Matapos niyang ibaba ang tawag sa kabilang linya ay umupo siya sa itim na couch at nag de kuwatro ng pang lalake. Grabe ang guwapo niya talaga, hindi ko akalain na ang ganitong klase ng nilalang ay naka tadhanang ipa-kasal sa'kin. Grabehan. Feeling ko talaga nasa loob ako nang isang fairy tale book at feeling ko ang ganda-ganda ko na rin, charing! Hinihintay namin ngayon ang tawag nung Blood kung na re-fuel na niya yung chopper. Gusto ko man ulit mag tanong kung saan kami pupunta ay natatakot ako dahil baka mag iba na ang mood niya at bumalik na siya sa pagiging beast, ako naman ang magigibg beauty niya kuno. Chariring! Naka tayo ako ngayon sa harap ng bintana nang upisina ni Mil, kitang-kita ko ang mga sasakyan sa baba na parang langgam na nag uunahan sa sobrang liit at ang mga building

