Chapter 39 Aliyah Veda Gonzales TAHIMIK lang kami ni Johan sa biyahe. Wala siyang salita, wala rin ako. Pareho kaming nakatingin sa kalsada pero ibang-iba ang tumatakbo sa utak ko. Hanggang sa may nakita akong eksaktong eksena mula sa panaginip ko, mga aso. "Johan! STOP THE CAR!" frantic kong sigaw. Nagulat siya, sobrang gulat na napreno niya nang malakas. Gumigiik ang gulong ng four–wheel drive sa kalsada. Umusog ang buong katawan ko paabante, muntik pa akong tumama sa dashboard. "What the f**k, Veda?!" singhal niya, mabigat ang boses. Pero hindi ko siya pinansin. "Umatras ka!" utos ko agad, mabilis, kinakabahan. "Veda—" "Johan, just do it!" Mas lalo siyang naguluhan pero umatras din. Pagkasapat ng distansya, mabilis kong sinabi, "Stop." Itinuro ko ang nakita ko sa may gilid,

