"Ayos lang kaya si Yanna? Hindi kaya mapahamak 'yong katawan niya? Masyadong malakas 'yong kalamidad. Baka ano na nang nangyari sa katawan niya," alalang sabi ni Sheena. Iniwan kasi nila ang katawan ni Asyanna sa butas ng Marcas kung saan nakatago ang Argon. Kahit na may kapangyarihang tinataglay ang Eshner. Wala pa ring kasiguraduhan kung makakaya nito ang bagsik ng kalamidad. "Hindi naman siguro. Ipanalangin na lang natin sa mga ninuno ang kaligtasan niya," sagot ni Zefirine. "Sana nga. Kapag may nangyari sa katawan niya. Baka dalawin tayo ng espiritu niya at sakalin," biro ni Lescha. "Dinalaw na nga tayo ng espiritu," seryosong sabi ni Xáxa habang nakatingin sa pintuan. Tumingin din ang iba at nagulat sila sa paglitaw ni Sanara. Hindi makapaniwala si Xáxa sa nakikita ng kaniyang mg

