Chapter 75: Doc and Patient

2632 Words

Chapter 75 Aliyah Veda Gonzales SA UNA, parang natulala lang ako. Nanlalamig ang mga daliri ko, nag-ingay ang paligid, pero walang pumapasok sa utak. Si Johan. Naka­handusay. Walang malay. Pero bago pa tuluyang lamunin ng takot ang dibdib ko, may isang bagay ang nagsink in sa isip ko—doktor ako. “Twinkle,” basag ang boses ko pero malinaw, “kunin mo si Jaxx. Please. Ilayo mo muna.” “Veda—” nanginginig siya. “Now.” Hindi ako sumigaw, pero may bigat ang utos. Agad niyang kinuha ang anak ko. Narinig ko ang iyak ni Jaxx, tinatawag ang pangalan ko, pero pinilit kong huwag lumingon. Kapag tumingin ako, baka mawala ako sa concentration ko. Hindi pwede. Lumuhod ako sa tabi ni Johan. “Sir, can you hear me?” Walang sagot kay Johan. Pinatong ko ang daliri ko sa leeg niya. Mahina. Irregular.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD