Chapter 35 Aliyah Veda Gonzales KAGABI, matapos ang hapunan, pilit kong nilabanan ang antok. I waited for Johan to come home, umalis ito after naming kumain. Subalit hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil siguro sa matinding pagod sa buong araw. Hanggang sa pakiramdam ko'y nanaginip ako. Natagpuan ko ang sarili ko na nasa tabing–ilog ako. Bata. Takbo ako nang takbo sa damuhan. At sa dulo, sa parteng masukal na gubat, may nakatayo na lumang bahay, 'yung bahay na lagi kong naririnig sa kwento ni Lolo Delfin na 'wag kong lalapitan. Pag-aari pa rin daw iyon ng mga Santibañez. At mahigpit na pinagba–bawal pasukin kahit sinong tao. Mahahabang bakod. Kalawangin ang gate at may malaking padlock. Pero sa panaginip ko, may nakita akong babae na pumasok siya sa loob. Hindi ko makita an

