Habang nagtitipa ako sa aking laptop ay sunod-sunod na naman ang mensahe na aking natanggap. Hindi ko na lang pinansin dahil alam ko na galing ito kay Honey. Kailangan ko ng matinding konsentrasyon dahil nasa eksena na ako na nag-niniig ang aking dalawang bida. Minsan ay tinatablahan din ako ng init ng katawan, wala akong magawa minsan kundi ang huminto, magbilang ng hanggang limampu at saka magsusulat ulit. Hindi naman ako menor de edad, open minded ako at maging ako, gusto ko subukan ang mga tagpo na isinusulat ko na nobela. Ang problema lang nga, wala naman akong kasintahan na maaari kong maging kapareha.
“s**t!."
Mura ko ng kahit ako ay nadadala na sa eksena na aking sinusulat. Tumayo ako saglit at kinuha ko ang aking private phone. Kanina pa iyo ilaw ng ilaw at ngayon lang ako ginanahan na hawakan.
“Sister Heide?.”
Pagbati ko sa madre na nangangasiwa ng home for the aged na sinusuportahan ko. Halos dito napupunta ang mahigit kalahati ng aking kinikita sa dalawa ko na trabaho.
“Pasensya na sa abala anak, pero kanina may mga pumunta dito nagsasabi na sa kanila daw ang lupa na ito, makukulit sila anak at sabi pa ay bibigyan lang daw kami ng anim na buwang palugit."
Nanghihina ako na napa-upo sa gilid ng aking kama. Ang tagal ng panahon na hindi na nang gulo ang mga yun, akala ko okay na. Medyo magulo din kausap ang may-ari ng lupa na yun.
“Sige po sister Heide, gagawan ko po ng paraan. Kamusta nga pala ang mga matatanda, okay naman po sila? Wala bang ginawa sa inyo na masama ang mga pumunta dyan?.”
"Wala naman anak, yung nga lang at armado sila, kaya nakakatakot.”
"Sige po sister, sa sabado po ay pupunta ako dyan. Magpahinga na po kayo at wag na masyadong mag-isip pa.”
Paalam ko sa matandang madre. Kailangan ko kumita, kailangan matapos ko ang sinusulat ko na nobela para sa ganun ay makabili ako ng lupa para sa bagong pagtatayuan ng tirahan ng mga matatanda.
Ang pera na mayroon ako sa bangko ay naka time deposit, hindi basta-basta magagalaw. Kaya wala akong mapagkukunan. Napabuntong hininga ako na nilapag sa lamesa ang aking cellphone at inayos ko ang aking pagkakaupo mabilis ko pinagalaw ang aking daliri habang nakapikit ang aking mga mata at dinadama ang bawat eksena sa aking isinusulat na kwento. Paano madadama ng mga mambabasa ang bawat eksena sa nobela kung ikaw mismo na nagsusulat ay hindi madama?. Feeling ko sa bawat aklat na sinulat ko ay ako ang female lead.
“Woaaah!."
Mahinang sigaw ko ng matapos ko ang dalawang chapter. Pagtingin ko sa dingding ng aking silid ay alas dose na pala ng hatinggabi. Hindi ko namalayan ang oras. Hinubad ko ang aking sakamain sa mata at sumampa na ako sa aking kama, ipinikit ang aking mga mata para matulog.
“Ay hala?!."
Mabilis akong napabalikwas ng bangon dahil alas sais y medya na. Alas otso ang pasok ko at marami pa akong ritual sa aking katawan.
Kaagad akong lumabas ng aking silid at nagbuhos ng tubig sa aking katawan.
“Ang lamig!."
Malakas na sigaw ko dahil ang lamig talaga ng tubig. Naglagay ako ng shampoo sa aking buhok sabay sabon ng aking katawan. Nagsisipilyo at nag hugas ng aking cherry blossom. Buhos ulit ng tubig sabay punas na ng aking katawan.
Naglagay ako ng lotion sa aking katawan na may mataas na SPF para safe sa init ng araw. Naglagay ako ng moisturizer sa aking mukha, nag ayos ako ng aking kilay at naglagay ng manipis na face powder at liptint. Pinatuyo ko ng blower ang aking buhok at mabilis na hinila sa lagayan ng damit ang aking formal office attire.
Hindi na ako nakapag luto ng pagkain dahil nga tinanghali na ako. Sa daan, bumili lang ako ng nilagang kamote at saging sabay lagay sa bag ko at tumayo sa gilid ng kalsada para maghintay ng jeep o taxi na dadaan. Kung alin ang mauuna sa dalawa ay siyang sasakyan ko.
“Sa orange building ng Walton lang po."
Sabi ko sa taxi driver, napapikit ako at napa buntong hininga. pasado alas syete na ng umaga at meron na lang akong kalahating oras para mag biyahe papunta sa trabaho. Sana talaga mauna ako sa demonyo na yun, dahil baka mabulyawan ako o masungitan na naman.
“Manong bayad po, keep the change."
Sabay mabilis na hakbang ko papasok sa building. Pinakita ko lang ang aking ID at ang manong gwardya ay hindi man lang ako pinansin. Ganito talaga kapag manang ka manamit at dahil nagtitipid. Hindi ko rin alam bakit ayaw ko sumabay sa mga pang opisina na damit ng aking mga katrabaho na halos kita na ang kanilang kaluluwa.
“Si Sir nandyan na, pero hindi pa umaakyat. Bilisan mo, mag hagdan ka na lang girl, baka mauna sayo ang demonyo at tambakan ka na naman ng trabaho."
Sabi ni Karren sa akin kaya mabilis ako na humakbang patungo sa hagdanan at sa kamalas-malasan naman ay pagbukas ng elevator na katapat ng pintuan ng opisina ay sakto naman na akyat ko.
“Sana mas binilisan mo pa ang pag takbo para sana nauna ka sa akin ng konti."
Masungit na sabi ng aking boss na hindi ko na lang sinagot. Nakayuko ako na pumasok sa loob at naupo sa aking pwesto. Hinihingal pa ako at napangiwi ng makita ko na wala pala akong suot na stockings. Napahaplos ako sa aking binti dahil milalamig ako. Mahaba naman ang aking skirt pero hindi talaga ako sanay na hindi balot ang aking balat.
“Ehem, mukhang nanaginip ka pa Ms. Cruz, ang trabaho natin tambak. Ano ba ang schedule ko ngayon?."
Tanong ng lalaki sa akin na tinitigan ko ang mukha, napangiwi ako ng makita na sa hita ko pala nakatingin.
“Sorry Sir, may meeting ka ng alas diyes ng umaga sa isa sa mga kaibigan mo, si Mr. Fran Vazquez.”
Tumango lang ang lalaki sa akin at tinalikuran ako. Hinarap ko naman kaagad ang aking computer at inayos ang ilang email dito sa kumpanya.
“Hi Damon, sasama ka ba mamaya sa birthday party ni Mr. Smith?.”
"Yes.”
Matipid na sagot ng aking boss kay Allen Jane, ang feeling maganda at feeling tagapagmana ng kumpanya.
“Anong tinitingin-tingin mo pangit?.”
Nakataas ang isang kilay na tanong sa akin ng babae, napalingon din sa akin ang demonyo at ngumisi lang. Hindi ko pinansin ang babae at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Hindi naman ako pangit, sadyang hindi lang ako mahilig mag-ayos. Mas gugustuhin ko naman na ganito ako, kesa naman katulad niya na desperada na mapansin ng aking amo. Simplicity is beauty ika nga.