PROLOGUE
"Babe, nasa canteen ako asan ka?"
Tinawagan ko si Luis dahil alas dose na at hindi pa din niya ako pinuntahan. Kanina pa ako andito dahil usapan namin sabay kaming kakain.
[Hintayin mo ako nasa library pa ako, Celine.]
Nag-antay ako ng ilang minuto pa kahit na nagugutom na ako pero hindi pa din ako nag order dahil gusto kong sabay kami kakain. Pinatay ko ang tawag matapos niyang sabihin iyon. Huminga ako ng malalim bago ko napansin ang pamilyar na babae papunta sa room kaya kumaway ako.
"Cora!" sigaw ko kaya nang mapansin niya ako ay lumaki kaagad ang ngiti niya bago tumakbo papunta sa akin at hinila ang upuan sa tapat ko bago umupo.
"Celine. Hindi ka pa pala umuwi? Kumain ka na ba?"
Umiling ako.
"Hinintay ko si Luis. Nasa Library pa daw, may klase ka ngayon 'no?"
Tumango siya. "Malapit na mag ala-una, bakit hindi ka pa kumain kung hihintayin mo siya baka mag kasakit ka na niyan, Celine."
Ngumiti ako pero hindi ko pinakita na nagugutom na din ako. "Hindi pa ako nagugutom. Tsaka napag usapan namin na sabay kaming kakain ni Luis."
"Nako, ikaw ang bahala basta pina-paalala ko lang sa 'yo, na hindi dala ni Luis 'yung pagkain baka siya pa 'yung sisihin mo. Sige una na ako, ha?" ngumiti siya bago tumayo kaya naiwan akong mag-isa.
Tinawagan ko ulit si Luis dahil sumasakit na 'yong tyan ko sa kakahintay sa kanya. Hindi siya sumasagot sa mga tawag ko kaya tumayo ako para mag order dahil hindi ko na kayang manatili pa kung hihintayin ko pa siya. Tama nga si Cora, hindi dala ni Luis ang pagkain. Isang taon na kaming magka-relasyon ni Luis simula nung fourth year ako at third year naman siya. Palagi talaga siyang late kapag kumakain dahil busy siya sa pag-aaral niya kaya ako ang nag hihintay sa kanya.
Criminology ang kursong kinuha niya samantalang ako ay Architecture na five years, hindi naman naging madali para sa akin ang kursong kinuha ko pero nakakaya naman para sa pangarap.
[Nasa Canteen ka pa ba?]
Tanong niya nang tumawag ulit siya kaya sumagot ako na kumain na ako dahil nagugutom na ako sobra. Hindi ko alam kung nasa Library ba talaga siya dahil rinig ko ang ingay mula sa paligid niya, may mga boses ng mga babae kaya nagtaka ako pero alam kong hindi naman mag sisinungaling sa akin si Luis. Natapos nalang akong kumain pero hindi pa rin siya dumating kaya naisip ko nalang na umuwi. Hindi ko naman pwedeng magalit sa kanya na nawalan siya ng oras sa akin dahil alam ko naman na seryoso siya sa pag-aaral niya.
Naiinis din ako sa sarili ko e dahil sa sobrang pagmamahal na binibigay ko sa mga tao sa paligid ko lalong-lalo na kay Luis. Hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil sobrang-sobra din naman ang binabalik ni Luis sa akin kahit na may mga araw na hindi niya ako nasasamahan. Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko ang nanay kong nakaupo sa labas kasama ang mga pamangkin ko na nag lalaro.
"Ma, mano po." inabot ko ang kamay niya bago ako pumasok sa kwarto para mag bihis.
Niyaya ako ni Luis manood daw kami mamaya sa sinehan kaya pumayag ako dahil hindi din naman kami nag kita kanina. Nag paalam ako sa nanay ko bago ako nag punta sa mall kung saan kami magkikita. Tumingin-tingin muna ako sa paligid dahil hindi pa naman siya dumating, may mga taong dumadaan hawak-hawak ang kamay ng kanilang asawa at anak kaya napangiti ako. Ang sarap tingnan kapag nakikita mong kompleto ang buong pamilya mo dahil ako, 'yong nanay ko lang ang nag silbing tatay at nanay ko dahil pinagpalit kami sa ibang pamilya niya.
