Chapter 55 Aliyah Veda Gonzales ANG SUMUNOD na dalawang linggo, ay ganoon pa rin. Parang may invisible line sa pagitan namin ni Johan, hindi ko alam kung kailan iyon iginuhit, pero malinaw na malinaw kong ramdam. Pinapansin lang niya ako kapag tungkol sa kasal ang usapan, at lagi pang kaharap si Doñya Carmelita. Kapag kaming dalawa lang, parang hangin lang ako sa paningin niya. Lagi siyang wala. Busy raw sa trabaho. Pero sa phone ko, ibang kwento ang nakikita ko. Mga post sa f*******:, siya at si Yasmin, magkatabi, magkalapit, sobrang comfortable. May caption pang parang inside joke na sila lang ang may alam. Minsan nasa planta si Yasmin. At si Johan… iba siya kapag kasama niya si Yasmin. Kapag motors ang usapan, buhay na buhay ang mata niya. May ngiti, may sigla. Nagkakaintindihan

