CHAPTER: 1

1327 Words
Minsan namimiss ko rin ang aking mga magulang. Hindi ko maiwasan na malungkot tuwing naalala ko ang mama at papa, lalo na tuwing sasapit ang umaga. Ang boses ng aking ina na nagsisilbing alarm clock tuwing tinatamad ako bumangon. Papasok na ako ngayon sa aking trabaho, hindi ko rin alam kung bakit kayod kalabaw ako 'e wala naman akong binibuhay bukod sa sarili ko. Sapat naman ang ipon na meron ako at alam ko na hindi ako magugutom kahit limang taon ako na hindi magtrabaho. Mabilis ang naging kilos ko ng maisip ko ang ang mukha ng aking amo na nayayamot. Medyo nakakatakot ang lalaki dahil bukhang milyones din ang halaga ng kanyang ngiti na hindi basta-basta masisilayan. “Andrea, coffe sa akin." “Sa akin burger with fries." “Sa akin ang gusto ko halo-halo." "Pero Allen Jane, walang tinda na halo-halo sa McDo.” Sagot ko sa manager namin na nilapitan ako at dinuro-duro ang aking noo. "Edi maghanap ka! Tonta!." Maldita na sabi ng babae sa akin na nagpakulo ng aking dugo. Sasagutin ko pa sana ito ng biglang hawakan ni Karren ang aking braso at ilingan ako. Napabuntong hininga na lang ako at pinigilan ang aking sarili. “Susunod din pala magrereklamo pa!." Sabi pa ni Allen na binalikan ko at binato sa kanya ang pera niya na inabot sa akin kanina. “Ikaw bumili, hindi mo ako alipin." Sabay talikod ko at humakbang na ako papalabas. Nagsisigaw ang babae pero wala akong pakialam. “Humanda ka, makakarating ‘to sa taas!.” Sigaw pa ng babae na hindi ko na pinansin pa. Kahit makarating pa kay papa G, wala akong pakialam sa kanya. Pag pray ko na lang kaluluwa niya. Napabuntong hininga ako ng makarating na sa elevator at makababa sa ground floor. Naglalakad ako sa hindi kalayuan patungo sa fast food chain. Nag order ng mga pagkain na pakisuyo ng mga katrabaho ko kanina. Hindi naman nag tagal at mabilis rin ako nakabalik sa building kung saan ako nagtatrabaho bilang sekretarya ng kilalang negosyante at bilyonaryo na si Damon Walton. “Bilisan mo Andrea, nandyan na ang demonyo at kanina ka pa hinahanap.” Bulong ni Karren sa akin na tinanguan ko lang at medyo nagpakaba din sa akin. Panigurado mabubulyawan na naman ako ng boss ko na pinaglihi sa sama ng loob. “Hala! Bilisan mo na kunin minna ang mga yan! Kayo kasi, ang daming pinabili ‘e.” Inabot ko na lahat ng pagkain sa aking kaibigan at kinuha ko lang ang sa akin, dalawang burger at dalawang drinks. “Where have you been, Miss Andrea?." Madiin na tanong sa akin ng demonyo, este ng boss ko na nakaupo sa kanyang swivel chair at hindi man lang ako nilingon. Kapapasok ko pa lang sa loob pero parang tatay ko ito at para naman akong anak na nahuli sa pag-uwi sa bahay. "Bumili ako ng pagkain, ito binilhan din kita, Sir.” Nakayuko na sabi ko sa lalaki. Akmang tatalikod na ako ay hahakbang patungo sa pwesto ko ng magsalita pa ito. “Kanina pa ako tumatawag sayo dahil may itatanong ako sayo na files, kaya pala hindi mo sinasagot dahil hindi mo dala ang cellphone mo. Sana pala hindi mo na tinanggap ang company phone kung wala naman pa lang silbi sayo.” Pagsusungit ng lalaki na tumayo na at nakapamulsa na tinitigan ako ng matalim. “Sorry, Sir." Tanging nasabi ko sa lalaki na umiling lang at tinambakan ako ng maraming papeles sa aking lamesa. Kaagad ko hinarap ang parang bundok na taas ng mga papel na inutos sa aking ng lalaki na basahin ko at paghiwalayin base sa buwan at araw. Inabot na kami ng alas sais ng gabi bago natapos. Ininat ko ang aking binti at braso sabay tayo. “Let's go, ang bagal mo kumilos." Sabi ng demonyo sabay nauna ng naglakad. Halos takbo lakad na ako dahil maliit lamang ako na babae habang ang lalaki ay anim na talampakan