ngiti niya pati mga mata ay parang nangungusap.”may i-coconfess rin ako mille…”
“huh? “
Pinagmamasdan lang niya yung mga batang naglalaro sa childrens park.”cams…noon pa man…this smile only exist when I’m with you…”
Parang dumagundong ang drumrolls sa puso ko nung marinig ko yung sa kanya. Nangtitrip ba tong babaeng to? hindi ko alam kung anong sasabihin ko. shivers? Kilig? Ano bang nararamdaman mo Camile na kaharap mo yung pinaasa mo noon?