bc

He's My Gangster Husband

book_age18+
9.4K
FOLLOW
23.2K
READ
dark
contract marriage
confident
drama
comedy
mystery
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

He's My Gangster Husband.

Let's meet Aikko Samonte , ang baklitang senior high school na super duper allergic sa mga gangsters kahit isa pa itong oh-so-sizzling hot guy.

What if kung isang araw ay ipaalam sa kanya ng mga kuya niya na may 2.5 million pesos pala silang utang sa isang banko at isang bagay na ang kailangan nilang gawin para mabayaran agad ang oh-so-laking utang ito ay ang magpa kasal sa isang lalakeng mayaman , gwapo , at isang freakin GANGSTER. We all know that Aikko really hate gangsters kahit isa pa itong oh-so-hot guy pero no choice siya ganun talaga ang life.

Magiging mala Cinderella story kaya ang peg ng lovelife ng ating bida?

or

A living hell is waiting for him?

Credits to the owner of the picture I used in the book cover.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter 1 Sabi nila totoo daw ang forever pero para sa akin hangga't nabubuhay ang mga malalandi walang forever. Che! Well, kaya ako nagkaka ganito dahil may pinag huhugutan ako…nag break kami ng best in kupaltology kong boyfriend kahapon, obviously siya ang nakipag break nabo-bore na daw kasi siya sa relationshit naming dalawa. Syempre ako itong si tanga lumuhod at sinubo siya este lumuhod at nag makaawa ako sa kanya na wag niya akong hiwalayan pero wala eh bakla ako eh. "Aikko bunso tara kain na tayo ng hapunan!" Sigaw ni kuya Steve sa labas ng pink kong kwarto. Yes, fenk ang favorite kong kulay. "Pababa na ako kuya wait lang!"Sagot ko kay kuya Steve, humarap agad ako sa salamin para makita ang namamaga kong mata na sanhi ng pag iyak ko sa kupal na lalakeng yun walang hiya siya! Pisti! Nadimunyu! Moving forward…naka pwesto na kaming lahat sa hapag kainan, sa kabisera ng lamesa pumwesto si kuya Steve dahil siya ang panganay namin, kami naman ni kuya Chio ang nasa left side samantalang sila kuya Sehun at Suho ay nasa right side. Nag umpisa na akong sumandok ng kanin at ng mga ulam (as in mga talaga dahil depressed ako ngayon) pero ang weird lang nila kuya ngayon dahil hindi pa sila nag kakagulo sa ulam at kanin kundi naka titig lang sila sa akin habang kumakain ako. Oo alam kong maganda ako kahit namumugto ang mata ko pero ang unusual ng inaasta nila ngayon. "Problema niyo?" Sabay subo ng kanin na may nakapatong na tuyo. “Mga kuya, ako lang ‘to.” Aking wika habang puno ang bibig ko. "Ah e ma-may ano kasi..." Nauutal na bigkas ni kuya Chio. "A-ako na nga lang ma-mag sasabi tsk! Ah eh…g-g-ganito kasi ‘yan bunso" Isa pa'to si kuya Sehun. "Mga kupal talaga kayo ako na nga lang…ah eh A-Aikko." Nag yabang pa'to si kuya Suho hindi rin naman niya pala magawang sabihin. "Matagal nang gusto namin sabihin sa iyo ito Aikko, kumukuha lang kami ng pagkakataon.” Paguumpisa ni kuya Steve. “Bago mamatay sila mama at papa may utang na sila sa banko ng 2.5 million pesos at sa’min na naka patong ang responsibilidad sa pag babayad ng utang na ‘yon nung mawala na sila. Kalahati ng sahod namin ipinapambayad namin sa bangko." Pagpapatuloy ni kuya Steve. "Sa ngayon bunso wala na kaming trabaho ng mga kuya mo. May iisang pamilya ang maaring tumulong sa atin at kapag hindi pa ito masolusyunan baka mawala na ang tinitirahan natin." Pagtatapos ni kuya. Napanganga ako sa revelation nila kuya and whuuut!? kahit minsan hindi ko naramdaman ang millionaire life tapos ngayon malalaman ko na may utang pala kaming 2.5 million sa banko. Paano? Kailan? Para saan? “Kung itatanong mo kung para saan ginamit nila mama at papa ang pera, hindi ‘rin naming alam bunso.” Wika ni kuya Chio na tila ba’y nabasa niya ang nasa isip ko. “Huh? Naguguluhan ako 2.5 million pesos? At iisang pamilya lang ang pwedeng tumulong sa prblema natin?” Naguguluhan kong tanong. Jeskelerd parang mae-empacho ata ako sa mga revelations nila kuya eh. Pisti! “Alam kong naguguluhan ka iku-kuwento ko na lang ang nangyari noon sakaling maliwanagan ka bunso.” Seryosong wika ni kuya Steve. Flash back. "Annie I'm three months pregnant at sa tingin ko babae na itong baby ko." Balita ni mama kay mrs.Gray. Ang matalik niyang kaibigan. "Really? I'm so happy for