"O, minamahal kong Azthamen! Tulungan mo ako! Bigyan mo pa ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko sa lahat. Bigyan mo pa ako ng pagkakataong mailigtas ang lahat, mailigtas ka! Pakiusap, bigyan mo pa ako ng pagkakataong!" pakiusap ni Asyanna sa nagngangalit na Azthamen. Kasalukuyang nangyayari ang sakuna sa buong Azthamen. Wala itong pinipili. Kalaban ka man o hindi, walang kasiguraduhan kung makakaligtas ang kahit sino. Lahat ng mga nilalang ay nasa bingit ng kapahamakan. Ngayon kailangan magkaisa ang lahat nang sa ganoon marami ang makaligtas. "Azthamen! Huwag mong ipahamak ang mga nilalang na walang ibang ginawa kun'di ang ipagtanggol ka at iligtas sa mga mananakop. Nagsusumamo ako! Itigil mo ito!" pagsusumamo ni Asyanna. Ngunit, patuloy pa rin ang kalikasan sa paghagupit. Napaup

