Chapter 08
Aliyah Veda Gonzales
HINABOL ko siya kahit alam kong ayaw na niya akong makita. Hindi ko alam kung saan ko hinugot 'yong lakas ng loob, pero hindi ko kayang hayaan na gano'n na lang matapos ang lahat. Gusto kong magpaliwanag. Gusto kong marinig niya ako, kahit isang beses lang.
"Señyorito Johan, please..." halos hinihingal kong sabi habang tumatakbo palabas ng mansiyon. Naabutan ko siya sa may harap ng motor niya. Agad kong hinawakan ang braso niya, mahigpit, parang 'yon na lang ang paraan para mapigil ko siya.
Pero mabilis niyang winasiwas ang kamay niya. "Don't f*****g touch me!" sigaw niya, mariin, at malamig. Napaatras ako.
"Señyorito, I'm sorry... I didn't mean to—"
"Just stop!" He shouted.
Tumigil ako sa pagsasalita. Lahat ng nararamdaman ko biglang nabaon sa lalamunan ko.
He took a step closer, galit ang mga mata, punong-puno ng hinanakit. "You think saying sorry fixes everything? You embarrassed me. You talk too much and don't even realize how low you are in this house."
Napasinghap ako. "A–ano po ang ibig niyong sabihin?" mahina kong tanong, halos hindi ko na marinig ang boses ko.
He smirked bitterly. "Know your place in this mansion, Veda. I'm your boss— and you're just a maid. We're not on the same level. Never were, never will be."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang nakatitig sa kanya.
"If saying sorry makes you feel better, then fine," tuloy niya, boses niya mababa pero bawat salita matalim, "I accept it. But don't expect me to be nice to you after this. I'm pissed off, Veda. And the last thing I want—" huminto siya saglit, "wag kang sunod nang sunod sa akin dahil naiirita ako sa'yo." He said firmly.
Natahimik ako, pero pakiramdam ko ang lakas ng bawat pintig ng puso ko. Naririnig kong may mga boses sa gilid, mga kaibigan niyang nakatingin sa amin. Si Gillian, nakangiti ng abot-tenga, halatang nag-eenjoy sa eksenang nasasaktan ako.
Napalingon din ako sa likod ko si Manang Dolor, nakatayo malapit sa may pinto, may awa sa mga mata. Gusto kong lumapit sa kanya, gusto kong may kakampi, pero hindi ko magawa.
Parang bigla akong naubusan ng hangin sa dibdib. Hindi ako makapagsalita. Parang lahat ng gustong lumabas sa bibig ko ay naiwan sa dibdib, kasabay ng sakit na hindi ko maipaliwanag.
Tumingin pa ulit si Johan, pero sa pagkakataong 'yon, malamig na malamig na. "Now go back inside. Do your job properly, that's the only thing you're good at."
At sa isang iglap, sumakay siya sa motor niya at umangkas sa likod si Gillian na hindi mawala ang nang–uuyam na ngiti— iniwan akong nakatayo ro'n, hawak pa rin ang braso kong kanina niya tinabig. Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga salitang binitiwan niya, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.
Hindi ako iiyak. Hindi ako dapat umiyak. Pero habang nakatingin ako sa papalayong motor niya, parang gusto ko na lang maglaho sa kinatatayuan ko. Ang tanging narinig ko na lang ay mahihinang halakhak sa paligid, habang ako...nanatiling tahimik, pilit nilulunok ang sakit na parang tinik sa lalamunan.
"Lumayo ka muna sa kanya, Veda."
Narinig kong sabi ni Manang Dolor, mahinahon pero puno ng pag-aalala.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko, parang tinambakan ng mga bato. Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Johan kasama sina Gillian at mga barkada niya, parang doon lang ako nakahinga. Pero hindi rin gaano, dahil bawat hakbang ko papasok ng mansiyon, mabigat, parang ayaw akong isunod ng mga paa ko.
Ang sakit. Hindi lang dahil sa mga salitang binitawan ni Johan, kundi dahil sa paraan ng pagkakabigkas niya. Walang emosyon. Para bang kahit anong paghingi ko ng tawad, wala talagang halaga.
Pagkapasok ko sa loob, napahinto ako. Nando'n si Doñya Carmelita sa may hagdan, marahan akong tinititigan.
"Doñya..." mahina kong tawag, halos pabulong. Hindi ko na hinintay kung tatanungin niya ako, kusa na akong nagpaliwanag. "Pasensya na po kung nakagulo ako. Hindi ko po sinasadya ang nangyari kanina. Hindi ko po alam na—"
Naputol ang sinasabi ko nang marinig ko siyang bahagyang tumawa. Hindi 'yong pagtawang mapanlait, kundi 'yong may halong pag-unawa.
"Veda," tawag niya sa pangalan ko, malumanay. "I understand, hija. Don't worry yourself too much. Alam kong wala kang masamang intensyon."
"Pero po—si Johan—"
"I’ll talk to him," putol niya agad sa akin, sabay marahang hawak sa kamay ko. "Hindi tama ang ginawa niya. Alam kong nasaktan ka, at hindi mo deserve mapahiya sa harap ng maraming tao."
Hindi ko napigilang mapayuko. Ramdam kong nanginginig ang labi ko, pilit kong pinipigilan ang luha.
"Pasensya na po talaga, Doñya. Hindi ko po alam kung bakit ang dali kong masabihan ng mga bagay na hindi ko naman gustong sabihin. Minsan kasi...gusto ko lang makipag-usap, pero lagi kong nagagawang mali."
Marahang pinisil ng matanda ang kamay ko. "You have a good heart, Veda. That's what matters. Hindi mo kailangang baguhin 'yon. Si Johan lang ang kailangan pagsabihan."
Napatingin ako sa kanya, at kahit papaano, parang may konting liwanag na bumalik sa dibdib ko. Hindi ko pa rin matanggal 'yong sakit, pero sa sinabi ng matanda, parang may kaunting lakas na bumalik.
"Salamat po, Doñya Carmelita," mahina kong sabi, halos pabulong.
Ngumiti siya sa akin bago tuluyang umakyat sa hagdan. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng bulwagan, bitbit pa rin ang bigat sa dibdib pero may bahid na ng pag-asa.
Kahit sandali lang...parang gumaan ang mundo ko.
KAYSA magmukmok sa loob ng mansiyon, naisip kong mas mabuting tumulong na lang sa pamimitas ng tubo. Mas okay nang pagod ang katawan kaysa bugbog ang isip. Habang pinapanood ko ang mga tao sa hacienda na abala sa kani-kanilang ginagawa, parang kahit papaano, gumaan 'yong bigat sa dibdib ko. Kahit na puro putik at pawis ang mukha ko, at nasusunog na sa araw ang balat ko, hindi ko na ininda. Mas mabuti na ito.
Sa lunes may pasok na ako sa university. I'll be out the whole day, so by the time I get back here, gabi na. Hindi ko na rin makikita si Johan—at siguro, iyon ang pinaka-okay sa lahat.
Pero habang nagpapahinga ako sa ilalim ng puno, may mga narinig akong nagtatawanan at nagbubulungan. Hindi ko naman sadya,mpero sumagi pa rin sa pandinig ko ang pangalan ni Johan—at ni Gob Ysmael.
"Alam mo ba, kahit tatay niya, ayaw sa kanya," sabi ng isa, habang pinupunasan ang pawis. "Kung hindi lang siya dinala rito ng Lolo niya noong namatay ang nanay niya, baka kung saan na dinala 'yon."
Napatigil ako sa ginagawa ko. Nanlamig ako kahit tirik na tirik ang araw.
"Talaga?" tanong ng isa pa. "Bakit naman?"
"Eh, anak daw 'yon ng dating katulong dito sa mansiyon. Maganda raw 'yong babae, sobrang ganda, inakit daw si Gob Ysmael kahit kasal na siya kay Madam Claudia. Ayun, nagkaanak sila at Señyorito Johan ang bunga."
Parang may mabigat na kumurot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa kay Johan o magalit sa kanya.
"Grabe, kaya pala laging galit si Madam Claudia sa kanya," patuloy ng isa. "Eh sino ba namang hindi magagalit kung anak sa labas ng asawa mo 'yan? Natural lang na busit siya ro'n."
Hindi ko na kayang makinig pa. Tumayo ako at naglakad palayo, pero kahit gusto kong itaboy 'yong mga narinig ko, parang ayaw akong tigilan ng utak ko.
So that's why...kaya pala. Kaya pala gano'n si Johan. Kaya pala ang bilis niyang magalit, ang dali niyang makasakit ng iba. Siguro kasi buong buhay niya, ang naramdaman lang niya ay galit at pagdududa.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung para saan 'yong biglang kirot na naramdaman ko. Para bang gusto kong umiyak pero walang luha na lumalabas.
"Likas na babaero si Señyor Ysmael noon, kaya pinatulan ang ina ni Johan," narinig kong sabi pa ng isa bago ako tuluyang lumayo. "Kahit may asawa na, nambabae pa rin. Kaya siguro si Johan, gan'on din. Laki sa maling aral. Spoiled pa kay Doñya Carmelita. Pero mabait siya sa atin laging may pa libre."
"Oo nga." Sang–ayon naman nila.
Napapikit ako nang mahigpit.
"Hindi lahat ng anak nagiging kagaya ng magulang," mahina kong sabi sa sarili ko, halos bulong.
Pero kahit sabihin ko pa 'yon, kahit pilitin kong paniwalaan, hindi ko maalis sa isip ko 'yong imahe ni Johan—ang malamig na titig niya sa akin, ang mga salitang binitawan niya kanina, at kung gaano siya parang laging galit sa mundo.
Ngayon, unti-unti kong naiintindihan kung bakit.
At mas lalo lang akong nasaktan.
Nakita ko si Manang Dolor naglalakad palapit sa kinaroroonan ko, may bitbit na basket. Pawis na pawis siya, kaya agad akong lumapit para tulungan siya.
"Manang, ako na po," sabi ko, inaabot ang basket.
Ngumiti siya ng bahagya. "Salamat, hija. Medyo mabigat na rin ito."
Tahimik kaming naglakad papunta sa ilalim ng puno, pero hindi mapakali ang utak ko. Paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang mga narinig kong kuwento kanina tungkol sa ina ni Johan—ang sinasabi nilang katulong na diumano'y inakit si Gob Ysmael. Parang hindi ako mapalagay hanggang hindi ko malaman ang totoo.
"Manang..." mahinahon kong simula. "Totoo po ba "yong sabi nila? Na... inakit daw ng nanay ni Johan si Gob Ysmael?"
Biglang tumigil sa paglalakad si Manang Dolor. Napahinto rin ako. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin, parang biglang lumamig kahit tanghali pa. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin—at 'yong titig niya, matalim pero puno ng lungkot.
"Veda," aniya, mababa ang tono. "Wag mong paniwalaan 'yang mga sabi-sabi ng mga tao."
"Eh, kasi po—"
"Walang inakit ang ina ni Johan," putol niya, mas madiin na. "Kilala ko si Joana. Mabait 'yon, marangal. Ni minsan, hindi 'yan nagpakita ng kahit anong intensiyon kay Ysmael."
Napalunok ako. "Pero... paano po nabuo si Johan kung—"
"'Wag mo nang alamin,": mabilis niyang sabi, sabay iling. "Matagal nang binaon sa limot ang nangyari. Mas mabuting hindi mo na usisain pa, hija. Ang mga bagay na 'yon, kahit ang mga tunay na sangkot, ay gustong kalimutan."
Tahimik akong napatungo.
"Ang mahalaga," dagdag niya, "alam ni Johan kung sino siya. At hindi niya kasalanan kung paano siya ipinanganak. Huwag mo sanang husgahan ang batang 'yon base sa mga kwento ng mga taong walang alam."
Tumango ako, mahina. "Hindi ko naman po siya hinuhusgahan, Manang. Gusto ko lang maintindihan."
Napabuntong-hininga si Manang Dolor, parang biglang napagod. "Minsan, hija, mas mabuting hindi mo maintindihan lahat. Kasi kapag nalaman mo ang totoo, baka mas masakit pa."
Hindi na ako nakasagot. Tahimik lang kaming nagpatuloy sa paglalakad. Habang bitbit ko ang basket, ramdam kong may bumigat sa dibdib ko—hindi dahil sa dala ko, kundi sa mga salitang iniwan ni Manang.
At na-realize ko...minsan pala, mas mapayapa ang hindi mo alam kaysa sa katotohanang kayang sirain ang pananaw mo sa isang tao.