Chapter 35

1642 Words
"Asyanna...Asyanna...Patawad...kung napa...hamak ka...Pa...tawad kong nakuha ka ng mga rebelde. Patawad...kung nangyari ito sa iyo. Patawad...anak ko," hirap na sabi ni Ornelius habang nakahandusay sa sahig. Duguan siya at malabo nang makaalis pa sa lugar na iyon. At, kapag naabutan pa siya ni Asyanna na humihinga pa, hindi magdadalawang-isip ang Magium young Ladynne na tuluyan siya. Pero, nagtitiwala pa rin siya sa ampon niya na hindi ito magagawa. Batid niyang hindi pa tuluyang naging bato ang puso ng pinalaking Magium. Dahil kung matigas na ito, dapat ay pinaslang na siya nito. Pero, hindi ito ginawa ng Magium young Ladynne. "Odette...patawad...kung hindi ko naprotektahan...ang anak mo. Patawad...kung naligaw siya ng landas. Huwag ka sanang magagalit. Dahil ginawa ko ang lahat...para mapabuti siya. Hindi lang ito...naging sapat," ani Ornelius. Pumikit siya at inalala ang maamo at magandang mukha ni Odette. Kabisado niya pa rin ang hitsura nito dahil halos kawangis lang nito si Asyanna. "Kung alam mo lang...kung gaano kalakas...ang anak mo. Tiyak kong... ipagmamalaki mo siya," sabi ng isip ni Ornelius. Pero, bigla ring nalungkot ang mukha niya dahil sa dalawang rason. Una, ang pagkamatay ni Odette. Pangalawa, ang pagbabago kay Asyanna. Napakuyom ng mga kamay si Ornelius. Galit na galit siya sa mga rebelde lalo na sa may gawa niyon kay Asyanna. "Babawiin ko si Asyanna. Hindi ako makakapayag na tuluyan nilang makuha ang anak ni Odette," sabi ni Ornelius at sinubukang bumangon. Pero, bigo siyang magawa iyon. "Ama!" tawag ni Onessa at nagmadaling tumakbo ito sa direksyon niya. "Ama!" maluha-luha nitong sabi at lumuhod para masuportahan ang sugatang ama. "Onessa, bakit ka bumalik? Ang ina mo at mga kapatid nabihag ba sila?" tanong ni Ornelius. Umiling ang Magium Ladynne at sumagot, "hindi po ama. Nakatakas po sila pero hinahabol sila ngayon ng mga rebelde." Sinubukan ni Ornelius na bumangon kaya sinuportahan siya ng anak niya. Isinandal siya ni Onessa sa pader at tiningnan ang natamo nitong sugat. Nakaramdam si Onessa ng galit dahil batid niyang si Asyanna ang may gawa niyon sa ama niya. "Wala siyang utang na loob. Pagbabayaran niya ang ginawa niya kay ama. Binalaan ko na siya na huwag sasaktan si ama," galit na sabi ng isip ni Onessa. "Anak, si Asyanna nasaan siya? Nakita mo ba siya?" usisa ng ama niya kaya napakuyom siya ng mga kamay. Naiinis siya dahil kahit sinaktan ni Asyanna ang ama nila, hinahanap pa rin nito ang bastarda. "Ama, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sinaktan ka niya. Pinagtangkaan niya ang buhay mo. Tinalikuran ka niya. Tinalikuran niya tayong lahat," giit ni Onessa. Batid ni Onessa na baka nga napasailalim ng itim na mahika ang kapatid niya. Pero, dahil sa galit pinaniwala niya ang sarili na tinalikuran nga sila ng Magium young Ladynne. "Nagkakamali ka Onessa. Hindi tayo tinalikuran ni Asyanna. Hinding-hindi niya tayo tatalikuran. Tiyak kong napasailalim siya ng isang itim na mahika kaya siya nagkaganoon," saad ng Magium Lorde. Hindi na nagsalita pa ang Magium Ladynne dahil tiyak niyang pagtatalunan nila iyon. "Ladynne Onessa, Lorde Ornelius, kailangan na nating makaalis. Baka maabutan tayo ng mga kaalyado ni young Ladynne Asyanna," wika ng Magium Seccu na kanina pa patingin-tingin sa labas ng silid. "Ama, halika na," sabi ni Onessa at tinulungang makatayo ang ama. "Onessa, si Asyanna," sabi ng Magium Lorde. "Kapag magaling ka na ama. Saka natin siya babawiin," diing sabi ni Onessa. Sinuportahan ng Magium Ladynne at ng Magium Seccu si Ornelius para siya ay makalakad. Tinahak nila ang daan papunta sa likuran dahil hindi sila maaaring dumaan sa harapan. Mahuhuli sila ng mga rebelde. Sa Kartell Castle... "Ama saan po kayo nanggaling?" usisa ni Dylenea sa kararating lang na Azthic Lorde. "Dylenea, ipatawag ang lahat ng kasapi ng konseho maliban sa Gránn at Quert," utos ni Irman. "Bakit po ama? Bakit hindi kabilang ang mga kasapi sa Gránn at Quert?" usisa ng Azthic Ladynne. "Dahil may kinakaharap na delubyo ngayon ang dalawang lupain," sagot ng Azthic Lorde at nagtuloy sa silid. "May kinakaharap na delubyo?" nagtatakang tanong ng isip ni Dylenea. "Ladynne Dylenea, nabalitaan niyo na ba?" ani ng Azthic "Ang ano?" kyuryos na tanong ni Dylenea. "Sinalakay ng mga rebelde ang Gránn at bumagsak ito. Bumagsak ang kaharian ng mga Magium. Nasa kamay na ito ng Rebellion," sagot nito kaya nagulat ang Azthic Ladynne sa narinig. Batid na ng Azthic Ladynne kaya nagpatawag ng pulong ang kaniyang ama. "Salamat sa impormasyon," sabi ni Dylenea. Tumango naman ang Azthic bago umalis. Nagtungo si Dylenea ng kaniyang silid para gumawa ng sulat. Pinili niya ang kalatas na ginagamit sa emerhensiya para pumunta kaagad ng Karr ang mga dadalo sa pulong. Ginamit niya ang kulay pulang tinta at isinulat sa kalatas ang dahilan ng pulong. Pagkatapos masulat ang mensahe agad nagtungo si Dylenea sa kulungan ng alaga niyang Tamarra. "Damina, ibigay mo ito sa limang kaharian," utos niya sa racial pet niya. Agad naman itong lumipad para dalhin ang mga mensahe galing ng Karr. Natanggap din kaagad ng limang kaharian ang mensahe. Kaya, hindi sila nag-atubiling pumunta ng Karr. Sa High Castle... "Sinasabi ko na nga ba at sasalakay muli ang Rebellion," komento ni Ignacio. "Nasaan si Ornelius? Nakaligtas ba siya?" usisa ni Ferrie pero umiling lang ang Azthic Lorde ng Karr. "Mahirap mang paniwalaan pero sa tingin ko hindi siya nakaligtas," sagot ni Irman. "Paanong?" 'di makapaniwalang sabi ni Naitroh, ang Lorde ng Wembrech. "Nakita ko si Asyanna. Hawak-hawak niya ang duguang kapa ni Ornelius. Tila pinagmamalaki pa niya ito. Pinapadakip niya rin ang mga tumakas na mga Magium kabilang na ang mga Puerre," sagot ni Irman. "Sinasabi ko na nga at niloko lang tayo ni Asyanna. Kabilang siya sa mga rebelde kaya walang kahirap-hirap at walang takot niyang nilabag ang batas," komento ni Ignacio. "Ang kinakabahala ko ay baka sumalakay din sa atin ang Rebellion. Nakuha nila ang Gránn. Tiyak kong ang Quert ang isusunod nila. Pagkatapos ay ang mga kaharian natin," nag-aalalang sabi ni Irman. "Kailangan na nating maghanda dahil hindi natin alam kung kailan sila sasalakay," ani Ferrie. Sa hangganan ng Gránn at Quert... "Ama, malapit na po tayo sa Quert. Konting tiis na lang po," sabi ni Onessa. "Anak, hindi ko...na kaya. Iwan niyo na lang...ako. Magiging pabigat...lang ako sa...inyo," hirap na sabi ni Ornelius. Umiling lang si Onessa. Hindi niya gusto ang nais ng kaniyang ama na iwan siya. "Pero, Onessa kapag hindi ninyo ako iniwan tiyak kong maaabutan tayo ng mga rebelde," giit ni Ornelius. Sa pangalawang pagkakataon umiling ang Magium Ladynne. Pinipigilan niyang umiyak ang sarili. Nais ng ama niya na magpaiwan na lang para makatakas na sila ng Magium Seccu. Gagawin nitong pain ang sarili para makaligtas sila. At, hinding-hindi niya iyon gagawin. Kahit pa na abutan sila ng mga rebelde. Hinding-hindi niya iiwan ang kaniyang ama. "Onessa, makinig ka sa akin. Mapapahamak ka lang kapag kasama niyo ako. Huwag nang matigas ang ulo," ani Ornelius. Hindi pinakinggan ni Onessa ang ama niya. Hindi niya susundin ang nais nito kahit na magalit pa ito sa kaniya. Tinatahak nila ngayon ang masukal na daan patungong Quert. Dahil tiyak nilang aabangan sila ng mga rebelde sa pangunahing daan patungo sa nasabing lupain. "Malapit na tayo ama. Malapit na malapit," ani Onessa. "Ayon ang mga tumakas!" sigaw sa likuran nila. Binilisan nina Onessa ang paglalakad dahil naabutan sila ng mga rebelde. "Anak, mauna na kayo. Iligtas mo ang sarili mo!" sabi ni Ornelius pero hindi nakinig ang anak niya. "Hulihin sila!" sigaw ng rebelde. "Makapangyarihang kalikasan tulungan mo kami!" sigaw ng isip ni Onessa. "Anak, yuko!" sigaw ni Ornelius. Yumuko naman si Onessa. Dumaan sa ibabaw ng ulo nila ang bumulusok na pana. Nilingon ito ni Onessa at nanlaki ang mga mata dahil nakita niyang may hawak na pana ang mga rebelde. "Kailangan na naming makaalis!" sigaw ng isip ni Onessa. "Ahh!" sigaw ng Magium Seccu nang tamaan ito sa paa. Natumba silang tatlo dahil nawalan sila ng balanse. "Ladynne, mauna na kayo. Ako nang bahala sa kanila," sabi ng Magium Seccu. Tumango si Onessa at tinulungang makatayo ang ama. "Patawad," huling sabi ni Onessa sa Magium Seccu. Mabilis na naglakad sina Onessa para makalapit kaagad sa ikalawang lagusan ng Quert. "Para sa Gránn! Para sa Azthamen!" sigaw ng Magium Seccu kaya nilingon siya ni Onessa. Nakita niya kung paano nila tinapos ang buhay ng Magium Seccu. Napailing na lang siya. Isinakripisyo ng Magium Seccu ang buhay niya para makaligtas sila. "Hindi ko sasayangin ang buhay na isinakripisyo mo. Pangako ibibigay ko ang hustisya sa'yo," sabi ng isip ng Magium Ladynne. "Ama! Onessa!" sigaw ni Alisiah. Napangiti si Onessa nang makita ang kapatid niya. Nasa lagusan ito kasama ang mga Terra Runner. Ihahakbang na sana ni Onessa ang kaliwa niyang paa nang tamaan siya ng pana rito kaya bumagsak sila. "Onessa! Ama!" sigaw ni Alisiah at tumakbo sa direksyon nila. Pumunta rin sa direksyon nila ang mga Terra Runner para protektahan sila. "Adras!" sigaw ng isa sa mga rebelde. Umatras ang Rebellion dahil hindi nila kakayanin ang puwersa ng Terracium. "Tulungan niyo kami!" sigaw ni Alisiah. Agad na lumapit sa kanila ang mga Terra Runner at tinulungan sina Onessa at Ornelius. Sa Landia Castle... "Anong nangyari?" alalang tanong ni Glorgiana, ang Ladynne ng Quert. "Hinabol kami...ng mga...rebelde," hirap na sabi ni Onessa. "Terra Runner, dalhin ang mga sugatan sa Healing dome," utos ni Briar, ang Lorde ng Quert. Agad dinala ng mga Terra Runner si Onessa at Ornelius sa Healing dome. "Ama, sino ang mga sugatan?" biglang tanong ni Sheena na kararating lang. "Si Lorde Ornelius at Ladynne Onessa," sagot ng Terra Lorde. "Bakit? Anong nangyari sa kanila? Teka, bakit narito silang lahat? Si Asyanna nahanap na ba nila?" sunod-sunod na tanong ni Sheena. "Sinalakay ang Gránn ng Rebellion, young Ladynne Sheena. Napatalsik nila kami sa ilalim ng pamumuno ni...Asyanna," malungkot na sabi ni Alisiah pero may bahid iyon ng hinanakit. "Ano?! Si Asyanna?!" 'di makapaniwalang sabi ni Sheena. "Siyang tunay young Ladynne," ani Daneve.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD