4

2382 Words
BTIAH 4 ARA’s pov Sulit ng training sa sakit ng katawan. May hang-over pa kasi kami sa bakasyon. 6:00 am to 9:00 am ang training at 3:00-5:00 ng hapon naman. Ngayong bakasyon lang naman to e. Pero mababago ulit pag pasukan na. Tapos na ang morning training namin at naghahanda na kami para makauwi na. uso naman ang matulog e.antok na antok na antok pa kasi ako. Angtagal ng kwentuhan namin ni Mika kagabi pambawi lang sa busy na sched niya. “deresto dorm ba tayo? Saan ang gala ngayon?”tanong ni Cienne. “anywhere…bonding bonding uilt…”sagot ni ate MIch. “pass ako ha?”sabat ni Mika.”work muna...”hinalikan niya ako sa noo.”moy…text ka kung saan ang puntahan niyo ha? Hanapbuhay muna para sa future…” “sige na..babye.galingan!” Nagmadali itong umalis. Ako naman inayos na yung mga gamit ko sa bag nang makauwi na rin sa dorm. umakbay sa akin si Camille. “dakilang maybahay lang Ara?” “adik…suporta lang Camille…” “yan tayo e…”pang-aasar nito.”Sa hirap ang GInhawa…” “grabe… ang isang Reyes nagtitiyaga sa ganun kaliit na sweldo e kayang-kaya naman niyang magpatulong sa mga pinsan niya.”dagdag ni Cienne.”kakabilib…swerte mo Aramylabs…” “ahem…makasunod nga kay Mika..mag-aaply rin ako…”biro ni Kim at binitbit ang bag nito. Hinila siya ni Cienne.”hoy…OA nito…hindi ka naman tinakwil..saka mababawasan ang oras mo sa akin pag nagworking student ka…” “AYOWN NAMAN PALA E….”kantyaw ng mga teammates namin. Hindi natigil ang asaran nila. Napapaisip ako sa sinabi ni Cienne. Oo nga nabawasan yung oras ni Mika para sa akin. pag umuuwi siya ng Dorm mas gusto na niyang magpahinga. Minsan sinusubukan niyang makipagkwentuhan pa sa akin pero mapapansin ko na lang tulog na pala siya. Umakbay sa akin si Ate Cha.”hawag mo ng isipin yung sinabi ni Cienne… “ Tumango lang ako. Naintindihan ko naman si Mika e. magkaiba naman kasi sila ng sitwasyon ni Kim. Tanggap sa both families ang relasyon nila ni Cienne samantalang kami hindi. Naghiwa-hiwalay muna kami. may mg lakad rin kasi sila at babalik na lang mamayang afternoon training. Mag-isa akong naglakad pabalik ng dorm. May magarang kotse na nakaparada sa tapat ng dorm namin. nilampasan ko na lang ito pero bumusina ito ng pagkalakas-lakas nang papasok na ako sa gate. “s**t!” muntik akong matalisod sa gulat. Tuloy tuloy lang ang pagbusina nito. Paglingon ko ay bumaba yung driver. “hey? Hop in..my treat…”Si ate Liam yun. All black ang outfit at nakashades.”bilisan mo…”ngiti nito. “magpalit lang po muna ako ng damit.nakakhiya e…” “pwede na yan…ako naman ang bahala sayo…” Sumakay na ito ulit sa kotse at sumunod naman ako. Nakashort ako at greet tshirts. Naka-vans shoes rin. “kumusta ang training?”tanong nila. “ayos lang po…”nahihiya akong sagot sa kanila.”saan po tayo pupunta?” Lumiko kami sa kanan.”lunch at home…busy si Mika e..kaya ikaw na lang sinundo ko…” Eee? Substitute ako? Ganun? Tumawa siya.”bakit parang namula ka? don’t worry…wala dun ang mga parents ni Mika…tayo-tayo lang nina papa… “ Imbes na mapagaan ang loob ko e mas kanabahan ako. Makakasabay ko sa lunch sina ate Jm at ang mga magulang nila. Kukumbinsehin ba nila akong hiwalayan ko na si Mika? Pagkarating namin sa  Richman’s Ville ay iginiya ako ni ate Liam papunta sa likuran. Siya namang nakasalubong namin si Ate JM na karga si Lhan. “goodmorning po.”batik o sa kanila.  Si Lhan naman parang gusto agad magpakarga sa akin. “baby…huwag makulit..”saway ni Ate JM.”look like he likes You Ara…” Parang nag-init naman ang pisngi ko. hindi ako komportable na nandito at wala si Mika. Parang anytime manghihina ako sa nerbyos e. “ta..ta…ta…”sambit ni Lhan. “pagbigyan mo na nga Ara…”sabi ni Ate JM. Anglikot ni Lhan. Panay ang pisil sa pisngi ko. sa ilong at parang gusto pa yang tumalon talon. “likot mo ha? Angbrutal pati..hehe.”pisil ko sa ilong niya. Nag-giggle naman ito at nagtatalon sa lap ko. Siya na ang energetic. Dumating ang mga magulang ni Ate Km kasabay sina kuya Jmichael at Kuya Jmark. Ako na talaga ang gustong lamunin ng lupa ngayon. “good morning po tito…”lumapit ako para magmano sa kanila ni Tita. Ngumiti ang mga ito at ginulo ang buhok ko.”god bless you hija… parang close kayo ng apo ko ha? Naku…pagpasensyahan mo na yan at anglikot…” “hskaauiwalada”parang nakakaintindi naman tong si Lhan e. “ok lang po tito…sanay naman akong mag-alaga ng baby e…” “talaga?”si tita naman ang umakbay sa akin.”good to hear that… para pag nagkaroon na rin kayo ng baby ni Mika hindi na kayo mahihirapan..” O____O---ako. Tumawa naman sina kuya Jmichael.”mama? anak agad-agad? Bakit? itatago na ba natin sila?hahaha” “oo nga no?”sang-ayon ni kuya Jmark.”diba may resthouse ka sa Bolinao JM? Dun mo na sila itago,hahaha” Whoaaah..Mika..iligtas mo ako! BULLY ang mga kamag-anak mo. “tama na yan mama..baka sa susunod hindi na sumama yang si Ara e… matutrauma sa pang-aasar nyo..”saway ni Ate JM. Thank you po. Ganun ang tingin ko sa kanila. Pero nag-smirk sila.”MQ… sa Bacolod na lang oh… bili tayo ng bahay dun.hahah” (“-__-)—ako “ashlasdiwahflahf”si Lhan naman at tumawa. Halla? Pati ikaw baby inaasar mo na rin ako? Tsss. Nasa hapag kainan na kami at magiliw naman na nagkwento sina Kuya Jmark sa mga trabaho nila. “nga pala Ara… huwag mong bibitiwan si Mika ha?”payo ni Tito sa akin.”you’re her strength…” “and her weakness.”dagdag ni tita.”hanggat maari hija huwag mong ipakita sa kanyang nahihirapan ka…” “so seminar pala to no?”sabat ni Jmark.”hay naku Ara… pakinggan mo lahat ng sasabihin ng mga magulang namin…dahil higit kanino..SILA ANG NAKAKAALAM KUNG ANO ANG KAYANG GAWIN NI TITO MIGUEL…” Bigla akong kinabahan naman dun sa sinabi ni kuya Jmark. Sumabat si ate JM.”pinapakaba niyo naman masyado si Ara..kain ka lang Ara…huwag mo masyadong isipin ang mga sinabi nila…” Habang kumakain ay napag-usapan yung ginagawang bahay Ni mika. Yung pinuntahan naming site noon. “itutuloy pa ba yung paggawa ng bahay?”tanong ni tito. Umiling si kuya Jmark.”pinatigil ni  tito e…sayang nga yung mga materyales…” “ako na lang magpapagawa ng bahay niya.hahahah”pagbibiro ni tito.”pero gusto kong si Ara ang gagawa ng plano.” “po???”muntik na akong mabulunan.”hindi ko po kaya…” Ibinaba nila ang kutsara at uminom ng tubig bago sumeryosong tumingin sa akin.”I know you can…”ngiti nila.”strive hard Ara… be one of the best architect in the country… sa ganoong paraan ma-e-earn mo ang respeto ng kapatid ko…” Spell PRESSURE? “uhm..i will po tito…” Ngumiti ito.”good.. OA ng kapatid ko e…so narrow minded…” “nagsalita ang hindi OA..”tawa ni ate Liam.”sino ba yung sinabihan akong mag-aral sa kingfisher ng dalawang taon at walang communication sa anak niya? kilala mo yung kuya Jmark?” Natawa naman siya.”OO NAMAN..YUNG HALOS MABALIW SI JM DAHIL WALA KA? KILALANG-KILALA..” “you shut up..”printing saway ni tito sa kanila. Pikon rin si tito.haha.cool naman oh. Natapos ang lunch at natapos rin ang kalbaryo ng pang-aasar nila sa akin. I survive the lunch with the BULLIES. Haha. Ngiting tagumpay Victonara Galang. MIKA’s pov (same time na nasa Richman’s ville si Ara) Peek hours. Loaded ang QE. Daming Tips to kung maganda ang serbisyo. Focus kaming dalawa ni Arden. Paramihan ng tip pag natripan niya. e malas lang niya kasi ako babae or lalaki nahuhumaling sa kagandahan ko.hahaha.angyabang ko. joke lang naman yun. “Toks… walang pagod ah?”biro ni Arden. “inspired toks…wag ka na… monthsary namin bukas oh…” “wow…yan tayo e… kokorni ka na naman.hahaha” “tsss…sakto lang…”nagserve ulit ako sa ilang table. Dapat forever plastered ang ngiti ni Mika Reyes para goodvibes. I still have an hour bago bumalik sa univ. kailangang 2:30 nandun na ako e. “Reyes…table 19…”tawag sa akin nung cashier. Mabilis akong pumunta sa cashier. At dinala yung tray sa table 19. “whattaheck?”bulalas ko. “why bebe? Wala na ba kaming karapatang kumain dito ha?”ngisi ni ate Kath.”namiss ka namin e…hindi ka na nakakadalaw sa bahay…” Tumayo si Kuya Allen at nagpunta sa manager. “maupo ka.”utos sa akin ni ate Kath. “ashkiydalnias”si Ken yan habang pinaglalaruan yung feeding bottle niya. Bumalik na si Kuya Allen at naupo sa tabi ko.”ok na Mika..dont worry…” “ganun niyo ako namiss?hahaha.”hinihila ko yung feeding bottle ni Ken.”baby ken oh…miss mo na rin si tita Mika?”natapunan ko ng spaghetti yung damit ni Ken. Bigla itong napatigil sa pangungutit at tumingin sa akin na parang malapit na umiyal. “luuh…sorry baby..”pinupunasan ko yung damit niya pero bigla itong umiyak. Nagwala na ito at kinailangan na siyang libangin muna ni kuya Allen. “maganda raw ang serbisyo niyo dito sabi ni Rhyck.”pag-uumpisa ni ate Kath. “weeh?haha…endorser rin e…”tawa ko sa kanila.”thank you po ha? Iniintindi niyo ko…” “angdrama mo bebe ha… panganay ka namin e.”tawa ni ate Kath.”saan pala yung manugang namin?”dagdag niya. Kung makamanugang naman to e. pero parang feel ko yung ha.haha.kinikilig ako ng wala sa oras.demn.”uhm baka po kasama ng team… may training pa kami mamaya…makakasama ko ulit siya kahit papano…” “korni mo bebe.hahaha” Inirapan ko siya.”seryoso ako e…” Ginulo niya ang buhok ko.”dalaga na ang bebe namin….hindi na yung uhugin ah…”pang-aasar pa niya.”but seriously Mika… im proud of you… “ “thank you po… its about time pangatawanan ko ang desisyon ko…Ara is not just an ordinary person…she’s the wind beneath my wing…” “and the person who brings out the corny side of Mika Reyes..”tawa niya. Ikinain ko na nga ang pang-aasar nila. Bumalik na rin si kuya Allen pero si Ken nakasimangot pa rin. Anglakas naman magtampo ng batang to. baby pa lang e. Tumignin sa relo niya si kuya Allen.”ihahatid ka na namin sa univ..”alok nito.”mag-overtime daw si Arden e…” Nagbihis na ako at nagpaalam sa