Chapter 26

1013 Words
"Paano napunta sa'yo ang espada?" gulat niyang tanong nang bumaba ang tingin niya sa hawak kong sandata. "Sinulyapan ko ang espada at sinagot siya," Sabihin na lang natin na kailangan ko ng tulong kaya ito bumalik." "Tama nga siya," wika niya at napaisip saglit. Napakunot noo ako sa sinabi niya. Sinong siya ang tinutukoy niya? "May kakaiba sa iyo. Dahil hindi basta-basta sumusunod ang isang sandata sa hindi nito panginoon. Anong koneksyon mo kay Asilah?" usisa niya. "Alam mo hindi ko kailangang sagutin ang katanungan mo. At, maaari ba tigilan mo na ito?" tugon ko kaya humalakhak siya. Bumaba ang tingin ko sa bandang leeg niya at nakyuryos sa simbolong nakatatak dito. Nakita ko na iyon nang gabing muntikan akong mapaslang. Nakita ko iyon kay Necós, ang nilalang na nakaharap ko kamakailan lang. Tama nga ang hinala ko, isa siyang rebelde. Kaya ang lakas ng loob niyang labagin ang batas dahil gawain naman talaga iyon ng Rebellion. "Isa ka sa Rebellion," bulalas ko. "Ang talino mo naman Asya, natuklasan mo kaagad," manghang sabi niya pero batid kong peke lang iyon. Gumagalaw na ang Rebellion. May espiya sila sa Gránn, ang kabalyero ni Lorde Ornelius. Tapos si Chaross Monter nanggulo naman sa Karr. Sino-sino pa kaya ang mga taksil ng Azthamen? "Ilan pa kayong mga taksil?" usisa ko kaya napangisi siya. "Marami kami Asya, marami. Kaya mag-iingat ka baka ang pinagkakatiwalaan mo, hindi mo pala dapat na pagkatiwalaan," makahulugan niyang sabi. Nanganganib ang Azthamen. Natitiyak kong napaghandaan na ng Rebellion ang hakbang na gagawin nila. Kailangan nang kumilos ng walong kaharian. Kailangan na naming kumilos lahat. At, sisimulan ko iyon ngayon. Binunot ko ang espada at pumosisyon. Nagpalabas naman ng itim na mahika si Chaross sa palad niya. Nilaro niya ito kaya naman napagdesisyunan kong sumugod na. Tumakbo ako papunta sa direksyon niya. Pinakawalan niya naman ang itim na mahika at dumiretso ito papunta sa direksyon ko. Pagkalapit nito sa'kin, hiniwa ko ito kaya unti-unti itong nalusaw. Nagpakawala ulit siya ng itim na mahika na agad ko namang hiniwa. Sa inis niya nagpalabas siya ng malaking enerhiya at binato ito sa direksyon ko. Agad kong itong sinangga dahilan para tumigil ito. May namumuong na kakaibang enerhiya sa pagitan ng espada at ng itim na mahika. Iba't-ibang direksyon ang tinahak nito kaya iniiwasan ko rin ang enerhiyang papunta sa akin. "Alam mo Asya, unti-unti mo lang sinisira ang espada ni Asilah," ani Chaross. "Hindi masisira ang espada ko Asya. Walang kahit anong mahika o sandata ang makakasira nito," rinig kong bulong ng tinig kaya tumango ako. Binuhos ko ang buong lakas ko at itinaboy ang itim na mahika. Bumangga ito sa magic shield kaya nagkaroon ng pagsabog. Tumilapon ang ilang mga racial forces dahil sa tindi ng lakas nito. Nasira rin ang magic shield kaya napangiti ako. "Magium Crafter Chaross Monter pinapaalis ka na sa racial forces!" rinig kong sabi ng Heneral ng Magium Racial Forces. "Wala akong pakialam! Hindi ko naman ginusto ang posisyon na iyan!" sagot niya kaya sumenyas ang heneral ng Magium Racial Forces sa mga Magium Crafter. "Hindi niyo ako kaya!" sigaw niya at nagpakawala na naman ng mahika. Agad na gumawa ng harang ang lahat para hindi sila maapektuhan at matamaan. Sa inis ko sinaksak ko ang espada sa lupa kaya nawalan siya ng balanse at natumba. Agad ko siyang nilapitan at tinutok ang talim ng espada sa mukha niya. "Bakit hindi mo na ako tapusin, Asya? Tutal pinahirapan naman kita kanina," ngising sabi niya. "Hindi ako lumalabag sa batas. Hindi ako kriminal. Hindi ako...ikaw," tugon ko kaya sumama ang mukha niya. "Duwag ka pala Asya kagaya niya," ani Chaross. "Sinong tinutukoy mo?" nagtataka kong tanong. Pero, tumawa lang siya kaya bigla ko siyang sinakal sa leeg. "Sinong tinutukoy mo?" gigil kong tanong. "Bakit ko sasabihin? Magdusa ka," pagmamatigas niya. Sinaksak ko ang espada sa lupa at hinawakan ito nang mahigpit. Gumapang ang enerhiya sa katawan ko papunta sa leeg ni Chaross. "Anong ginagawa mo?" hirap niyang sabi. "Bakit kayo nanggugulo sa Azthamen? Anong binabalak ninyo?" usisa ko sa kaniya. "Wala akong sasabihin!" sagot niya kaya mas hinigpitan ko ang pagsakal sa kaniya. "Anong binabalak ninyo!?" sigaw ko. "Wala!" tugon niya. "Asya, tama na iyan! Wala ka sa posisyon. Hayaan mo ang racial forces ang gumawa niyan," puna ni Lorde Ornelius. Inis kong binitawan si Chaross at tumalikod na para umalis. Pero, hindi ko inasahan ang nangyari. Bigla na lang ako nakaramdam ng sakit sa tagiliran ko. Hinawakan ko ito at may dugong kumalat sa kamay ko. Nilingon ko si Chaross at nakitang hawak ang maliit na kutsilyo. Sa galit ko, sinubukan kong pagsamahin ang mahika ko at ang kapangyarihan ng espada. Kahit sugatan ako hindi iyon naging hadlang para hindi ko magawa ang nais ko. Gumapang sa espada ang mahika ko kaya nagliliwanag na ito. "Hindi ako makapapayag na hindi ako makaganti," sabi ko at tatagpasin na sana siya nang bigla na lang siyang bumagsak. Kaya, natigilan ako at hindi makapaniwala sa nangyari. Doon ko lang narinig muli ang ingay ng lahat. Nagtataka akong tumingin sa kanila. Inikot ko ng tingin ang kabuuan ng battlefield pero wala akong nakita na may kahina-hinalang kilos. "Young Ladynne Asyanna nilabag mo ang batas!" sabi ni Hydrox. "Hindi ko iyon ginawa! Nakita mo! Kayong lahat! Alam mong hindi ako. Hindi ko siya hinawakan!" giit ko. "Kitang-kita mismo ng mga mata namin na pinaslang mo ang Magium Crafter," giit ng heneral. "Hindi, General Meduzalem! Hindi ko ginawa!" tugon ko. "Anong nangyari rito?" usisa ni Lorde Irman na kararating lang. "Ang nilalang na nais mong paslangin ay pinaslang ang isang Magium Crafter," sagot ni Lorde Ignacio, ang Lorde ng Nassus. "Hindi, Lorde Irman! Hindi ko iyon ginawa! Nagsasabi ako ng totoo!" saad ko. "Ginawa mo bastarda. Sinasabi ko na nga ba," biglang salita ni Onaeus. "Oo, pinaslang mo siya," sang-ayon din ni Dylenea. Sinamaan ko ng tingin silang dalawa. Alam ko sa sarili ko na hindi ko iyon ginawa. Hindi ako ang pumaslang sa kaniya. May ibang gumawa nito para mapunta sa'kin ang sisi. Natitiyak kong hindi pa nakakalayo ang may gawa nito kay Chaross.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD