"Hindi maaari, young Ladynne. Porke't isa siyang upper class ay iibahin na ang pagtrato sa kaniya. Hindi maaari. Kung saan tinatapon ang may sala, doon din siya," sabi ng mahistrado. "Huwag mo na akong isipin, Yanna. Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako mababaliw," sabi ni Dylenea. Maya-maya, lumapit ang mga Azthic Warrior at kinuha si Dylenea. Ayaw pang bumitaw ni Asyanna pero wala pa rin siyang nagawa. Hinatid niya ng tingin ang papalayong Azthic. Hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya. Pinahid niya ang luhang pumatak sa pisngi niya. Sampung taon lang iyon. Maikling panahon lang iyon, Yanna. Hindi magtatagal magkikita muli kayo. Kapag nangyari iyon, magiging masaya ka na ulit, lalo na si ama. Magpakatatag ka sana. Kinausap niya lang ang sarili niya sa isip para gumaan ang pak

