Chapter 18 THIRD PERSON POV PAGKALAGAY ni Veda ng itlog sa kawali, biglang bumukas ang pinto sa likod. Napalingon siya—at para siyang napatigil huminga. Si Johan. Pawis na pawis, suot ang fitted dark shirt na halos dumikit sa katawan niya. Basa ang buhok, parang kagagaling lang sa jogging o workout. May kung anong init at presence na parang sumiksik sa buong kusina. At nanlamig—at uminit—ang buong sistema ni Veda. Napasapo siya sandali sa spatula, pilit lumulunok. Kahit si Manang Dolor sa gilid ay napakunot-noo, kita sa mukha niya ang pilit na pigil na ngiti. Yung dalawang kasambahay? Para silang nanonood ng rated–SPG na hindi nila dapat panoorin pero ayaw nilang palampasin. "Good morning." Boses ni Johan, low and sexy, may bahgayang paos, parang naaakit kahit simpleng greeting lan

