“Lalabas ka pa ba dyan?.” Sigaw ni Desmond sa akin. Kaya't wala akong pagpipilian kundi ang lumabas ng banyo. Mabagal ako na humakbang at sakto, pagsulyap ko sa lalaki ay nakapikit ang mga mata nito. “Mag re-request ako ng paternity DNA test para sa amin ni Aria, bukas na bukas din. Magsinungaling ka man sa akin, hindi maitatanggi ng katawan mo ang lahat. Ang tanong ko lang, bakit mo itinago sa akin? Bakit hindi mo ako binigyan ng pagkakataon para magkaroon ng dahilan para lumaban sa buhay? Pagkakataon na layasan ang putang*nang sitwasyon na ‘to?.” Sabay mulat ng lalaki at lumuluha na tinitigan ako. Napahinto ako at napangiti ng mapait. “Sino ba ako sa buhay mo, Desmond? Paano naman ako kapag nag habol sayo? Ano ang magiging dating ko sa tao? Desperada na Aeta na nagpatira tapos mag

