"Magandang araw, mahal na mahistrado," bati ng Azthic Warrior Ladynne. "Magandang araw rin Ladynne Spellure. May maipaglilingkod ba ako sa iyo? Kung mayroon man, maaari bang pagkatapos na lang ng paglilitis?" sagot ng mahistrado. "Siyang tunay, mahal na mahistrado. Ngunit, hindi na ako makapaghintay pa. Lalo na't mahalaga rin itong isisiwalat ko sa lahat," ani Dylenea at tumingin kay Asyanna. Napakunot-noo si Asyanna sa nakakatanda niyang kapatid. Mas mahalaga pa ba iyon kaysa sa paglilitis sa akin? Kung ginagawa niya lang 'to para matigil ang paghatol sa akin, hindi niya iyon maaaring gawin! "Ladynne Spellure, nasa kalagitnaan tayo ng paglilitis sa akin. Maaari bang isantabi mo muna iyan?" wika ni Asyanna. Ngumiti ang Azthic Warrior Ladynne sa kapatid niya. Tunay na ngiti iyon at wal

