Riya’s POV “Pres, Xander. Mabuti pa bumalik na kayo sa hospital. Dahil sa ginawa niyo lalo lamang kayong mapapahamak eh.” Paki-usap ko sa kanya nang humiwalay na siya ng yakap. Kaagad na sumimangot siya dahil sa sinabi ko. “Hindi pa nga nalagpas ng isang minuto na nakita kita paalisin mo na ako? Ayoko. Babalik lang ako doon kapag kasama kita.” Pagmamatigas niya sa ikinakunot ng noo ko. Napabuntong hininga ako at hinila ko siya papasok sa bahay. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kila Mom and Dad kapag nakita nila si Mr. President. Pero siguradong matatagalan pa akong kumbinsihin siya. Pinapasok ko na rin si Kara dahil baka mag-intay siya sa labas kaya lang ay tumangi siya at sa kotse na lang daw siya mag-aantay. Nang makapasok na kami sa loob ay pinaupo ko muna siya sa sofa.

