Madilim ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin. Dumadagundong ang kulog at kay liwanag ng kidlat. Parang galit na galit ito sa lahat. Umiba rin ang hugis ng mga ulap. Papunta ito sa parehong direksyon. Paikot-ikot at paliit nang paliit sa gitna. Kapag ganito ang nangyayari, may sakunang paparating. "Ipasok na sa loob ang mga upper class at racial forces. Iwanan sa labas ang mga mahihinang nilalang na walang silbi!" malakas na sigaw ni Necós. Rinig ito sa labas kaya kaagad namang sinunod ng rebelde ang utos ng panginoon. Tumawag pa ng ilang kasama ang inutusang revro. Sapilitan nilang pinapasok ang mga upper class at racial forces na ayaw sumunod. Samantala, ang mga naiwan sa labas ay nagmakaawa na papasukin din sila. Takot na takot ang mga ito. Batid nila ang mangyayari kapag naab

