Prologue
Prologue
"DO YOU still love my Mama?" tanong ni Jaxx, walang filter, wala man lang takot. Natahimik si Johan.
Hanggang sa mahina niyang sagot, halos hindi marinig:
"Every day...since the day I left."
Naramdaman kong tila bumigat ang hangin sa paligid. Bawat pag-hinga ko, parang may kaluskos ng sugat na muling binubuksan.
Napasandal ako sa malamig na pader, pinipigilang wag umiyak. Gusto kong tumakbo, gusto kong yakapin si Jaxx, gusto kong sigawan si Johan. Pero wala akong nagawa kundi tumingin, sa dalawang pusong parehong sugatan, na ngayon lang muling nagtagpo.
Inabot niya ang maliit na kamay ni Jaxx.
Ramdam ko kahit malayo — nanginginig ang mga daliri niyang iyon.
"I just. ..I just want to make things right," mahina niyang sabi. "Gusto kong bawiin lahat ng pagkukulang ko."
Tumingin lang si Jaxx, walang ngiti, walang kislap sa mga mata. Para siyang matandang kaluluwang nakatira sa katawan ng walong taong gulang na bata.
Umiling siya. "No." Tuyo ang boses, pero may bigat sa hinanakit. "No, I don't need a Papa anymore."
Napatigil si Johan. "Jaxx..."
"Sanay na akong wala ka," tuloy ng bata, mabagal, bawat salita parang kutsilyo. "Lumaki akong walang Papa. Kapag inaaway ako ng mga bata sa school, wala akong tatay na kakampi ko. Kapag sinasabihan nila akong 'wala kang Papa', tumatawa lang ako... pero pag-uwi ko sa bahay, umiiyak ako sa unan ko, tahimik lang, para hindi ako marinig ni Mama. Dahil ayoko masaktan pa siya lalo dahil sa akin."
Kumunot ang noo ni Johan, nangingilid na ang luha. Pero hindi pa tapos si Jaxx magsalita.
"Kahit nasasaktan ako, I don't cry in front of them. I just stand there and smile...kasi sabi ni Mama, brave boys don't run away."
Huminga siya nang malalim, saka tumingin diretso sa mga mata ni Johan.
"But you know what, Mister? Being brave hurts so much."
Parang may sumabog sa loob ko sa mga salitang 'yon. Hindi ko alam na sobrang nasasaktan ang anak ko. Pinilit kong pigilan ang hikbi, pero wala na. Hindi ko kayang ang mga salita ng aking anak.
"You weren't there when I was sad," mahinang sabi pa ni Jaxx.
"And you weren't there when I was happy. You missed everything — my first drawing, my first medal, my first time riding a bike. Lahat. Wala ka."
Bumaba ang tingin ng bata, nilaro ang kanyang mga daliri.
"My Mama was there. Always. Even when she's tired, even when she cries alone at night. So... no, Mister. I don't need you now. You're too late."
Napaupo si Johan, parang pinutol ang hininga niya. Tahimik lang siya. Luha na lang ang bumagsak sa mga sugat sa pisngi niya.
Ako nanatiling, nakasandal pa rin sa pader, nanginginig at nasasktan. Gusto kong yakapin ang anak kong pinilit maging matapang sa mundong hindi marunong umintindi. At gusto kong sigawan ang lalaking ngayon lang naramdaman kung gaano kalalim ang sugat na iniwan niya.