"Kailan pa nagsalita ng ganoon kahaba si Precipise? Nakakagulat!" komento ni Xáxa kaya napatawa sina Sheena at Zefirine. Nasanay na kasi sila na tahimik ang Aqua Frei-Forther young Ladynne at maikli lang ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Umusbong ang bulungan sa paligid. Samu't saring pananaw at opinyon ang maririnig mula sa mga ito. Habang si Precipise kalmado lang at hindi mababakas sa mukha niya ang pag-aalala. Batid na niyang sasang-ayon ang lahat. Batid na niyang tatanggapin ng lahat ang pagkatao ni Asyanna. At, batid niya rin na mawawala na ang pinagbabawal na ugnayan ng dalawang lahi. Sa darating na mga araw, isisilang ang mga bagong lahi na magtatanggol sa Azthamen. Nakikita na ni Precipise ang gulong mangyayari sa hinaharap. Kaya, nararapat lamang na iwaksi na ang batas n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


