BTIAHB 5
Camille’s pov
Free day it is. “kambal may lakad ka?”
Dumungaw si Cienne mula sa upper deck.”oo… labas lang kami ni Kim… sama ka?”
“huwag na…accessories nanaman ako pag sumama ako e.”
Nagbuklat na lang ako ng libro at nagbasa. Shees.. special day nina Mika at Ara ngayon siguradong may date ang mga yun.
“moy pasok na ako…”paalam ni Mika.”kambal see you later…”
“wala kayong date?”usisa ni Cienne.
“work muna Cienneloo…”sagot ni Mika.”gang 5 ako moy…may lakad ka ngayon?”
“puntahan ko si kuya sa MacQuest…”
“ok… kita tayo maya…”
Lumabas na si Mika. Agad namang bumaba si Cienne at inusisa si Ara sa higaan nito.”aramylabs..ok lang talaga na hindi kayo magcelebrate ni Mika?”
“ha? Uhm..ok lang..busy e…”
“ganun lang yun?”dagdag ni Cienne.
“hay naku kambal… narinig mo ng ok lang e… palibhasa ikaw gusto mo halos lahat ng special date icelebrate niyo ni Kim… “komento ko habang nakasubsob sa pagbabasa.”sabihan ko nga si mama na itakwil ka rin.hahaha”
“hmmpp.kapatid ba talaga kita ha?”
“naku…itigil niyo na na nga yan…”saway sa amin ni Ara. Lumabas na rin ito at sumunod si Cienne. “hindi ka ba talaga aalis ng dorm Camille?”
“nope..enjoy niyo na lang…”
Paglabas nila ay ni-lock ko ang pinto. Naka-log in lang ako sa sss at nagbrowse ng kung anu-ano sa net. Nung magutom ako ay lumabas ako para bumili ng makakain. Sabay ring pagbukas ng pinto sa kwarto nina Ate Cha.
Si Carol nan aka-ber hair pa at kinukusot-kusot ang mata niya. “loveko..san sila?”
o_O---ako.
“ha? Anong love mo? nanaginip ka ba?”tampal ko sa noo niya.”hoy…”
“tsk..ganyan ka naman e..”iiyak na ba to?
Halla bakit nakapikit tong babaeng to? damn. Nag—sleepwalk nga pala tong si Carol. Hindi pa rin niya to natatanggal? Pero paano ba gawin yun? Malala na to. noon sleeptalking lang ngayon naglalakad ng tulog e.
Bigla rin naman siyang tumalikod at papasok na sa kwarto pero hayun. Nauntok siya sa pinto. Buti nasalo ko siya. napaupo kami sa bigat niya.
Hawak-hawak niya ang noo niya at nagmulat siya ng mga mata.”anong nangyari?”
“tulog ka lang naman pero naglalakad ka at kung anu-ano pa ang sinasabi mo.”
Bigla itong tumayo.”ahy shit..sorry…”pinihit niya ang pinto.
Natanta na naman siya just like how she always reacts pag ganito. “ok ka lang?”
“huh? Uhm..oo..sorry…”
‘sino si lovemo? Boyfriend mo?”
“ah hindi…sige…”
Hinawak ko siya sa braso.”im not satisfied…hindi mo siya hahanap-hanapin kung wala lang siya sayo…”
Ngumiti siya pero parang pilit naman.”ok lang ako Camille..huwag kang magpakita ng concern please? mas gusto ko yung nag-aasaran lang tayo kesa ganyan ka ulit..baka umasa na naman ako.”
Sighed. Umasa. Karma nga yata tong nangyayari sa akin ngayon with rence dahil minsan sa buhay ko may pinaasa rin ako. Si Carol yun.
Angduwag ko kasi noon para aminin kay mama na may tendency na magkagusto ko sa isang babae. Pinilit kong kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya noon.
Lalabas pa ba ako? Baka mag-sleep walk na naman siya. Nagluto na lang ako. Kumatok ako sa kwarto nina Carol.
“Cerveza…kain tayo…”
Pinagbuksan naman niya ako ng pinto.”sure ka gusto mo akong kasabay? Diba nung isang araw sinigaw-sigawan mo ko?”
“wala naman akong choice…pero pag nandito na sila balik tayo sa dati.”
Tumango lang rin siya at sumabay sa akin sa pagkain. Napangiti siya ng Makita yung mga niluto ko. sinangag, bacon and egg.
“sorry…yan lang meron e…”
“haha…specialty mo talaga to no? hanggang ngayon ito lang yung kaya mong iperfect…”
“e kung wag ka na kayang kumain ha?!”angdaming pwedeng icoment e yung insultuhin pa ang luto ko. sggesss.
“jokel ang mille… uhm… kain na tayo…may kulang e…”
“akala mo lang no.”pagyayabang ko. kinuka ko sa ref yung isang pitshel ng pinaple juice.”idextrose mo na oh.hahaha”
Adik sa pineapple juice kasi tong babaeng to. gutom na gutom lang ang mga istura namin e. walang pansinan at nagkamay pa siya.
“patay gutom.”pang-aasar ko dito.
“namiss ko lang tong ganito.”
“ako? Namiss mo? hahahaha”
“oo. Bakit?”ngisi niya.
“huh.uhm wala..kain ka na..”
Matapos kumain ay siya na ang nagligpit. Abuso naman na kung pati yung ay ako ang gagawa diba? Naglaro na lang ako sa i-pod habang naghuhugas siya ng pinagkainan.
Nagvibrate ang phone ko.
“nagtext si Ara… puntahan daw natin sa JMR..”
“uhm…sige…mauna ka nang maligo..tapusin ko lang to…”
“wow..just like the old times huh…”pang-aasar ko sa kanya.
“if it would bring back the feelings why not?”
“sheezz…ewan ko sayo cerveza…”
Tumawa lang siya. anglakas ng trip nito e no? nang makapasok na ako sa kwarto ay narinig ko pa siyang sumigaw.”mille… KAPIT KANG MABUTI..PAG IKAW NAHULOG HINDI KITA SASALUHIN!”
MIKA’s pov
Paguran muucccchhhhhhh!Anong oras na ba? Mag-aalastres na yata. Nagtext langsi Ara na kasama na niya si Kuya Vincent.
Takbo dito.takbo diya.same routine na master ko na.hahaha.devil laugh MIKA.employee of the month ang habol ko para may extra payment ulit. MUKHA NG PERA.
“toks… hindi kayo lalabas ni Ara?”
“maya na after ng shift toks…ididate ko si Moy…sabi ko huwag na e..pero gusto ko siyang isurprise..”
“sabi ko na hindi mo sya matitiis e.hahaha”
Tuloy ang trabaho. Excited na akong mai-date si Ara. Hahaha.kinikilig ako na ewan. Gusto ko nang hilain yung oras. Angtagal ng 5:00 oh. Nakakarami na ako ng tip. Kasi minsan bukod sa may magpapaautograph may hihingi pa ng picture. Mostly mga babae. Yung tipong tatanungin ako.
“ikaw yung pinsan ni JM diba?”
“naks..angganda mo..papicture naman po..idol kita e..”
Minsan pati mga oldies na avid fans ng volleyball na npapadaan dito nagpapakuha rin ng pictures. Sayang nga daw at hindi nila matsambahan na buo ang team e.
Tik tok tik tok…
Malapit na…ayiiiiiiieeeeee…last table na to.
“miss pwedeng papicture tayo?”sabi nung babae.
Pinaunlakan ko naman siya. pakgtapos ng saglit na picture taking na ay nagmadali akong pumunta sa quarters at nagbihis na.
“Reyes..”tawag sa akin ni manager.
“yes po?”
“pwede kang mag-extend ng dalawa pang oras? We need more manpower…”
“po??? E sir..”kamot ko sa ulo ko. mukhang problemado na si sir kaya pumayag na rin ako.
Ti-next ko si Ara na extend ako ng dalawang oras pero hindi ito nagreply. Pssh.workmode na nga ulit. Sineserve ko ang order sa table 12 ng tinawag na naman ako sa cashier. Indemand ang beauty ko ha?
“serve mo to sa number 8.”
Nice. 8. Haha.korni. napangiti naman ako. Oo na VICTONARA GALANG malapit na akong umuwi at magdidate tayo. Haha.kausap ang sarili. Ano ba yan?
Malayo pa lang ko sa table 8 ay mas lumapad ang ngiti ko.
“hello number 3… pwedeng pakibilisan yang order namin?”
“ito na po number 8…”nilapag ko yung order nila.”my order pa ba kayo number 8?”ngiti ko sa kanya.
“ikaw ang order ko…bilisan mo… moy…angtagal e…matatapos na ang monthsary natin hindi pa kita nakakasama…yan..ikaw na ang pinuntahan ko…”
Hahaha…it’s her alright. Ang kabiyak ng puso ko. sinusundo na ako. Para naman akong narecharge nito. “mag-early out na lang ako moy…”
“tapusin mo na… ok lang ako dito…”
After 1234579 years ay natapos rin ang shift. Hoooh..that was a very tiring day at yung feeling na nandito si Ara gusto kong magpakitang Gilas.
“saan tayo magdidate?”tanong ko sa kanya.
“uwi na lang tayo…pagod ka na e...”
“luuh? Monthsary na tin Moy..gusto kong magdate tayo…”simangot ko.
“uwi na lang…napagod ko sa kakahintay e.hahaha.love you moy…”pisil niya sa pisngi ko.
Wala na nga akong nagawa hinila na niya ako papunta satricycle e. pagdating sa dorm ay tahimik ang second floor. Particulary yung sa room ng volleryball.
“gumala sila?”tanong ko.
“nasa MINT…”tugon ni Ara.
“dumeretso n asana tayo dun…”’
Tumawa lang siya.”I need rest..training bukas ulit…”
“oo na… kahit monthsary natin magpahinga na lang tayo…”
Natatawa lang siya. nakakagago tong mahal ko ah.”uhm..moy may bibilhin lang ako…wait lang…”bigla siyang tumakbo pababa.
Sighed. Ok lang na kahit hindi kami magdate kasama ko naman siya. magrerequest na lang ako na ipagluto niya ako. Pagpasok ko sa room 3 at pagbukas ko ng ilaw ay napatigil ako sa pagkamangha.
Yung kwarto namain ay may naka-set na table for two. Puro favorite foods ko pa ang nakahain. may mga balloons na may nakasabit na pictures namin ni Ara.
“nagustuhan mo ba?”it was Ara holding a Teddy bear na nakasuot ng mhei zhou jersey. 8 ang number niya. pero ganun sa pagkakagawa ni kuya Vincent ng banner dati ang design.”happy monthsary moy…”buong tamis na ngiti ni Ara at niyakap niya ako sabay binulong.”sorry…nainis ka kanina e..hehe.”
Kumalas ako sa yakap niya at kinintalan siya ng halik sa noo.”ako dapat gagawa nito ah…”
“wala naman sa requirement na ikaw ang lagging gagawa ng ganito e…gusto ko maramdaman mong mahalaga ka sa akin..at hindi ako mangingiming ulit-ulitin ang ganito makita ko lang na masaya ka Mika..”muli naming hinarap yung set up na ginawa niya.”angdami mong babasahin moy oh…”tinutukoy niya yung mga notes na nakasabit rin sa ilang balloons.
--
ANTOK NA ANTOK NA ANTOK NA AKO….
HAHA…