you Airene, pakiramdam ko din mars na babae yan dahil blooming ka araw-araw hindi katulad dun sa apat mong lalake nung ipinagbubuntis mo sila na araw-araw naka busangot ang muka mo  hahaha." Masayang sagot ni mrs.Gray. "Hahaha thank you mars , kamusta na pala yung unico hijo mo, si Milfior? mainitin pa rin ba ang ulo?" Tanong ni mama. Si Milfior ang tanging anak nila Mr. and Mrs. Gray. "Ay Mars sinabi mo pa , simula talaga nung mamatay ang daddy niya naging ganun na siya hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa kanya e." Mrs.Gray. "Mars I have an idea tutal babae naman yang magiging bunso mo paano kaya kung i-include ko sa last will ko na pag patong ng bunso mo ng eighteen years old ay kailangang magpa kasal ni Milfior sa anak mo at mag ha-hati sila sa lahat ng ari-arian naming mag asawa pero pag hindi pumayag silang dalawa sa kasal ay mapupunta lang ang lahat ng yaman namin sa mga foundations." Wika ni Mrs.Gray. "Mars, hindi ba masyadong maaga para sa ganyan? Saka hindi na uso ang fixed marriage ngayon. Hayaan na lang natin silang pumili sa papakasalan nila kapag lumaki sila.” Alanganing wika ni mama. "Airene, one hundred sure naman akong magkakasundo yang bunso mo sa unico hijo ko. Baka sakaling mag bago ang behavior ng anak  ko. Pleaaaase?” Pakiusap ni Mrs. Gray sa kabilang linya. Lumipas ang limang Segundo hindi pa rin sumasagot si mama. “Great! Silence means yes so ipapadala ko na yung mga pipirmahan mo ha?” Excited na wika ni Mrs. Gray after 7 months. "Honey, ayokong ibalita sa’yo ito because I’m concerned with your health and our baby’s  pero this is an important matter." Wika ni papa matapos malaman ang masamang balita. “What is it hon?” Tanong ni mama kay papa. “Annie is dead. Car accident” "Ano!? aah ah ah ah ah!" Napaanak ng di oras si mama dahil sa nalaman niyang masamang balita. Matagal nang kaibigan ni mama si tita Mira mag kapatid na nga ang turingan nila sa isa’t-isa. "Dadalhin kita sa ospital Aika isasalba ko kayong dalawa ng anak ko." Bulalas ni papa. "Michikko iligtas mo ang anak natin." Pag mamakaawa ni mama kay papa. Matagumpay na naisalba ang buhay ng bunso naming kapatid kaso namatay si mama matapos kang iluwal sa sinapupunan niya. Isang batang lalake ang bunso naming kapatid kaya pinangalanan ni papa ang bunso naming kapatid na Aikko pinag samang pangalan nila ni mama na Aika at Michikko.Nag pakamatay si papa matapos ang isang linggo dahil sa depresyon kaya ako na at mga kuya mo ay nag hanap buhay para may maipang kain sa'yo bunso. End of flash back. Tuloy-tuloy na nagsi labasan ang mga luha ko matapos ikuwento ni kuya Steve ang lahat ng trahedya na nangyari sa amin gayundin sila kuya Chio , Sehun at kuya Steve samantalang ang baliw kong kuya Suho ay humahagulgol ng parang shunga. "Waaaa! nakakaiyak talaga!" Nag mamaktol pa ang gago. "Kuya Suho umayos ka!" Sigaw ko tumahimik naman siya na para bang aso na nasaktan tss. "Aikko, kailangan mo nang ipakasal kay Milfior para mabayaran na natin ang utang sa banko." Deretsahang sinabi sa akin ni kuya Chio. Pinunasan ko muna ang mga luha ko sa mukha at saka nag salita "Kuya gagawin ko kahit labag sa kalooban ko ang magpa kasal sa Milfior na 'yon , this time I'll payback sa lahat ng sacrifice na ginawa niyo para sa akin." "Huwah I love you bunso!" Yinakap ako ng kuya kong baliw pero kahit ganyan si kuya Suho nagpapasalamat din ako sa kanya. "Bukas pupunta tayo Aikko sa mansyon ng mga Gray kakausapin natin sila tungkol sa kasal niyo. " Kuya Steve states in a serious tone. "Aba hindi pwedeng mawala ang pinaka gwapo sa magkakapatid." Pagmamayabang ni kuya Sehun at nag pogi sign pa. "Oy kupal ako ang pinaka gwapo dito naka sampung girlfriend kaya ako sa loob ng isang buwan hehe." Binatukan ni kuya Suho si kuya Sehun. "Ehem kung kayo gwapo , ako naman malakas ang s*x appeal Yeah." Pagpapasikat ni kuya Chio. "Tumigil na nga kayo mas pinapagulo niyo lang ang utak ni bunso!" Saway ni kuya Steve sa mga kuya kong isip bata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.9K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.5K
bc

My Master and I

read
136.3K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
182.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook