Chapter 17

1247 Words
"Saan ka galing?" bungad na tanong sa'kin ni Lorde Ornelius pagkapasok ko ng silid namin. Nakatayo siya malapit sa bintana at malayo ang tingin sa labas. Wala si Onessa sa silid kaya kami lang dalawa ang naroon. "Kartell Castle," tipid kong sabi at umupo sa kama na katapat ng bintana. "Kinausap ka niya?" tanong ni Lorde Ornelius kaya napakunot noo ako. "Sino pong tinutukoy niyo?" nagtatakang tanong ko. "Irman," sagot niya. "Opo, Lorde Ornelius," sagot ko kaya napaharap siya sa'kin. Seryoso ang mukha niya at tila malalim ang iniisip. "Anong sinabi niya?" usisa ni Lorde Ornelius. "Wala naman. Nalaman ko lang na siya ang tumulong sa'kin kaya nabuhay akong muli," sagot ko. Iyon lang ang sinabi ko dahil ayoko pang ipagsabi muna sa iba lalo na sa kaniya ang nalalaman ko. Pakiramdam ko kasi parang may kulang. Parang may iba pang detalye na hanggang ngayon ay nakatago pa rin. Nag-usap pa kami ni Lorde Ornelius nang kaunti. Pagkatapos ay umalis na rin siya at naiwan akong mag-isa sa silid. Napabuntong hininga na lang ako. Marami akong natuklasang lihim. Parang sasabog ang utak ko kaiisip nito. "Ipagpahinga mo na ang sarili mo, Asya. Kailangan mo ng lakas para bukas," paalala ng espiritu sa'kin. Kaya, napahiga ako sa higaan ko. Tumitig lang ako sa kisame na parang may pinapanood rito. Ginugulo talaga ng mga lihim na iyon ang utak ko. Pakiramdam ko may mas matindi pang sekreto ang konektado sa lihim na iyon nina Lorde Ornelius at Lorde Irman. "Asya, magpahinga ka na. Alalahanin mo ang Azthia Tournament bukas. Isantabi mo na muna ang mga bumabagabag sa'yo," sabi ng espiritu. "Wala ka bang alam sa mga bagay na iyon?" tanong ko rito nang hindi pinapansin ang tanong nito. "Wala, Asyanna," medyo kabado nitong sabi. Hindi ako naniniwalang wala siyang alam. Batid kong may alam siya ayaw niya lang aminin sa'kin. "Hindi muna kita kukulitin sa ngayon. Pero, pagdating ng panahon at kailangan ko ng sagot. Dapat may sabihin ka sa akin," sabi ko at pinikit na ang mga mata. Sa battlefield... "Magandang araw Azthamen!" bati ni Hydrox kaya naghiyawan ang mga nilalang na nagmula sa ibang lahi. Ngayon ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw kung saan magkakaalaman na kung anong lahi ang pinakamagaling. "Asya, galingan mo," bulong ng espiritu kaya napatango ako. Susubukan kong manalo. Kahit batid kong maliit ang pag-asa ko. Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik ang espada ni Asilah. O babalik pa kaya ulit iyon? "Ngayon ang opisyal na pagbubukas ng Azthia Tournament. Magsisimula tayo sa elimination round. Pagkatapos ay susundan ito ng semi-finals. At, ang pinakahuli, ang championship round. Ang tanging tuntunin sa tournament ay walang p*****n. Kailangan ninyong pigilan ang inyong mga sarili na huwag mapaslang ang makakatunggali," sabi ni Hydrox. "Hoy Asya! Pagbati sa pagiging Seeker Game Victor," bati sa'kin ng isang Magium. "Salamat—" "Chaross Monter ng Gránn," pagpapakilala nito kaya tumango ako. Kilala ko ang pagmumukha niya dahil isa siyang Magium Crafter. Mabait daw siya sabi ng iba. Pero, hindi maganda ang pakiramdam ko sa kaniya. Parang may tinatago siya at may pinapahiwatig sa ngiting iyon. "Tinanggap mo talaga ang imbitasyon ng Azthia Tournament, Asya," biglang salita sa likuran ko. Nilingon ko ito at napabuga na lang ng hangin. Sasali rin ang kambal ni Lescha. Kung hindi lang talaga sila magkahawig iisipin kong hindi sila magkapatid. At, ang kapatid niya ay si Dylenea. Dahil pareho sila ng ugali. "Malaki kasi ang tiwala sa sarili," sabat din ni Onaeus. "At, sino namang hangal ang aayaw sa imbitasyon na iyon? Isang karangalan na iyon para sa lahat," sagot ko sa kanila kaya hindi na sila nakasagot pa. Lumipat ako ng puwesto dahil ayokong makatabi si Xáxa at Onaeus pati na rin si Chaross. Parehong hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanila. "Asya, nagagalak ako at tinanggap mo ang imbitasyon," masayang sabi ni Sheena pero nginitian ko lang siya. "Nagagalak ako sa pagkapanalo mo Asya!" tuwang sabi rin ni Noreem. "Asya, inaway ka na naman ba ni Xáxa?" tanong naman ni Zefirine. Umiling lang ako at tinanaw ang battlefield. "Bago magsimula ang laro, nais kong ipakilala sa inyo ang mga champ ng Azthia Tournament," ani Hydrox kaya naghiyawan na naman ang mga nanonood. Naghanda na kaming lahat para sa paglabas namin. Kinakabahan ako pero ayokong ipahalata iyon sa lahat lalo na sa mga magiging kalaban ko. "Ang unang champ, nagmula sa lupain ng Tarll at kaharian ng Aeries, galing sa angkan ng mga Filere at isang Aer Flyer ng Aer Racial Forces, ibinibigay ko sa inyo si young Ladynne Zefirine!" tawag ni Hydrox. Naghiyawan ang mga tagasuporta ni Zefirine. Lumabas na siya ng booth kaya lalong lumakas ang hiyawan at nadagdagan pa ng sigawan. Isa nga talaga siya sa mga kilalang Aer sa Azthamen. Kaya, malaki ang suporta ng mga tagahanga niya. "Ang pangalawang champ, nanggaling sa lupain ng Nassus at kaharian ng Ignisius, galing sa angkan ng mga Xyspere at isang Ignis Rider ng Ignis Racial Forces, ang pangalan ng Lorde, Fenix Xyspere!" tawag ni Hydrox. Naghiyawan at nagsigawan din ang mga tagasuporta niya. Mas malakas at mas maingay ito kumpara kay Zefirine. "Ang susunod na champ ay nagmula sa lupain ng Quert at kaharian ng Terracium, galing sa angkan ng mga Sowler at isang Terra Runner ng Terra Racial Forces, ang marikit na si young Ladynne Sheena Sowler!" "Ang susunod na champ ay nagmula sa lupain ng Nuclos at kaharian ng Aqualous, galing sa angkan ng mga Mellows at isang Aqua Sailor ng Aqua Racial Forces, mga kababaihan at kalalakihan, Lorde Kai Mellows!" "Ang susunod na champ ay nagmula sa lupain ng Ferrox at kaharian ng Frostbitus, galing sa angkan ng mga Xarmont, isa sa mga pinagmamalaking kambal ng Frost Racial Forces, young Ladynne, Xáxa Xarmont!" Tumingin sa'kin si Xáxa at nginisian ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kung siya ang makakalaban ko sisiguraduhin kong matatalo siya. "Ang susunod na champ ay nagmula sa lupain ng Gránn at kaharian ng Magia, galing sa angkan ng mga Puerre at isang Magium Crafter ng Magium Racial Forces, ang matapang na Lorde, Onaeus Puerre!" Nilingon din ako ni Onaeus at nginisian ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Tatalunin ko si Onaeus," rinig kong sabi ni Chaross kaya napangisi ako. Nilingon ko siya at nagsalita, "Kung sino sa atin ang mauuna," "Ang susunod na champ ay nagmula sa lupain ng Wembrech at kaharian ng Gemia, galing sa angkan ng mga Gemisiu at isang Gemium Keeper ng Gemium Racial Forces, ang kumikinang na young Ladynne, Noreem Gemisiu!" "Ang susunod na champ ay nagmula sa lupain ng Gránn at kaharian ng Magia, isang Magium Crafter ng Magium Racial Forces, binibigay ko sa inyo, Chaross Monter," Naglakad na siya palabas ng booth pero lumingon din kaagad sa direksyon ko. Nginisian niya ako at nakaramdam ako ng kilabot sa ngising iyon. Pakiramdam ko kasi may mangyayaring hindi kanais-nais. Natawag na lahat ng sasali sa Azthia Tournament maliban sa akin. Baka nakalimutan na ako ni Hydrox. Baka hindi tunay ang imbitasyon na iyon. "At, ang huling champ, nagmula sa lupain ng Gránn at kaharian ng Magia, galing sa angkan ng mga Puerre at ang kasalukuyang Seeker Game Victor. Ibinibigay ko sa inyo ang kahanga-hangang young Ladynne, Asyanna Puerre!" tawag sa akin ni Hydrox. Umingay ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang pangalan ko. Sinisigaw nila ito ng buong tapang at buong puso. Lumabas ako ng booth kaya mas lumakas ang pagsigaw nila sa pangalan ko. "Asya! Asya! Asya!" sigaw nila kaya napangiti ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD