"Masusundan pa kaya tayo rito?" tanong ni Lescha. Bumalik na ulit siya sa dati niyang wangis. Maging sina Sheena at Xáxa. Nakatakas man sila hindi pa rin iyon sapat para makatakas mula kay Necós. Maraming galamay ang pinuno ng Rebellion. Mahahanap at mahahanap pa rin sila kahit saan sila magtago. Masyado nang makapangyarihan ang kalaban nila. Kaya, mahihirapan talaga silang talunin ito. "Kai, kayo nang bahala sa kapatid ko. Haharapin ko sila para hindi kayo masundan. Dalhin ninyo sa ligtas na lugar ang kapatid ko. Pakiusap," wika ni Dylenea at tiningnan saglit ang walang malay na Magium-Azthic young Ladynne. Tumulo ang luha niya dahil sa sinapit nito. Palagi na lang itong napapahamak. Muntikan na rin itong napaslang. Hindi niya kakayanin na mawala ang kapatid. Hindi pa siya nakakabawi r

