Chapter One : Doomed
______________________________________________________
"SEÑORITA, gusto niyo po bang pumunta sa plaza bukas? May kaunting piging na magaganap para sa lahat ng tao na ipinahanda ng Lolo mo," nakangiting pahayag sa akin ni Martha habang inaayos niya ang pagkakasuklay ng buhok ko.
Isa siya sa mga katulong dito sa bahay ni Lolo.
"Masaya ba 'yon?" nakangiting tanong ko.
Magda-dalawang araw palang naman ako dito sa Hacienda ni Lolo at nag-e-enjoy talaga ako dito nang husto.
Malaya ko kasing nagagawa ang mga bagay na gusto ko. Hindi rin naman kasi alam ng mga tao rito na nanggaling ako sa isang Royal Family. Inilihim iyon ni Lolo sa lahat. Mahirap na baka maraming makaalam at makatunog pa ang mga press na nandito ako.
Hindi naman ako madaling mainip sa tuwing kasama ko si Martha dahil napakadaldal at nakakaaliw talaga lahat ng mga sinasabi niya.
"Opo!" agarang sagot niya. "Sa katunayan nga po ay mayroong programa pagkatapos ng piging para sa mga magkasintahan."
"Kasintahan?"
Tumango naman siya sa tanong ko.
"Opo, Señyorita. Bakit po? Mayroon na po ba kayong kasintahan? Iyong napupusuan niyo po?" curious na tanong niya.
Napaisip naman ako. Napupusuan? Iisang lalaki lang naman ang pinag-uukulan ko ng tingin. 'Yong lalaking crush na crush ko. Sa tuwing binabasa ko ang mga article na nakasulat tungkol sa kanya, pakiramdam ko mas lalo ko pa siyang hinahangaan.
"Bakit ikaw? May kasintahan ka na ba?"
Namula ang pisngi niya sa naging tanong ko. Nahihiyang yumuko siya na parang kinikilig.
"Ano ba 'yan, Señyorita! Nakakahiya naman po 'yang tanong niyo," namumulang sambit niya.
Tinitigan ko siya nang mariin.
"Bakit, wala ba?"
"Mayro'n po, Señyorita," agarang sagot niya.
"Sa katunayan nga po ay mamamasyal kami bukas sa plaza. Paniguradong maraming magkasintahan ang pupunta upang sumali sa programa," nahihiyang pag-amin niya.
"Ikaw, Señyorita? May kasintahan na po ba kayo?" biglang tanong niya.
Namula naman ang pisngi ko.
Wala pa akong kasintahan pero mayro'n na akong nagugustuhan. Maaari lang ba 'yon?
"Ah...Eh...Mayroon akong kasintahan," sagot ko.
Kahit ang totoo ay wala naman talaga baka kasi isipin niyang nahuhuli ako sa ganoong bagay.
"Talaga po, Señyorita? May picture po ba kayo riyan? Pwedeng makita ang mukha ng boyfriend niyo?"
"Pi...Picture?"
Parang namutla naman ako sa sinabi niya.
"Ah...ano...mayro'n ako nu'n. Syimpre, ano ka ba!"
Tinapik ko pa ang balikat niya.
"Talaga? Patingin naman po."
"Sa susunod nalang. Alam mo kasi kilalang tao 'yon kaya masyadong confidential ang identity niya. Pupunta pa tayong ilog, 'diba?" pag-iiba ko sa usapan.
Tumango-tango naman siya sa sinabi ko. Mabuti nalang at hindi na niya ako kinulit tungkol sa bagay na 'yon. Kung picture lang din naman, marami akong ganoon sa palasyo.
"Ahmmm...Martha," tawag ko sa kanya. "May itatanong lang sana ako sayo," panimula ko kahit medyo nahihiya pa akong magtanong tungkol sa bagay na 'to.
"Ano po 'yon, Señyorita?"
"Alam mo ba kung saan ang Rancho del Rio dito sa Estancia?" Hindi ko na napigilang pamulahan ng mukha dahil sa tanong ko.
"Rancho del Rio po?" Marahang tumango naman ako.
"Alam mo ba kung saan 'yon?"
"Opo!" sagot niya. "Malapit lang po 'yon dito sa 'tin. Nasa kabilang rancho lang po 'yon. Alam niyo po kasi, Señyorita, dito po sa Estancia tatlong makapangyarihang pamilya ang kilala sa lugar na 'to. Ang mga Revales na nagmamay-ari ng Rancho del Valle. Ang mga Montenegro na nagmamay-ari ng Rancho del Rio. At ang pamilya niyo po na nagmamay-ari ng Racho del Montanio. Sa tatlong pamilya, ang Montenegro po ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman. Hindi lang po kasi naka-focus sa Agriculture at Fisheries ang business ng mga ito. Hindi po katulad sa ibang angkan na dito talaga ang kinalakihan. Hindi po kasi ito ang birthplace ni Mr. Alvaro Montenegro, taga-Maynila po iyon."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" I asked her confused.
"Ang totoo po kasing nagmamay-ari noon ng Rancho del Rio ay ang mga Legaspi po."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Legaspi?"
"Ay, opo!" she exclaimed.
"Tanda ko pa noon sa kwento ni Nanay na binili po ni Mr. Alvaro Montenegro ang napakalawak na lupain ng Rancho del Rio sa napakalaking halaga na hindi po talaga matatanggihan ng mga Legaspi dahil daw po sa lugar na 'yon nakilala ni Mr. Montenegro ang asawa nitong si Ma'am Belle. Ang cliché nga po ng kwento nilang dalawa kasi sabi ng Nanay ko ex-fiancee raw pala ni Mr. Montenegro ang nag-iisang anak na babae ng mga Legaspi. Hindi ko lang alam ang buong kwento kung bakit hindi sila nagkatuluyang dalawa at ang pinakasalan ni Mr. Montenegro ay si Isay. Alam niyo ba, Senyorita, isang hamak na magtitinda ng isda lang si Ma'am Belle noon o mas kilalang Isay sa lugar nila."
"Hindi nga?" I asked bewildered.
Tumango-tango naman ito.
"Opo!" paninigurado niya. "Mahal na mahal po talaga ni Mr. Montenegro ang asawa niya. Niregaluhan po niya ng isang Island Estate si Ma'am Belle sa araw mismo ng surprise wedding nila. Nagpatayo po ng simbahan si Mr. Montenegro sa Isla at doon sila ikinasal. Makikita mo 'yong Isla kapag nagtungo ka sa Western Rio ng Rancho del Rio. Nakakalula po 'yong lugar. Kapag nakapasok ka sa loob pakiramdam mo nasa loob ka ng isang paraiso."
"Nakapasok ka na ba doon sa loob?"
"Ay, opo! Nakakalula nga po ang mansyon sa loob ng Isla. Dinisenyo po talaga 'yon para po sa asawa ni Mr. Montenegro. Kapag nakapasok po kayo sa Rancho del Rio at nagtungo kayo sa pampang, doon niyo po makikita sa dulo ang Isla. Napakalawak din po ng Islang 'yon. Pakiramdam mo nasa loob ka ng isang Real Estate na may napakalawak na Hardin. Pagkababa mo nga po ng chopper ay kailangan mo pang sumakay sa golf cart papunta sa Montenegro Mansion. Tapos may madadaanan kang apat na malalaking bahay na ipinatayo yata kung sakaling mag-aasawa na 'yong mga anak nila. May maliit din na rancho sa loob na maraming kabayo. Atsaka, ang po-pogi pa ng mga anak nila.
Naku! Napaka-suwerte talaga ng babaeng mamahalin ng mga 'yon."
"Kung ganoon, pwede mo akong samahang pumunta sa Montenegro Island Estate?" excited na tanong ko sabay lingon sa kanya.
Bigla siyang natigilan at marahang tumingin sa akin.
"Ay, naku, Señyorita. Kung doon po sa Rancho del Rio ay pwede pa po kayong makadayo. Pero doon po sa Isla ay malabong makapasok po kayo."
"Bakit naman?"
"Eh, hindi po kasi sila nagpapapasok ng outsider. Kung gusto niyong pasyalan ang lugar kailangan mayroon kayong pahintulot galing sa miyembro ng pamilya. At maliban doon, chopper lang po at 'yong cruise na pagmamay-ari ng mga Montenegro ang pwedeng masakyan patungo sa Isla. Nakapagtrabaho po kasi ako doon bago naisipang lumipat ng Tatay ko sa lugar ninyo."
Pakiramdam ko parang binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa narinig.
Mukhang malabo pa yatang magkita kaming dalawa.
Naman, eh!
*********************************
HINDI ko na napigilan ang sarili kong humanga sa kagandahan ng lugar na pinuntahan namin ni Martha pagkatapos naming magkwentuhan kanina. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na sumasamyo sa aking balat.
"Wow, ang ganda naman dito!" I exclaimed while appreciating the scenery's beauty.
"Teka lang, Señyorita! Babalikan ko lang 'yong basket na naiwan sa sasakyan. Dito lang po muna kayo."
Napatango naman ako bilang sagot at napapangiti nalang habang binabalingan ang malinaw na tubig sa ilog.
Hindi ko na pinansin ang pag-alis ni Martha palayo sa kinaroroonan ko. Kailangan ko munang iwaglit sa isip ko ang mga pinag-usapan namin kanina. Gusto ko munang mag-enjoy sa araw na 'to.
Kung hindi man kami magkikitang dalawa hanggang sa matapos ang pamamalagi ko rito ay okay lang.
Kahit nakakalungkot ay tatanggapin ko ang katotohanang 'yon.
"Grabeh! Ang sarap sigurong magtampisaw sa ganitong kalinis na tubig," parang batang galak na galak na saad ko.
Naputol naman ang moment ko nang biglang dumako ang tingin ko sa kabilang side ng ilog. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may lalaking umahon mula doon.
Halos hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't wala siyang suot na pang-itaas. Hindi ko naaninag nang maigi ang mukha niya dahil agad na tumalikod ako at tinakpan ang aking mukha gamit ang mga palad ko.
Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
Ang hot niya!
Ngayon lang ako nakakita nang ganoon sa personal dahil bawal 'yon sa palasyo. Although, mayroon akong mga magazine ng mga male model na naka-topless lang na pinapabili ko sa katulong namin at itinatago pero iba parin pala talaga kapag sa personal ka makakakita.
Shit! Umiinit nang husto ang pisngi ko.
Those burning abs and flexing muscles, I want to see it.
I want to see it again!
Dahan-dahang nilingon ko ang kinaroroonan ng lalaki at ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko nang makita siya mismong nasa harapan ko. Napalunok ako lalo na't naaaninag ko ang mukha ng lalaking kaharap ko ngayon. Nanlaki ang aking mga mata sa nakikita.
"Nababaliw na yata ako," wala sa sariling usal ko.
Ganoon na ba katindi ang pagka-crush ko sa kanya at pati rito ay nagha-hallucinate ako na nakikita ko siya na nakatayo sa harap ko.
"Miss, are you okay?"
Bigla siyang nagsalita habang nakatulala parin akong nakatitig sa kanya.
My ghad! Pati boses naririnig ko pa?
Baliw na talaga yata ako. Ano'ng gagawin ko? Kailangan ko na bang magpatingin sa isang psychologist?
"Seriously, Miss?" Kumunot ang noo niya at iginalaw-galaw ang kamay sa harapan ko.
Bigla ko namang iniuntog ang ulo ko sa ulo niya.
"Aray!" sabay na daing naming dalawa. Napahawak naman ako sa noo ko dahil pakiramdam ko mabibiyak na ito.
"What the hell!!!" impit na bulalas niya sabay sapo sa noo niyang namumula. Bakas ang galit at pagka-irita sa mukha niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"TOTOO KA?!" hindi makapaniwalang sigaw ko. Mas lalong sumama ang expression ng mukha nito.
"What do you think of me?! Am I a ghost?!" iritadong tanong niya. Namula naman ang pisngi ko at ramdam ko ang pagbilis nang t***k ng puso ko.
Teka, hindi naman ako tumakbo sa Marathon, uh....
"Ahhmm, Hi!" kiming bati ko. Bumaba ang tingin ko sa abs niya. Damn this guy for being this hot!
Ba't....ba't mas lalo yata siyang naging gwapo sa personal? Naman!
Ngunit ganoon nalang ang pagkadismayang naramdaman ko nang hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang niya ako na para bang hindi niya ako nakikita dahil sa sobrang pagkainis niya sa akin. Nagtungo siya sa punong nasa gilid ko. Ngayon ko lang napansin na may nakasabit na t-shirt sa gilid ng puno. Kaagad na isinuot niya ang damit. I bit my lower lip. Gosh, he's so sexy while wearing that shirt.
"Staring is rude, Miss," anito sa isang baritonong boses.
Pati ba naman boses napaka-manly?
Grabeh! Makalaglag heart ang lalaking 'to kahit napaka-suplado.
Sobrang gwapo niya pa sa personal kaysa sa mga magazines na tinitignan ko.
Dream come true ko na ba talaga 'to?
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at tinitigan ko parin siya nang husto dahilan upang sumimangot siya. Inirapan niya ako bigla.
Kinuha niya ang maliit na bag na nakasabit sa puno at tinulikuran ako. Naglakad siya palayo sa akin.
"Teka lang----" Hindi ko naman nagawang ituloy ang sasabihin ko nang biglang may nalaglag mula sa bag niya.
Nilapitan ko 'yon at tatawagin ko ulit sana siya ngunit nakalayo na siya sa akin.
Kaagad na pinulot ko naman kung ano 'yon at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko sa aking nakikita.
Oh to the M to the Gee....
Halos malaglag ang panga ko.
Picture niya!
Tinitigan ko ang picture niya at agad na namula ang magkabilang pisngi ko.
Ang gwapo niya!
Pakiramdam ko may nanunuot sa kalamnan ko sa tuwing tinitignan ko ang mga mata niya.
He is like a man whom you never want to mess up with.
He is full of authority and a dominant kind of person.
Mukhang magkakaroon pa yata ako ng remembrance sa kanya.
Ito pa talagang picture niya!
*************************************************
HINDI mapuknat ang ngiti sa aking mga labi habang nakaupo ako sa silya dito sa veranda matapos naming manggaling kanina ni Martha sa ilog.
Malaya ko kasing natititigan ang picture ng lalaking simula palang noon ay pinagpapantasyahan ko na.
For godsake! I'm a princess! Nasaan ang manners at etiquette na natutunan ko nang dahil lang sa isang lalaki?
Ang gwapo naman kasi, eh!
"Señyorita, pinapatawag po kayo ng Lolo niyo."
Natigilan naman ako sa kakapantasya nang marinig ang boses ni Martha.
"Si Lolo? Saan?" tanong ko.
"Nandoon po sa sala. May kinakausap na kliyente ng rancho. Pupunta lang po ako sa kusina at ipaghahanda ko po kayo nang makakain."
Akmang aalis na ito patungong kusina nang bigla itong natigilan nang mamataan ang hawak-hawak ko.
"Iyan na po ba ang picture ng boyfriend niyo, Señyorita? Patingin nga po."
"Ha? Ano----"
Ngunit bago pa ako makaalma ay kinuha na niya ang picture na hawak-hawak ko.
"Wow! Ang gwapo naman po ng boyfriend niyo, Señyorita," puri niya.
Namula naman nang husto ang pisngi ko.
Napaka-gwapo naman talaga ng lalaking 'yan.
Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig nang mabuti sa larawan.
"Parang pamilyar sa akin ang mukha niya, Señyorita," biglang puna niya na ikinaputla ko.
Naalala kong nakapagtrabaho noon si Martha sa mansion ng mga Montenegro.
Ibig sabihin........ Oh my gosh!
"Martha!!!!!" impit na sigaw ko at agad na inagaw ang litrato sa kanya. "Mali ang iniisip-----"
"Martha, nandiyan ba ang apo ko?"
Napalingon naman ako sa nagmamay-ari ng boses na 'yon at alam kong kay Lolo 'yon na mukhang kapapasok lang sa loob ng veranda dito sa mansyon.
"TAMA!" biglang sigaw ni Martha na mukhang hindi man lang napansin ang pagdating ng Lolo ko. "Si Sir Niro iyon! Si Sir Niro ang boyfriend niyo, Señyorita!" malakas na bulalas niya na narinig ng Lolo ko at ng lalaking kasama nito. Ang mas lalong nagpaputla sa akin ay ang kaalamang ang lalaking kasama ng Lolo ko na halatang natigilan din nang marinig ang sinabi ni Martha, was the same guy I saw from the river and also the guy in the picture I keep on fantasizing.
What is he doing here?
Oh gosh, I'm doomed!
-
♡lhorxie