“Kanina pa ba ang anak ko dito?.” “Oo, nalibang ako. Mas maganda siya kausap kumpara sa mga matatanda, ang sagot ng bata walang bias. Kung ano ang naisip niya, yun ang sagot niya. Mas madaling intindihin ang mga sinasabi.” Hindi ako umimik, medyo guilty ako dahil minsan talaga sablay din mga sinasabi ko. Madalas wala akong imik. “Halika na, maglinis ka na ng katawan mo. Para mamaya kakain ka na lang.” Hindi naman mahirap mapasunod ang lalaking ‘to. Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Tita Rea na nahihirapan sila. Isa pa, remote control naman ang wheelchair nito at hindi na kailangan pang itulak. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may dalawang mata din na nakamasid at laging nanonood sa kanilang galaw. “Sa palagay mo, magiging okay na sila? Nahihirapan na akong mag panggap sa harapan n

