“Hindi ako makakatulog ng maayos kapag tinitignan mo lang ako. Magpahinga ka muna sa sofa, mahiga ka dahil sabi ko nga sayo, ako ang bahala sa lahat.” Nahihiya akong napalunok ng aking laway. Ngumisi pa kasi ito habang nakapikit. Nagmamadali tuloy akong tinungo ang sofa para maupo doon. Nahiga ako at ipinikit ko na din ang aking mga mata. Napa-buntong hininga ako, ngayon ko lang naramdaman ang pagod at sakit sa katawan. Okupado ng nangyari ang utak ko maghapon. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. “Anong nangyari?.” Tanong ng mommy ni Damon na kararating lang ngayon at nag bukas ng pintuan. Ang kanyang ama ay out of the Country daw kaya wala dito ngayon. “May nagtangkang sagasaan si Andrea mom.” Matipid na sagot ng aking asawa sa kanyang ina na halata ang pagkagulat. “Sin

