Hindi ko akalain na magagawa ko ito! Kaunting hawak niya lang sa akin ay bumigay kaagad ako sa kanya. Celine, hindi mo ito pwedeng ituloy, kailangan mong tumigil habang maaga pa. Paulit-ulit ko iyong paalala sa sarili ko ngunit hindi ko talaga kayang pigilan. Hindi ko siya kayang itulak palayo sa akin.
Suot ang malaking T-shirt at underwear sa ilalim ay gumalaw ako para makawala sa bisig niya. Kumunot ang noo kong nakita siyang sobrang himbing ng tulog. Ni hindi man lang niya inisip na may trabaho siya!
Nang makababa ako sa kama ay dumiretso ako sa banyo. Hindi naman talaga ako mag i-impake ng damit dahil kaunti lang naman 'yong dadalhin ko sa probinsya dahil babalik naman kaagad ako dito. Ginawa ko lang palusot sa kanya iyon para makaalis sa kanya kahapon.
Naligo ako at nag bihis pero hindi pa rin siya gising. Napagod siguro siya kagabi. Gusto ko nang linawin sa kanya ang lahat mamaya pag gumising siya para lumayo na siya sa akin. Isa itong malaking pagkakamali ang ginawa namin sa magiging asawa niya. Alam ko 'yong pakiramdam na maloko kaya kailangan ko nang itigil ito kung hindi, wala akong pinagkaiba sa tatay ko.
Lumabas ako sa sala para sana pumunta sa kusina at magluto. Nadatnan ko na kaagad ang mga damit na nag kalat kung saan-saan kaya pinulot ko at dinala sa laundry. Kapag nagising siya mamaya wala siyang masusuot na damit. Matapos kong i-laundry ang mga damit niya ay nag luto kaagad ako ng almusal.
Narinig ko ang pag bukas ng pintuan galing sa kwarto kaya napaangat ang ulo ko. Nag lakad ako palabas at hindi nga ako nag kakamali, gising na nga siya. Naka suot lang siya ng underwear at wala nang iba pa kaya napalunok ako at nag iwas ng tingin.
"Uh.. nasa laundry pa 'yong mga damit mo,"
Lumingon-lingon siya sa paligid at nag lakad palapit sa akin. Hindi na galit 'yong mukha niya pero nakasimangot pa rin siya. Para naman siyang model na lakad ng lakad sa bahay ko nito dahil sa itsura niya!
"Good morning, you wake up early huh?"
Napatingin ako sa baba ng katawan niya nang makalapit siya sa akin. Talaga bang buhay na buhay pa 'yong alaga niya kahit umaga na? "Yes, baby?"
Doon lang ako natauhan nang mag salita siya kaya mabilis akong tumingin sa kanya, kabado. "Wala, I mean 'yong damit mo nasa laundry pa at-"
"Kaka sabi mo lang nga," pinutol niya ako.
"Wala akong maipapahiram na damit sa'yo kaya bibigyan na lang kita ng tuwalya," kabado akong umalis sa harapan niya at hindi na siya ulit nilingon.
Mabilis akong nakakuha ng tuwalya at nang lumabas ako ng kwarto ay naka upo na siya sa sofa. Ano bang ginagawa nitong taong 'to? Kulang na lang mag pose siya para maging photoshoot na! Inabot ko sa kanya ang tuwalya at agad naman niyang pinulupot sa bewang niya nang tumayo siya.
"Wala ka bang trabaho ngayon? Kumain ka muna, nag luto ako,"
Oh my god, Celine! Bakit ang bait mo ngayon 'diba galit ka sa kanya... 'Diba?
Tatalikod na sana ako para pumuntang kusina nang hinila niya ang kamay ko dahil para mapunta ako sa hubad niyang dibdib at mabilis na niyakap. "I said good morning, didn't you hear me, baby? Hmm?"
Kailangan pa ba 'yan?
"Good morning," mahina kong sabi.
My god, Celine!
Nang natauhan ay mabilis ko siyang tinulak. Gulat ang kanyang mukha na napatingin sa akin mukhang hindi niya inasahan na gagawin ko 'yon. "Hey, are you okay, Celine?" nag aalala ang mukha niyang tiningnan ako.
"Pagkatapos nito huwag mo na akong kakausapin, Zach dahil ayoko na makasira ako ng relasyon. Alam mo naman 'yon 'diba dahil nangyari 'yon sa'yo kaya itigil na natin 'to."
Wala siyang nasagot at para bang wala siyang narinig sa sinabi ko. Magulo ang ekspresyon ng kanyang mukha na tumingin sa akin. "What? What are you talking about, Celine? Makasira? Who?"
"Pwede ba huwag ka nang mag maang-maangan dahil alam ko namang may girlfriend ka, tapos pupunta ka dito sa akin para ano? Para sa kailangan mo? Hindi ibig sabihin na may nangyari sa atin ay ayos lang 'yon, itigil mo na 'to, Zach dahil ayokong makasakit ng tao."
"Girlfriend? Oh my god, Maria Celadine what are you talking about? I don't have a girlfriend but if you want to be one then that would be better!" hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ngumisi siya.
Magulo pa rin 'yong isipan ko. Kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi. Madali niya akong madalas pero kahit ito lang, kahit ito lang, Celine huwag kang papaloko sa kanya!
"Ha! Pwede ba, huwag mo kong paikutin dahil ikaw na mismo nag sabi na gusto mo nang mag settle down kaya nga gusto mong-"
Pinutol niya ako. "With you, Celine I want,"
Binawi ko ang kamay sa kanya at galit ko siyang tiningnan. Talagang gusto niya akong lokohin, ha! Hindi niya ako madadala sa mga ganyang hirit niya!
Namumugay ang kanyang mga mata na tumingin sa akin. Inayos niya ang tuwalya niya at dinilaan ang labi bago binalik ang tingin sa akin.
"Ayokong maging kabit, Zach kaya umalis ka na lang dito kung ayaw mong mag tawag ako ng security para paalisin ka."
"What?" kunot ang noo niya pagkatapos ko iyong sabihin. "Celine, hindi ka ba naniniwala sa akin? Baby, listen please..." hinuhuli niya ang mga mata ko para tumingin ako sa kanya pero umiiwas ako.
Nakapamewang siya bago nag pakawala ng malalim na hininga. "Okay, kaya kita tinanong noon it's because I want you to create a design of our house. Gusto ko ikaw ang gumawa no'n dahil tayo naman ang titira doon 'diba? I really want to be in a relationship with you so bad pero nalaman kong you're not ready to enter in a new relationship,"
"Paano mo nasabing tayo ang titira doon kung wala namang tayo, hindi mo ako tinanong." hindi ko sinadya na ganun ang kalabasan ng sagot ko na parang matagal na akong nag hihintay na tanungin niya ako pero 'yon ang lumabas. 'Yon naman talaga ang totoo.
"I didn't. Because I know you will reject me again," he rolled his eyes at umiwas ng tingin.
Totoo ba ang mga sinasabi niya? Parang seryoso lahat ang mga sinasabi niya at kung maniniwala ako baka sa huli masasaktan lang ako. "How sure you are?" ngayon seryoso ko na siyang tinanong.
"Because you rejected me five years ago, Celine, in El Vera remember?"
"That was five years ago, Zach iba na ngayon,"
"But you said in the restaurant your'e not ready to enter relationship, that's why. I want it to take it slow but I am so jealous of your damn Engineer," may pagkadiin niyang sabi.
Napatawa ako. "He's not my Engineer."
Hinawakan niya ulit ang kamay ko at tutok na tumingin sa mga mata ko. "Then who is he?"
"Ka trabaho nga lang." umirap ako kaya natawa siya.
"So you think I have a girlfriend, Celine because of what I said? Hindi mo kasi ako pinatapos dahil tumawag ang Engineer mo."
"Hindi ko nga siya Engineer!" iritado kong sabi dahil pinipilit niya pa rin.
Huminga siya ng malalim at ngumiti. Hindi ko inalis sa kanya ang kamay at seryoso lang akong tumingin sa mata niya kung nagsasabi ba siya ng totoo. Parang seryoso naman siya sa lahat ng sinabi niya at mukhang hindi naman siya 'yong taong nag sisinungaling.
"Alright. Now let's eat the breakfast or I'll eat you?" nakangisi niyang sabi kaya hinampas ko ang dibdib niya at lumakad sa kusina.
"I'm kidding! But if you want... Then I'll do it right away!" narinig ko siyang tumawa bago sumunod sa akin kaya umirap ako.
Nahimik kaming kumain at hindi ko siya nilingon. Nang natapos ay nag bihis na siya ng suot niya kagabi at nag paalam sa akin na babalik lang daw siya. Tinawagan ko si Nicole para sabihin sa kanya lahat at ma kumpirma kung totoo ba talaga 'yong sinasabi ni Zach dahil close naman si Nicole sa kaibigan ni Zach.
"Umalis na," sagot ko nang tinanong niya kung andito pa ba daw si Zach sa condo ko ngayon.
"Ah! Okay, ganito 'yon. No'ng gabi no'ng pumunta tayo ng hospital tinawagan ako ni Gab. Nagulat nga din ako dahil matagal na din kaming walang koneksyon dalawa tapos sabi niya galing daw sa kay Zach 'yong number, siguro sa information natin 'yon galing. Kaya ayon no'ng dinner tinanong niya ako kung may boyfriend ka na sabi wala tsaka... Hay, Celine! Ang hirap nag explain sa tawag!" reklamo niya bago tumawa ng malakas.
"Basta gusto ka pa din ni Zach kaya kung may duda ka pa din sa kaha huwag mo muna siyang sagutin,"
"Hindi niya naman ako niligawan, Nicole!"
"Oh, so wala pa din? Hay, nako! Bakit daw? Sabi niya kapag ready ka na liligawan ka niya tapos sabi ni Gab-"
"Wait lang," pinatigil ko siya dahil sa doorbell na tumunog sa labas kaya napatayo galing sa kama ko. "Mamaya na tayo mag usap, may bisita ako."
Pinatay ko ang tawag at diretso agad sa sala para buksan kung sino 'yon. Alam kong babalik si Zach dito kaya sigurado akong siya 'yan. Mabilis kong na buksan ang pintuan na nakangiti pero nawala kaagad din ang ngiti ko nang si Nick ang bumungad sa akin.
"Engineer?" gulat kong tanong sa kanya.
"Hello, Architect! May idadaan lang sana ako sa'yo, akala ko umalis ka na pero naisipan kong baka maabutan kita dito kaya humabol ako."
"Ano 'yan?"
"'Yong kopya ng hinihingi mong design, dinaan ko na lang baka kailangan mo ngayon."
Seryoso ko siyang tiningnan dahil sa iba niyang galawan. Bakit parang ibang tao yata ang andito sa harapan ko ngayon at hindi si Nick! Inabot ko ang envelope at kaagad na ngumiti sa kanya.
"Thank you dito, Engineer. Bukas pa ang tuloy ko sa pag alis, may kailangan pa akong asikasuhin dito."
Tumango lang siya at yumuko. "You're welcome, Architect hindi na din ako mag tatagal kaya aalis na ako,"
Kumaway siya kaya tinanguan ko lang siya. Nang tumalikod siya ay kaagad ko namang sinarado ang pintuan at nilapag sa lamesa ang envelope. Kakaupo ko lang sa sofa para tingnan ang kopya nag tumunog ulit ang pintuan kaya tumayo ako. Baka may nakalimutan si Nick...
Malaki ang ngiti ko nang mag bukas sa pinto para hindi mahalata na hindi ko siya gustong makita.
"Bakit ka bumalik, Nick?" Napatigil ako at unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita si Zach sa labas madilim ang mga mata na nakatingin sa akin! "Zach?" tumaas ang kilay ko bago ngumiti pero seryoso ang kanyang mukha at dumiretsong pumasok sa loob.