Hindi naman ako natakot na baka kagaya lang din si Luis sa mga ibang lalaki pero dahil lumaki ako sa pamilyang masayahin, at sinisigurado ni Mama sa akin na hindi lahat ng lalaki ay nang-iiwan kaya nag titiwala ako kay Luis. Ilang minuto pa akong nakaupo ay natanaw ko kaagad ang lalaking paparating papunta sa pwesto ko kaya tumayo ako. Lumaki ang ngiti niya na papalapit sa akin bago niya ako niyakap.
"Kanina ka pa? Sorry, Babe hindi ako nakapunta kanina."
Humarap ako sa kanya bago hinawakan ang kamay niya. "Wala 'yon! Pasok na tayo sa loob?"
Tumango siya at ngumiti kaya hinila ko ang kamay niya papasok sa loob ng mall. Nang maka kuha ng tickets ay bumili siya ng popcorn at inumin bago kami pumasok sa loob. Medyo kaunti lang ang mga tao sa paligid kaya nang maupo ako ay binuksan ko kaagad ang inumin habang tahimik kaming nanonood. Sa kalagitnaan ng panonood ay napansin ko siyang tutok sa kanyang cellphone na nakangiti kaya sumilip ako pero kaagad niya naman na tinago iyon bago siya tumingin ulit sa malaking screen.
Tahimik lang kaming nanonood habang kumakain nang napansin ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bag kaya kinuha ko 'yon. Napansin ko siyang hindi siya komportable sa pagka-upo niya kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti pero binigyan niya lang ako ng pilit na ngiti.
May lakad pa ako, mamaya ka na mag chat. I love you!
Napatingin ako sa notification ko, hindi ko pa na open ang apps para tingnan 'yon pero nang pag bukas ko ng message ay naka unsend na 'yon kaya kumunot ang noo ko sa nabasa. Wala na ang notification dahil nabura na pero pangalan niya ang andun kaya nag taka ako na tumingin sa kanya.
"May problema ba?" tanong niya.
Tiningnan ko ang mga mata niya, bakit parang kinakabahan siya sa pustura niya ngayon. "Wala. Kanina ka pa nakatutok sa phone mo, sinong ka chat mo?" deresto kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya bago tinaas ang phone sa kamay. "Wala naman, bakit?"
"Na wrong send ka yata. Sinong gusto mong sabihan nun, Luis."
Malakas na kumabog 'yong dibdib ko dahil natatakot ako na baka totoo 'yong iniisip ko ngayon. Pero hindi pwede, hindi maaari hindi siya pwedeng maging si Papa. Hindi ko kakayanin kapag ganun!
"Ang alin ba, Celine?" tanong niya na parang wala siyang kaalam-alam sa unsend message niya sa akin.
"Nag chat ka sa akin at kaagad mo naman na binura, bakit?" hindi ko mapigilan na hindi maging emosyonal pero pinipigilan ko lang dahil hindi ko hahayaan na masira kami dahil lang sa hindi tama na pag dududa ko sa kanya.
"Napindot ko lang 'yon, like lang 'yan 'wag ka nang mag overthink." umiwas siya ng tingin sa akin dahil alam kong masyado na akong nakatutok sa kanya.
Pinakita ko ang dalawang unsend message sa kanya kaya napatingin siya doon. "Nabasa ko 'yon, Luis kaya ipaliwanag mo sa akin." hininaan ko ang boses ko para hindi marinig ng mga tao sa paligid.
"Asan ba dyan, Celine? Sticker lang 'yon kaya binura ko."
Agad akong tumayo dahil sa sinabi niya, kung maayos pa sana siyang mag papaliwanag sa akin ay tatanggapin ko pero iba ito, hindi ito ang paliwanag na gusto kong marinig. Nag lakad ako papunta sa labas, narinig ko ang pag tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin pa. Hindi na napigilan ng mga luha ko at unti-unti na silang pumapatak habang pababa ako sa first floor.
"Celine, hintayin mo 'ko!"
Tumakbo ako papunta sa labas habang nakasunod pa rin siya sa akin. Nang nasa labas na ako ay naupo ako sa bakanteng mahabang upuan sa gilid. Pinunasan ko ang luha ko dahil nahihiya ako sa mga taong dumadaan sa paligid ko. Nakita ko siyang kakalabas lang at hinanap niya kaagad ako ng kanyang mga mata. Hindi na ako tumakbo pa dahil napapagod na ako, hinihintay ko siyang makalapit para pag-usapan ang nangyari. Kahit na alam kong malinaw sa akin pero pilit ko pa ring gustong baguhin dahil ayoko, ayokong mag hiwalay kami.
"Celine," matamlay niyang sabi.
Umupo siya sa gilid ko kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya. "Ipaliwanag mo ng maayos, Luis habang makikinig pa ako sa 'yo."
Napabuntong hininga siya bago niya dahan-dahan na inabot iyong kamay ko, pinabayaan ko lang siya na hawakan iyon at hindi ako nag re-reklamo. "Celine, I'm sorry, wala akong tinatago sa 'yo. Maniwala ka naman sa akin, Babe."
Humarap ako sa kanya at kinuha ko ang kamay ko mula sa kanya. "Ano 'yun? Kasama mo naman ako ngayon tapos may I love you? Paano mo ipaliwanag ngayon 'yun, ha?!"
"Para 'yon sa nanay ko, Celine please... maniwala ka naman sa akin," inabot niya ulit ang kamay ko.
"Patingin ng phone mo."
Nag dadalawang isip siya kung kukunin ba niya pero sa huli ay kinuha niya ang phone sa bulsa at inabot sa akin 'yon. Lahat ng apps ay binuksan ko para makita kung wala ba talaga siyang tinatago sa akin, at wala nga akong napala. Pero nagtaka ako bakit wala naman siyang message sa mama niya na nag papatunay na na wrong send nga siya. "Asan 'yung sa nanay mo dito?" pinakita ko ang mga messages niya.
Kahit anong tingin ko ay wala talaga akong makita, pumunta ako sa archive para makita ko talaga kung may tinatago siya. Nangiginig ang kamay ko nang making may familiar na babae sa profile kung saan walang pangalan at tanging 'honey' lang ang nakalagay na pangalan kaya pinindot ko.
Bakit kasi hindi mo pa 'yan iiwan.
Punta ka na dito honey ko...
Ingat ka pauwi, ha 'wag mo nang ihatid si Celine.
Naluluha ako na binabasa ang mga mensahe sa kanya, talaga bang may ganitong babae? Galit na tumingin ako sa kanya, nakita ko siyang seryoso lang na nakatingin sa akin at walang halong emosyon sa kanyang mga mata. "Paano mo ipaliwanag sa akin 'to ha?! Matagal na ba kayo?!"
"I'm sorry." tanging sagot niya.
"Sino siya? Bakit hindi ka sumagot, ha!"
"I'm sorry, Celine." yumuko siya pero kahit ganun ay hindi ko man lang nakitaan ng pagsisisi.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ganun ba talaga? Ginagawa niya akong tanga sa paraan ng pag pa-pa-paliwanag niya sa akin? Tapos ito lang 'yon? Pareho lang ba talaga silang lahat?
Nag unahan na tumulo ang luha ko kasabay ang bag bagsak ng phone niya sa semento, nangiginig 'yong kamay ko at hindi ko maipaliwag ang nararamdaman ko. Tiningnan ko ang mga mata niyang walang emosyon, hindi ko man lang makita na nasasaktan din siya sa pustura ko ngayon.