ang taas. Ang isang hakbang niya ay katumbas ng lima na hakbang ng maliit at maikli na binti ko. “Halika na nga!." Sigaw ng demonyo sa akin na ilang hakbang lang pabalik sa aking kinatatayuan, sabay hawak sa kamay ko at sabay kami na pumasok sa loob ng elevator. “S—Sir, yung kamay ko po.” Magalang na sabi ko sa aking boss na nagulat at parang nandidiri na binitawan ang aking kamay. “Diring-diri? Wala akong sakit na nakakahawa! Arte nito." “Huh? May sinasabi ka Miss Andrea?." Napakagat labi ako at mabilis na umiling. Mahina lang naman ang sinabi ko pero bakit narinig pa nito. Iba din ang lalaki na ‘to, demonyo talaga. “Wala po Sir, sabi ko ay mukhang magkakaroon ako ng ubo dahil makati ang lalamunan ko, baka kako makahawa ako.” Napabuga ako ng hangin dahil mukhang naniwala naman ang lalaki at tumango-tango pa. “Napaka-unhealthy kasi ng mga kinakain mo ang hilig ninyo sa fast food. Kaya mahihina ang katawan ninyo ‘e.” Pagsesermon pa ng lalaki na hindi ko na pinansin. Ayaw ko makipagtalo dahil nga baka masagot sagot ko pa ito ng pabalang. Minsan pa naman ang bunganga ko walang preno kapag naiinis ako. “Oh, dito na pala tayo. Mag taxi ka na lang para makarating ka kaagad sa bahay ninyo. Mauna na ako." “Bye, Sir!." Sabay tayo ko ng tuwid. Naiinip ako na naghihintay ng dadaan na sasakyan. Mabuti na lang at hindi ako inabot ng isang oras at may jeep na huminto. Kaagad akong sumampa ng sakay at naupo, kinapa ang loob ng aking bag, hinanap ang maliit na walet kung saan nakalagay ang mga barya. “Bayad po, makiki-abot po." "Saan ito?.” “Sa Maligaya lang po, sa kanto." Sagot ko sa nagmamaneho. Pagkababa ko ay ilang hakbang pa nga bago ako makarating sa aking bahay. Mabilis akong nagbibihis ng damit matapos ko makapasok sa loob ng aking tinitirhan. Isinalang ko sa maliit na microwave ang ulam na niluto ko kanina pang umaga. “Ang pagod!." Mahinang bulong ko sabay higa sa maliit na sofa. Mag-isa lamang ako sa buhay dahil ulila na akong lubos. Wala naman sa akin nagpakilala na kamag-anak ko ng halos magkasunod na mawala ang aking mga magulang, dahil sa karamdaman na hindi namin napagamot. Si papa ay intake sa puso habang si mama naman ay komplikasyon sa baga. Naiwan akong mag-isa sa bahay na ito. Kayod kalabaw ako dahil pinaghahandaan ko ang aking pagtanda. Hindi naman ako pangit, sadyang mailap lang ako sa mga tao. Sabi nga ni Karren na kababata ko, kulang lang daw ako sa ayos. Mahaba kasi ang buhok ko, na iniikot ko lang ng tali sabay nilalagyan ng ponytail. May salamin din ako sa mata na malaki dahil nga anti radiation. Wala naman sira ang mga mata ko pero inaalagaan ko ito, dahil nga maghapon ako nakatutok sa computer sa trabaho at computer din dito sa bahay. “Kriiing! Kriiiiiiing!." Tunog ng cellphone ko na iniiwan ko lang dito sa bahay. Tinatamad akong tumayo at inabot ang aparato. “Hello?." “Kadarating mo lang ba? May event sa susunod na linggo, hindi ka ba talaga dadalo? Maraming readers mo ang nadoon at umaasa na makikita ka man lang kahit mata mo lang." Mahaba at tuloy-tuloy na sabi ng aking editor at kaibigan na si Honey. Ipinikit ko ang aking mga at hinilot ko ang pagitan nito. “Mag facemask ka lang, hindi ka na makikita ng buo." “Ayaw ko Honey, alam mo naman na ayaw ko magpakita. Ipadala mo dito lahat ng mga pipirmahan ko na mga books. Ayaw ko makipagtalo, napapagod ako." Tanging buntong hininga na lang ang aking narinig kaya binaba ko na ang tawag. Isa akong erotic writer, masasabi ko na nasa tuktok ako ng aking karera sa likod ng aking pen name na si Ms.Aubrey or Ms.A. Tanging si Honey lamang ang nakakakilala sa akin at wala ng iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD