"Azthian! Minsan na nating naipanalo ang digmaan laban sa mga mananakop ng Azthamen! Dahil sa atin kaya mayroong Azthamen! Hindi dapat natin bitawan na lang nang basta-basta and mundo natin. Hindi natin hahayaang matalo tayo ng Rebellion. Lalaban tayo hanggang sa dulo! Ipatikim sa kaaway ang bagsik ng azkar! Avante Azthian!" baling ni Dylenea sa Azthic Warriors, Azthic Seccu at mga Aeries. Naging madugo ang digmaan ng racial forces at Rebellion. Naging makulay din ito sapagkat iba't-ibang mahika at enerhiya ang nagkalat sa buong lugar. May sari-sarili silang kalaban pero ang ilan ay nadadamay dahil sa ligaw na mga kapangyarihan. "Sinasabi ko sa'yo Asyanna. Matatalo ng Rebellion ang hanay ninyo," pagmamayabang ni Necós. "Huwag kang magsalita nang tapos. Matalo man ng Rebellion ang Racial

