Chapter Two : Little Girl
_________________________________________________
"Ano ang ibig mong sabihin, Martha?" agad na tanong ni Lolo at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
Napalunok naman ako at binalingan si Nicholas.
Kung nakakamatay lang siguro ang masamang tingin siguradong kanina pa ako namatay dito.
"Uh...Hi, Babe!" kunyaring gulat na sambit ko at agad na lumapit sa kanya.
Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya na siyang ikinasimangot niya. Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa kanya ngunit mas lalo ko lang hinigpitan 'yon.
Shit! Ang bilis nang kabog ng dibdib ko. Nahawakan ko siya! For the first time, nahawakan ko siya!
"What are you------" Pinutol ko naman agad ang sasabihin niya.
Mahirap na baka kung ano pa ang masabi niya.
"Uh, Lolo, teka lang at mag-uusap lang po muna kami nitong boyfriend ko. Sandali lang po, ha..." nakangiting sabi ko kay Lolo.
Hindi ko na hinintay na sumagot si Lolo at parang kidlat na naglakad ako palayo kasama ang lalaking hila-hila ko.
Narinig ko pa ngang tinawag ako ni Martha ngunit hindi ko nalang 'yon pinansin.
Bakit kailangan pang mangyari sa akin ang bagay na 'to? Of all people, bakit kailangang nandito pa siya?
"Let go of me!" inis na wika niya.
Natigilan ako dahil nakalabas na pala kami sa pinto ng mansyon ni Lolo nang hindi ko namamalayan.
Agad na binitiwan ko ang kamay niya at nakangusong humarap sa kanya. Inayos naman niya agad ang suit na suot niya bago tuluyang bumaling sa akin.
"Do you know whom you tried to messed up with, little girl?" nakakunot ang noong tanong niya.
Pakiramdam ko nanginig ang tuhod ko lalo na't nakatingin ako sa mga mata niya na kung makatitig, pakiramdam mo kakainin ka ng buo.
"No one dare to make fun of me kagaya nang ginawa mo kanina."
Napalunok ako nang dahil doon at bahagyang napaatras. Gusto kong kumaripas nang takbo dahil sa takot na nararamdaman ko ngunit mas pinili kong patatagin ang sarili ko.
"Now, explain!" mariing utos niya.
Napakamot naman ako sa ulo.
"Uh...eh...kasi...ano...Can you pretend to be my boyfriend?" direktang tanong ko.
Crush na crush talaga kita.
Namula ang pisngi ko nang tinitigan niya ako ng maigi. Hinihintay niyang sabihin kong joke lang ang sinabi ko.
Napasimangot naman ako nang dahil doon.
He's not taking me seriously.
"I'm serious here!" inis na pakli ko at parang batang pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa kamay.
"Kasi...kasi ano...napasubo lang naman ako. Tinanong ako ni Martha kung may boyfriend na ba ako at sinabi kong oo kahit wala naman talaga. At dahil gusto niyang makita ang picture ng boyfriend ko, tamang-tama namang nahulog ang picture mo kaya iyon nalang ang ipinakita ko. Hindi ko naman alam na taga-rito ka pala," I half lied.
Pero gustong-gusto talaga kita, sabi ng isip ko.
Kahit hanggang sa nandito man lang ako ay mapangarap ko man lang na maging girlfriend mo kahit hindi totoo.
"Hindi naman talaga ako taga-rito," maikling sagot niya. "Paano pala kung may girlfriend ako at narinig niya ang mga pinagsasabi mo? Nakasira ka pa nang relasyon!"
Nag-angat naman ako ng tingin.
"Bakit? May girlfriend ka na ba?"
Please, just tell me you don't have one! Please!
"Wala," agarang sagot niya. Ramdam na ramdam ko ang sobrang kagalakan nang dahil doon.
"'Yon naman pala! Please, just pretend. Hindi naman 'yon magtatagal. Gusto ko lang namang ipakita na nakiki-in din ako sa uso ngayon kaya ginawa ko 'yon."
"Then, what benefits can I gain for doing what you want?"
Ha? Benefits?
Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Kailangan bang mayro'n?
"I can pay you," agad na sagot ko.
Kumunot ang noo niya dahil dito.
"I don't need your money. I have lots of it."
Ay, ganun!
Oo na! Ikaw na ang mayamang-mayaman.
"Eh, ano ba'ng gusto mo?"
"Let me see," mariing wika niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Napalunok ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin.
Langhap ko 'yong panlalaki niyang amoy.
Ang bango niya!
"How about you become my partner in bed?"
Nakakunot ang noong tumingin ako sa kanya.
"Partner in bed? Ano 'yon? Gusto mong matulog tayong magkatabi?"
Nanlaki naman ang mga mata niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Are you playing innocent with me, little girl?"
Napasimangot naman ako.
"I am not!" I hissed.
"So, you're still a little girl," sarcastic na tugon niya.
"Stop calling me little girl! Hindi na ako bata!" inis na pakli ko.
"But you look like one," pilit niya.
Inis na napapadyak naman ako.
Alam kong hindi ako matangkad at katamtaman lang naman ang height ko.
"Hindi nga sabi, eh!" inis na bulyaw ko sa kanya at nagdabog sa harap niya. "So, ano na kasi ang ibig sabihin ng kapalit na hinihingi mo?"
"Nevermind that one," sagot niya.
Tinitigan niya akong maigi.
Nakaramdam naman ako nang pagkailang dahil doon.
"Ano'ng ginaga-----"
But before I could finish my word he held my chin and my eyes grew wider when I felt his lips touches mine.
Hindi ko naman nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko lalo na't sa klase ng halik na ginagawad niya sa akin.
His lips, it's so soft and sweet that can make my mind lose in control. Parang maraming bultaheng pumapasok sa loob ng katawan ko nang dahil dito.
This is my first kiss, for godsake!
"You don't know how to kiss. Wala akong girlfriend na hindi marunong humalik," biglang sambit niya nang matapos niya akong halikan.
"Huh?" Nakatulala lang ako at parang tanga na hindi man lang nagawang marinig ang sinabi niya.
Napahawak ako sa mga labi ko.
He... he is my first kiss....
That...that was my first kiss....
"At wala akong girlfriend na flat," pahayag niya.
Napaangat naman ako ng tingin at parang bumalik sa serkulasyon ang utak ko.
"Huh? Ano'ng flat?" tanong ko.
Sumunod naman ang tingin ko nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.
Namula naman ang pisngi ko nang dahil doon. Umirap siya sa akin. Nilagpasan niya ako bigla at naglakad palayo.
"Bastos!" inis na sigaw ko sa kanya.
Alam kong maliit lang 'tong dibdib ko pero hindi naman niya kailangang ipamukha sa akin 'yon.
Inis na tinitigan ko ang papalayong likuran niya.
Halos maglumpasay ako sa sobrang inis nang tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Pero mapagtitiisan ko ang bagay na 'yan. I will help you and in exchange you will do whatever I say," panimula niya. "And I want to have something in return na bawal mong tanggihan."
"Ano 'yon?"
"I will tell you soon but not now."
Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Ano kaya ang gusto niyang makuha?
'Di bale na! Basta ngayong pumayag na siyang maging boyfriend ko kahit na kunwarian lang.
Okay na ako sa ganitong set-up.
-
♡lhorxie