manager. “toks… mauna na ako ha?” “bigay mo to kay kena Cha..”abot niya sa akin ng take out meals para sa tatlong Cruz. Pagkarating sa Mhei Zhou at bumaba na ako sa first gate. Bumaba rin si Ate kath at inaabutan ako ng pera.”monthary niyo bukas diba? Excited ka pa noon na nagkwento sa akin.. i-date mo siya…masaya akong nakikitang contented ang bebemika namin…”pisil niya sa pisngi ko.”yung manugang ko ha? Alagaan mo..” “thank you ate Kath…”yakap ko sa kanya. Pi-nat niya ang likod ko.”kaya mo yan Mika..” -- “saan si Ara?”bungad ko kay Kim. “hindi ko alam…naghiwa-hiwalay kami e..” Siguro lumipas ang 30 minutes bago siya dumating kasama si Ate Liam? luuh?bakit sila magkasama. Lumapit sila sa amin at niyakap ako ni ate Liam.”kasama mo raw si Kath?” Kumalas ako sa pagkakayakap niya.”opo…nanglibre e.hehe.” “ah okei..hiniram ko lang si Ara sandali ha? Balik na rin ako sa opisina…”paalam niya.”kim… kayo na bahala dito ha?” Sumaludo si Kim’”yes maam…” Bumaling siya kay Ara.”kung niloko ka nito sabihin mo lang..ako sasapak diyan.” Training went on. p*****n. Grabe si coach. gusto yata niya e yung gagapang na kami pauwi e. Ganado ang lahat except Camille. “kambal ok ka lang?” Tumango ito. “whoy… nakita mo lang ako ganyan ka na…”ngisi ni Carol. May nakaraan ba tong dalawang to? palipasin na nga lang. pinalabas muna si Camille para makapagpahinga. Nilapitan ko siya. “you okey? Weird mo ha….” “ok lang ako…”she sighed.”may balita ba kay Rence?” “yan tayo Camille e…labas labas rin ng nararamdaman pag may time…hahaha” “tsss…feeling mo Mika..nangangamusta lang e…”pangtatanggi nito. “seriously… hindi kayo nagkaroon ng closure?” Umiling siya.”kung kailan aamin na ako na gusto ko na rin siya saka naman siya umalis na parang bula…no reason at all.” “meron Camille…” “e ano? Hindi ko ba pwedeng malaman? Bakit kailangan niyang iparamdam na mahalaga ako sa kanya tapos aalis rin? Ano yung lokohan lang?”Mangiyak-ngiyak na siya sa kakasumbat.”Mika..willing akong magtake ng risks…pero umalis siya…” Ipinatong ko yung malaking towel ko sa kanya.”alam kong ayaw mong Makita ka nilang umiiyak Camille… dito lang ako… iyak mo lang yan.” Habang naglalaro sila ay ito kami ni Camille. Umiiyak siya at patay malisya lang ako sa tabi niya. napatingin sa akin si Ara at sinenyasan ko lang siya na ituloy yung laro nila at huwag kaming pansinin. -- Umuwi na kami ng dorm at kanya-kanya ng pahinga. Sa kwarto namin ng kambal ay tahimik rin. Agad umakyat si Cienne sa higaan niya. samantalang si Camille ay humiga na rin. “bakit anglobat niyo?”tanong ni Ara. “bakit ikaw? Hindi ka pagod?”tanong ko. Umiling ito at yumakap sa akin ng patagilid.”kasama ko ikaw e…uyy..kikiligin yan.hahaha…” “hmm…moy…may work ako bukas… hindi tayo makakapagdate sa monthsary natin..”then kiss her forehead.”sorry ha? Binigyan ako ni ate Kath ng pangdate…”natatawa kong kwento sa kanya. “spoiled ka sa kanila ah..” “oo nga e… hays..uhm..saan mo gustong magdate bukas after work?” “uhm…dito…magpahinga ka…kasi may training tayo kinabukasan…” “grabe nga no? Sunday na Sunday ngayon walang patawad sa training…tapos bukas ulit…tapos sa isang pang bukas..yung totoo? CHAMPIONSHIP AGAD ANG LALABANAN NATIN?”biro ko sa kanya. Ang totoo niyang may isang league kaming sasalihan this May. Kaya ganito na lang ang tindi ng training. todo suporta ang univ kaya kailangan rin naming ibigay ang best namin. “hmm..moy..gusto kong bumalik sa dorm natin dati…” So heto kami naglalakad patungo sa dati namin dorm. dinemolish na iyon. “luuuh? Anong gagawin diyan?” “sayang…sana nakuhanan natin ng picture bago giniba…” Punong-puno ng memories ang dorm na to para sa amin. Dito kami nagsiwagan e. dito niya ako sinagot sa harap ng teammates namin. Street lights lang ang naging liwanag namin habang pabalik sa dorm. “moy? Hindi ka pa napapagod? Hindi mo namimiss ang buhay mo dato?” Tumigil kami sa tapat ng isa sa mga street lights. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. “natatakot ka ba dahil hidni tayo tanggap nina papa?” She nodded and her eyes became teary again. “parang ninakaw ko sayo yung buhay na kinagisnan mo Moy..tingnan mo ngayon… kailangan mong pagsabayun ang pagtarabaho at pagtitraining…paano na pag pasukan na? pati pag-aaral mo maapektuhan…” Pinahid ko ang mga luha sa pisngi niya.”be strong Ara..para sa akin? please? kakayanin ko to..kakayanin natin to…”pagpapakalma ko sa kanya.”ang isipin mo ako… tayo…”ngiti ko sa kanya."Huwag kang mag-alala kung hindi tayo legal. Atleast pinaglalaban kita kahit alam kong bawal.." “sorry moy…minsan parang ang-weak ko…” “ok lang yung minsan…basta yung MADALAS STRONG TAYONG DALAWA…”pinisil ko ang ilong niya.”e kung ibenta natin yang braces mo?ipa-auction natin? para may pera tayo? hahahaha” Tinampal nmiya ako sa noo.”adik mo Mika…!” -- -- Tumambay ako sa kwarto nina ate Cha habang nakikipagkulitan si Ara kena Camille sa kwarto namin. “hindi kayo clingy ha?”pansin ni ate Cha. “ganun talaga…hindi naman kasi kailangang lagging magkasama e… hindi lang sa akin umiikot ang mundo ni Ara…she has friends also… “ “naks… ikaw ba yan Mika? Parang matanda ah…sabihin mo nga kay Cienne yan.hahaha” “magkakaiba naman kasi tayo ng pagpapakita ng pagmamahal sa partner natin e…maybe its just  her way of showing love for Kim..”pagtatanggol ko kay Cienne.”parang kayo ni Arden..kung umasta kayo parang magbarkada lang..pero alam ko naman kung paano niyo pinapahalagahan ang isa’t-isa…” Ngumiti ito.”yap… thankful ako kay Arden dahil iniintindi niya ang sitwasyon ko bilang panganay… hindi siya nagdedemand ng sobrang oras…” “kaya mahal mo e…”pang-aasar ko sa kanya.”you see your future with him?” Ngumiti ito.”honestly? oo… yun naman dapat diba? If you enter a relationship…you always wish na sana siya na…siya na yung lifetime partner mo…” Sumandal ako sa dingding.”si Ara… gusto ko siya na ang makasama ko habangbuhay…” “mangyayari rin yun Mika basta pareho niyong gusto…”tugon niya.” Love is not just looking at each other, it's looking in the same direction.”dagdag niya. --   credits to Vhanesxa Ü Potsx : "Huwag kang mag-alala kung hindi tayo legal. Atleast pinaglalaban kita kahit alam kong bawal.." vote-comment-recommend po... pwede mo rin pong icomment yung dialog na gusto mong maisama sa story.. :") just put on the comment box at kung sino at para kanino ito sasabihin ng character. JUST FOR FUN lang po. lablab :")  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD