“Halina kayo at kumain na. Inabot na kayo ng hapon, ang tagal ninyong natulog. Mas masarap ang ulam kapag bagong luto lalo pa’t gulay.” Nakakaloko na sabi ni mother Heide habang ang tingin sa akin ay pa ismid. Mukhang may idea ang matandang madre sa naganap sa amin mag-asawa. “Salamat po, mother.” Tumango lang ang matandang madre at iniwan na kami matapos kaming hainan ng kasama niyang kasambahay. “What kind of grass is this?.” Gusto ko matawa kay Damon, nakalagay kasi sa kanyang tinidor ang dahon ng saluyot at sinasandok din niya ang bunga ng malunggay. “Dinengdeng ‘yan. Hindi ba kumain ka na dati ng pinakbet sabi mo? Dinengdeng is a dish of the Ilocanos, similar to pinakbet. It is classified as a bagoong soup-based dish. Unlike pinakbet, dinengdeng contains fewer vegetables an

