Chapter 70 Aliyah Veda Gonzales LUMAPAG na ang eroplano sa NAIA, kasabay ng bigat na biglang nawala sa dibdib ko. Finally. Nakauwi na rin ako, after one long year in Singapore. Habang unti-unting bumubukas ang pinto ng aircraft, ramdam ko ang kakaibang excitement na parang nanginginig sa buong katawan ko. I can already picture it. 'Yung batang naghihintay sa akin sa waiting area, hindi na ako makapaghintay sa kanyang, yakap, halik, at kukulitan. Kasama si Lolo Delfin. At si David… na nauna nang umuwi a week ago. Isang taon. Isang buong taon akong nagtitimpi, nag-iipon ng yakap at halik na ngayon ko pa lang ibibigay lahat. Tumayo ako sa pila, bitbit ang hand carry, pilit inaayos ang hininga ko. Pero habang naglalakad ako palapit sa pinto ng eroplano, may gumuhit sa gilid ng paningin ko

