Pinilit kong idilat ang mga mata ko dahil ayaw tumigil sa pag-ring ang phone ko. pupungas-pungas pa akong sinilip ang maliwanag na screen dahil madilim ang kwarto ko. Isang mata ko lamang ang binuksan ko at nagtaklop ako ng kumot dahil sobrang lamig. “H-Hello?” Inaantok na tanong ko sa kabilang linya. “Good morning.” Malambing na sabi niya sa kabilang linya. Hindi ko napansin ang pamilyar niyang boses dahil pakiramdam ko ay antok na antok pa rin ako. “Good morning…” Sagot ko sa kanya sa mahina at paos kong tinig. “Ang sarap naman pakingan ang boses mo. Siguro mas masarap gumising sa tabi mo.” Bigla akong napamulat nang sabihin niya yun. Pagtingin ko sa screen ay number ni Mr. Saltik ang bumungad sa akin. Sa gulat ko ay pinatay ko agad ang tawag niya at naihagis ko pa ang phone k

