“Mauna na kayo sa probinsya, ihahatid ko kayo. Hindi pwede ang agaran na pag lipat ko. Alam mo naman na ako na ang may hawak ng mga negosyo mo, ganun din sa negosyo ng pamilya namin. Kakausapin ko muna ang board na kung pwede ay once a month nalang ako magpapakita at luluwas dito.” Hindi umimik ang asawa ko. Alam ko naman na ayaw nito na magkahiwalay kami, iba mag-isip si Eva, mahalaga ang pamilya. Ganun din naman ako, pero sayang naman ang mga negosyo namin na alam ko na makapagbibigay ng magandang buhay at kinabukasan hanggang sa huling henerasyon namin. “A—Ayaw ko, Desmond. Sabay-sabay na tayo, doon na lang tayo.” Niyakap ko si Eva at hinaplos ko ang kanyang likod. Expected ko na ang sagot niya, nagbabakasakali lang naman ako. “Makinig ka sa akin, sweetie. Ikaw o si Aria ang punt