"Pareho lang kayo!." tumayo ako at nag lakad na hindi alam kung saan ang punta, ayoko muna siyang kausapin. Ayoko siyang makita pa!
Nag lakad ako papalayo sa mall. Unti-unti kong pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko habang mabilis na nag lalakad. Hindi ko na siya napansin na sumunod pa sa akin at mas lalo, mas lalong masakit na hindi man lang niya ako hinabol. Bakit ngayon pa, bakit ngayon pa na malapit na akong matapos sa pag aaral. Ilang buwan na lang ay graduation na, tapos ganito 'yong mga alaala na maiiwan sa akin sa huling taon ko sa paaralan?
Hindi ko namalayan na nakasakay na pala ako ng sasakyan papunta sa bahay namin. Bumaba ako sa hindi kalayuan ng bahay dahil nahihiya akong umuwi sa bahay na ganito ang itsura. Kung nakinig lang sana ako sa nanay ko na huwag muna akong pumasok sa relasyon ay hindi sana ako ganito. Inayos ko ang itsura ko bago ako pumunta sa bahay, dumating ako na madilim na ang paligid kaya dumeresto kaagad ako sa kwarto ko. Hindi ko pinansin ang mga tao sa labas, busy din sila sa mga ginagawa nila kaya hindi nila ako napansin na dumating na. Nang buksan ko ang kwarto ay pinigilan ko ang pag iyak ko, gusto kong humagulhol sa sakit na nararamdaman pero hindi ko magawa dahil baka marinig nila ako.
Kinabukasan ay walang pasok kaya hindi ako lumabas sa kwarto at natulog lang buong araw. Mas lalo akong nasasaktan nang kahit isang chat man lang galing sa kanya ay hindi ako nakatanggap. Ganito ba talaga? Hahayaan niya ba talaga ako na mawala, ano bang kulang na hindi ko naibigay sa kanya, okay naman kami sa relasyon namin pero bakit naging ganito nalang bigla?
"Celine!" tawag ni Mama mula sa labas ng pinto. Hindi pa ako kumakain ng lunch kaya alam kong 'yon ang sadya niya. "Celine! Bakit ka ba nag kukulong sa loob, anak?!"
Namaga na 'yung mata ko dahil sa kakaiyak habang iniisip kong niya ako pinagpalit, at kung ilang taon na ba sila dahil baka nagulat nalang ako na hindi pala ako 'yung nauna. Anu-ano nalang ang pumasok sa utak ko dahil kahapon, hindi ako maka isip ng tama dahil dun. Hindi na rin ako nag open pa ng social media, pero kahit ganun pa man ay hindi ako nakatanggap ng text o tawag man lang galing sa kanya. Pero oo nga pala, hindi na ako kaya bakit pa ba ako nag iintay.
"Palabas na po." sagot ko kay mama.
Sasabihin ba niya sa akin na ganun na kami o baka hinintay niya lang ako na mahuli siya, dahil sa tingin ko, handang-handa na siyang pakawalan ako nang makita ko ang itsura niya kahapon. Hindi siya nagulat at mukhang ayaw niya na nga talaga sa akin.
Lumabas ako ng kwarto ko bago pumunta ng kusina. Naabutan ko si Mama doon na nag pupunas ng mga pinggan kaya nang maupo ako ay tahimik siyang tumabi sa akin at iniwan ang ginagawa niya. "Anong nangyari, Celine bakit ganyan ang itsura mo, ha. Sabihin mo lang kay Mama ma kikinig ako."
Bumuhos ang luha ko nang marinig ko 'yon, yumuko ako at humagulhol kaya tumayo si mama para yakapin ako. "Ma..."
"May masakit ba, anak?"
"Si Luis... I'm sorry, m-ma h-hindi ako nakinig sa 'yo," umiiyak kong sabi.
Napatigil si Mama sa pag haplos niya sa likod ko at bumalik sa kina-uupuan niya kanina. Kinuha niya ang kamay ko at tinaas ang baba ko para maharap siya. "Okay lang, 'Nak na masaktan, ha."
Tumango ako.
"Minsan kahit na sinabihan kita na huwag muna sa mga ganyang relasyon, kahit na hindi ka nakinig sa akin alam kong may matututunan ka naman 'yan sa susunod. 'Nak una pa lang naman kaya hindi na kita pinigilan nang sinabi mong gusto mo na. Alam kong kayang-kaya mong lagpasan ang sakit 'Nak, nakaya nga ni Mama ikaw pa ba!"
"Pareho lang siya ni Papa, Ma, pareho lang sila..." umiling ako.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Mama, gaya ko ay alam kong hindi rin siya maka paniwala na magagawa 'yon ni Luis sa akin. Sa mahigit isang taon na relasyon namin ni Luis ay hindi kami nag hiwalay dahil nagka intindihan kami sa lahat ng oras, o baka naman inintindi ko lang talaga siya dahil ganun akong tao.
"Hindi, Anak. Hindi sila pareho, sadyang hindi mo pa oras na matagpuan ang taong mamahalin ka talaga ng totoo. Bata ka pa at marami ka pang makilala kaya huwag mong isarado ang puso mo, 'Nak."
"Pero, M-"
"May taong dadating para mahalin ka ng totoo kaya huwag kang mag madali dahil hindi masasayang ang pag hihintayin mo sa pag ibig na pang habang-buhay, 'yong mamahalin ka ng totoo na kahit sa kabila ng mali sa 'yo mamahalin ka niya dahil ikaw 'yan."
Napahawak ako sa ulo ko, ang plano sana na kumain ay hindi natuloy dahil sa pag iyak ko dito. Inabot ni Mama ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang dumadaloy. Hindi ako mahihiya kay Mama kahit na matanda na ako dahil sa kanya ako nanggaling. "Thank you, Ma."
"Sige na 'Nak kumain ka mag uusap tayo mamaya, ha?"
"Opo, Ma."
Bumalik lang din ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain. Nag lakas loob ako na kinuha ang phone ko at binasa ang mga messages doon. Ang daming nag hanap sa gc ng circle of friends ko sa akin bakit hindi ako nag online. Hindi ko sila ni-replayan at bumalik ulit sa pag tulog.
Nang lunes ay naisipan kong I share ang nangyari at mag tanong kung sino ba talaga ang pinag-palit sa akin. Gusto kong makita kong mas maganda ba sa akin o hindi para mas madali akong maka pag-move on.
"Ang lalim ng mga mata mo, Ced!" komento ni Nicole sa mata ko habang nag lalakad kami papunta sa canteen.
"Mawawala din 'to."
"Gusto mo sugurin ko sila? Pupuntahan ko sa department nila o kaya sa bahay para ipag-higanti ka, ano?"
"Gaga. Hindi tayo ganun at tsaka ayoko naman na harapin siya ngayon." matamlay kong sabi habang nilalaro ko ang buhok ko.
"Asan ka pa, ako na ang bahalang sumuntok sa ex mong mukhang manok! Sorry!" nag peace sign siya sa akin bago tumawa.
Naupo ako sa bakanteng upuan at siya naman dumeresto na para bumili ng kakainin namin. Whole day 'yong klase ngayon kaya dito nalang kami kakain. 'Yong tatlo pa naming kaibigan ay iba ang department nila kaya hindi kami sabay na kakain tuwing break. "O ayan, ampalaya para sa pag-ibig na mapait." umupo siya at nilagay sa lamesa ang binili niya.
"Wala bang iba?" paborito niya ang salad na ampalaya kaya iyon ang palagi niyang binibili e ako hindi naman ako kumakain ng ganun.
"Ay oo nga pala, akala ko kakain ka na dahil sa mapait mong relasyon." pag tawa niya kaya hinampas ko siya bago tumayo.
"'Wag gulay!" sigaw ko sa kanya.
"Noted!" kumaway siya patalikod kaya napangiti ako.
Nang bumalik siya ay may dala siyang tortang talong at fried chicken kaya ngumuso ako. "Sabing 'wag gulay e... lunch na tapos tortang talong ang binili mo? Wala na bang ibang ulam dun?"
"Egg and eggplant equals to ti-"
Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa bibig niya, hindi man lang nahiya sa dami ng tao sa paligid e sasabihin niya talaga 'yon. "Ano ba, Nicole! Ang bastos ng bibig may pagkain."
"Egg and eggplant equals to tinulang talong na may itlog sabi ko, oh sige na kain ka na nga broken!"
"Walang ganun!"
Ganito lang talaga ang bibig ni Nicole, hindi talaga siya nag pipigil sa bibig niya, kahit anu-ano nalang ang pinagsasabi at hindi talaga siya mapigilan. Medyo natanggap ko na unti-unti ang ginawa ni Luis sa akin pero kahit ganun ay masakit pa rin, masakit ipagpalit. Gusto kong magalit sa kanya at tanungin kung ano bang kulang ko sa kanya, pero naisip ko na siguro madami akong kulang sa kanya kaya siguro nag hanap. Pero para sa 'kin, sobra-sobra na ang ibinigay ko sa kanya sa paghihintay tuwing kumakain kami, tinutulongan siya sa mga projects at sa iba lang bagay.
Nang umuwi kami ay dumaan muna kami sa plaza, doon namin hihintayin 'yong tatlo pang kaibigan namin dahil gagala kami sa seaside kapag lumubog na ang araw. Ilang minuto pa ay unti-unti silang nag datingan kaya lumakad kami papunta sa ibang daan kung saan malapit lang ang daanan papunta sa seaside. Habang hawak ko ang braso ni Jenifer ay napansin ko ang pamilyar na mukha sa harap ng simbahan, hawak niya ang kamay ng babae kaya tumigil ako. Siya ba ang pinalit sa akin? Sabi ko na nga ba 'yong babaeng palagi niyang kasama! Hindi ko napigilan ang sarili ko na humiwalay sa kanila at lumakad ako papunta sa pwesto kung saan silang dalawa nakatayo.
"Wow, gusto niyo na bang ikasal?"
Napatingin silang dalawa ng sabay sa akin, gulat ang mukha ng babae pero si Luis, parang wala lang sa kanya na andito ako. Sumunod ang apat kong kaibigan sa likod ko, alam kong suportado nila ako dito. "Huwag dito, Celine."
"Alam ko. Alam kong ayaw na ayaw mong nasa labas tayo nag aaway, ayaw na ayaw mong mapahiya dahil gusto mong maging pulis na malinis 'diba?!" tumawa ako.
"Hoy! Ikaw! Ang cheap ng damitan mo. Gusto mo ba hilahin ko 'yang ribbon na tali sa dibdib mo, ha at itali ko sa 'yo para hindi ka na kumabit?!" tinuro ko siya.
"Go, girl!" rinig ko mula sa likod.
Napansin ko ang takot sa kanyang mata pero kahit ganun pa man ay napataas pa din siya ng kilay sa akin. "Ako kabit? Excuse me, para sabihin ko sa 'yo ako ang naunang niligawan ni Luis kaysa sa'yo." akmang susugurin niya ako pero pinigilan siya ni Luis na gawin iyon, handa naman ako para doon kung ginawa niya.
"Wow, nahiya naman ako sa lagpas isang taon na relasyon namin. Public!" linakihan ko siya ng mata. "Pero shempre sabi mo kayo na, edi kayo na mag sama kayong dalawa!" linakihan ko sila ng mata.
Narinig ko ang pag tawa ng mga kaibigan ko sa likod, alam nilang kapag sa ganito ay ayaw na ayaw kong may tutulong sa akin dahil gusto ko ako lang. "Celine, tapos na tayo please... huwag mong idamay si Jane dito."
