"Dalawang araw na tayo rito pero wala pa tayong maisip na paraan para makatakas," bagot na sabi ni Xáxa habang nakahiga sa malamig na sahig. "Ang lamig 'no tapos wala manlang tayong makapal na tela rito. Talaga bang pahihirapan nila tayo? Mamamatay tayo sa lamig dito," reklamo ni Serfina na namumula na ang balat dahil sa lamig ng klima. Natural sa kaniya iyon dahil isa siyang Ignis. Kapag nakaramdam ang isang Ignis ng lamig kusang umiinit ang katawan nito. Pero, sa sitwasyon ni Serfina namumula siya at nilalamig. Nasa lugar kasi siya kung saan hindi niya magamit ang kapangyarihan at kakayahan niya. Kaya, ganoon ang epekto sa kaniya. "Bakit ka nilalamig, Ignis? Hindi ba't apoy ka?" nagtatakang tanong ni Xáxa. "Nakalimutan mo ba? Walang mahika o kapangyarihan na gumagana sa lugar na ito.

