Chapter 32 Aliyah Veda Gonzales "SERIOUSLY? Sasali ka sa pageant?" Halos mapatili si Gillian, sabay taas ng kilay na para bang may nakita siyang kababalaghan. Nasa hapag-kainan kami, at muntik na akong mabilaukan sa tubig dahil sa reaksyon niya. Tumawa pa si Madam Claudia, 'yong tipong tawang pang–alta na may halong pangmamaliit. "My God, Veda...saan ka kumuha ng kapal ng mukha para sumali sa pageant?" Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, so slow, so insulting. "Siguro gusto mo ng exposure? Good luck na lang. Isa sa judges si Governor." Nagtawanan silang mag-ina, parang naka-mic pa ang tawa nila sa buong dining room. Ramdam ko ang init na pumapait sa pisngi ko, pero pilit kong pinanatiling steady ang mukha ko. Bago pa ako makasagot, Terry slammed her fork down. "Excuse me