"Ganun?" naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko pero binaliwala ko lang dahil kailangan kong lumaban. "'Pag siya ang dali-dali lang ipagtanggol samantalang ako noon, iniwan mo ako sa umaway sa akin dahil akala mo ako 'yong nauna. Oo ngayon, ako 'yong nauna pero hindi ako ang nag umpisa nito kundi ikaw, ikaw 'yon Luis!" tinuro ko siya.
"Iba 'yon, Celine at matagal na 'yon kaya please lang, pabayaan mo na kami."
"Ang kapal talaga ng mukha mo, Luis! Ikaw ang lumapit sa akin noon tapos ngayon tinutulak mo ako palayo sa 'yo? Ano bang ginawa ko sa 'yo para maging ganito ka, ha?!"
Tumalikod ako na ngumiti sa kanila pero bago 'yon ay huminto muna ako at humarap sa kanila. "Ang cheap ng mga pangalan niyo!" Wala sa isip kong sabi sa kanila bago ako tumalikod ay pumunta sa mga kaibigan ko.
"Hoy!" rinig ko mula sa likuran. "Humingi ka ng tawad sa akin babae ka!"
Nang marinig ko 'yon ay huminto ako. "Ako pa talaga, ha?! Ang kapal ng mukha mo, hindi nga ako lumuluhod kahit kanino sa'yo pa kaya?!" sabi ko bago umalis at hindi na nakinig pa sa mga sigaw ng babae.
Pinangako ko sa sarili ko na 'yon ang una at huling beses na gagawa ako ng away para sa lalaki. Ayaw ko man gawin pero gusto kong lumaban dahil kapag hindi, uulit at uulit sila. Hindi kami tumuloy sa seaside dahil nag bago ang isip ko kaya hindi na din sila tumuloy. Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako ng ingay mula sa boses ng mga pamangkin ko kaya dumeresto ako sa kwarto.
Sa nakalipas na buwan ay tinanggap ko na ang lahat, sinubukan kong kalimutan iyon sa paraan ng pag tanggap dahil doon lang ako makaka-move on kung tatanggapin ko. Hindi pa nga oras ko sa pag-ibig.
"Finally, ga-graduate na tayo!" sigaw ni Coleen sa gilid ko.
Pumasok kami sa loob ng gym kung saan gaganapin ang ceremony, suot ang aking toga ay hinanap ko si Mama at sila Ate sa loob. Nauna silang pumunta dito dahil matagal akong natapos sa make up dahil sa dami ng customer doon. "Ma, maya-maya pipila po tayo dito lang po kayo baka hindi ko kayo mahanap."
"Sige, 'Nak. Ang ganda-ganda mo naman, 'Nak proud na proud kami sa 'yo!" masayang sabi ni Mama at inayos ang buhok ko kaya ngumiti ako sa kanya.
"Maria Celadine Miranda Tuazon, Bachelor of Science in Architecture!"
Ngumiti ako bago pumunta sa gitna para kunin ang diploma. Finally, matapos ang limang taon ay graduate na talaga ako! Masaya akong pumunta sa gitna bago ako humarap sa maraming tao, hinanap ko si Mama sa mga tao at nang makita ko siya sa pwesto niya ay ngumiti ako. Graduate na ang bunso mo, Ma!
"Congratulations! Unemployed na tayo ngayon." masaya na sabi ni Kate.
"Ang bilis ng panahon! Parang dati lang first year pa tayo."
"Picture-picture muna dali!" malakas na sabi ni Nicole kaya humarap kami sa camera niya.
Nag handa kami kaunti, ayaw ko naman sana pero ginawa nila ate dahil naka-pagtapos ako. Ako ang unang Architect sa pamilya kapag nakapasa ako sa exam, pero ngayon ay kailangan ko munang mag practice bilang apprentice para maka pag take ng exam. May apat na kapatid ako puro babae, iyong dalawa kong kapatid ay may asawa na habang ang dalawa ay sila ang nag pa-paaral sa akin hanggang sa naka pag tapos.