Chapter 25

1109 Words
"Champs tulungan ninyo ang Racial Forces! Ngayon na!" tarantang sabi ni Hydrox. "Kahit ano pang gawin ninyo hindi niyo mawawasak iyan. Pagmasdan niyo na lang paano ko paslangin ang bastardang ito," wika ni Chaross. "Chaross Monter nilabag mo ang batas. Hindi ka na maaari pang makapaglaro sa tournament," ani Hydrox pero humalakhak lang siya na parang walang pakialam. Wala nga talaga siyang pakialam. "Wala akong pakialam sa batas ninyo! Wala rin akong pakialam kung diskuwalipikado na ako! Ang gusto ko lang matakot at mangamba kayong lahat. Panahon na para palitan ang mga namumuno sa Azthamen!" buong tapang na sabi niya. Inabot ko ang salapang na nabitawan ko kanina saka tumayo. Hindi ako makapapayag na sirain niya at ng kapanalig niya ang Azthamen. "Chaross!" tawag ko kaya tumingin siya sa direksyon ko. Kitang-kita ng mga mata ko ang pagngisi niya. "Handa ka na bang mamatay?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Ginamit ko ang kakayahan kong maglaho at lumitaw sa likuran niya. Hahampasin ko na sana siya nang biglang tumigil ang kamay ko. Literal na hindi ko ito maigalaw. Humarap siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko na nanginginig dahil pilit ko itong ginagalaw. "Hindi ka ba traidor, Asya? Umatake ka patalikod," ngising sabi niya at tinulak ako kaya napaatras ako. Doon ko lang naigalaw ang kamay ko. Pero, ang lakas ng pagkakabagsak ko sa lupa kahit na mahina lang ang pagtulak niya sa akin. "Alam mo Asya pinapahirapan mo lang ang sarili mo," sabi niya at naglakad papalapit sa'kin. Pilit kong inabot ang salapang pero hindi ko pa ito nahahawakan sinipa na niya ito palayo sa'kin. "Hindi mo na iyon kakailanganin pa Asya. Mamamatay ka lang din naman bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo?" sabi niya. "Hindi ko pinahihirapan ang sarili ko. Mali ka ng pagkakaintindi, Magium," saad ko habang nakatitig sa mga mata nito. "Kung iyan ang gusto mong paniwalaan ko. Ikaw ang bahala," sang-ayon niya," Pero mamamatay ka pa rin sa mga kamay ko bastarda," Napakuyom ako ng mga kamay. Pipigilan ko siya sa binabalak niya. Tumayo ako at sinugod siya. Suntok at sipa lang ang ginawa ko dahil hindi ko na alam kung saan napunta ang salapang. "Iyan lang ba ang kaya mo, Asya?" mapang-asar niyang tanong at sinuntok ako sa tiyan. Pero, may kasama iyong mahika kaya napangiwi ako sa sakit. Napahawak ako rito at sinamaan siya ng tingin. Malakas siya dahil ginamit niya ang ipinagbabawal na mahika. Napangisi na naman si Chaross. "Handa ka na ba?" ani Chaross kaya nakaramdam na talaga ako ng totoong kilabot. Sa paraan ng pananalita niya ramdam ko ang takot. Hindi ako takot na makalaban siya, takot akong mamatay. Kahit na dalawang beses na akong napaslang. Natatakot ako na baka hindi na ako makaligtas o mabuhay pang muli kung sakaling mapaslang nga niya ako. "Chaross Monter subukan mo lang na labagin ang isa pang batas at tinitiyak ko sa'yong buong Azthamen ang makakalaban mo. Hindi lang 'yan. Kapag may nangyaring masama sa anak ko. Hindi ko maipapangakong hindi ka gantihan," banta ni Lorde Ornelius na ngayon lang nakapagsalita muli. Mababakas sa mukha niya ang pagiging seryoso. "Lorde Ornelius, hindi ko alam na pinapahalagahan mo pala itong si Asyanna? Pero, bakit mo siya itinago nang mahabang panahon? Ano kayang dahilan mo sa paglantad mo ng lihim mo?" usisa ni Chaross. "Sumusobra ka na Chaross!" sigaw ko at sumugod muli sa kaniya. Pero, kinulong niya ako ng kapangyarihan niya. Kaya, hindi ako makalapit sa kaniya. "Seryoso ka Asya? Hindi ka ba nagagalit sa ginawa sa'yo ng ama mo? Tinago ka niya sa lahat, Asya. Ikinulong ka niya sa kastilyo sa loob nang mahabang panahon. Hindi ka ba nasaktan sa ginawa niya?" sunod-sunod niyang tanong kaya napaiwas ako ng tingin. Lahat ng sinabi niya ay totoo. Oo, nagalit ako kay Lorde Ornelius. Oo, nasaktan ako. Pero, nawala lahat ng iyon nang makatungtong na ako ng Karr. Nang makasali ako ng Seeker Game. Ang nag-iisang bagay na lang na hanggang ngayon na nasasaktan ako, ay ang pagiging bastarda. "Hindi," tanging sagot ko. "Hindi ako makapaniwalang nanggaling mismo iyan sa mga bibig. Masyado kang mahina," giit niya. "Hindi ako mahina. Hindi ko lang ugaling magtanim ng sama ng loob nang matagal," tugon ko. "Naaawa ako sa'yo," sabi niya at umiling pa, "Pero, paumanhin kailangan na kitang paslangin" Pinalaki niya ang kapangyarihang bumabalot sa'kin at dinadagdagan ang kapal ito. "Chaross! Palabasin mo ako!" sigaw ko mula sa loob. Pero, patuloy lang siya sa ginagawa niya. "Palabasin mo ako!" sigaw kong muli at pinaghahampas ang kapangyarihan na nagkulong sa akin. "Kahit anong hampas mo pa riyan Asya. Hindi mo iyan masisira," ani Chaross kaya sinuntok ko ang kapangyarihang bumalot sa akin. "Sige lang Asyanna, sige lang," sabi niya at humalakhak nang malakas. Kailangan ko na talagang makawala sa kaniya. Dahil natitiyak kong hindi lang ito ang gagawin niya sa'kin. "Makawala lang ako rito at gagantihan kita!" gigil kong sabi. "Asya! Tawagin mo sa isip mo ang espada ko!" rinig kong utos ng tinig kaya natigilan ako bigla. Tama ba ang narinig ko? Tinig na ba niya iyon? Bumalik na siya? Pero, inangkin niya ang espada. "Ikaw si Asilah?!" 'di makapaniwalang sabi ko. "Tawagin mo na lang ang espada, Asya," utos niyang muli nang hindi sinasagot ang tanong ko. Tumango ako at saka pinikit ang mga mata. Binuka ko ang kanang kamay ko at inisip ang espada. Sana bumalik na ito. Sana magpakita na ito. Maya-maya, nakaramdam ako ng kakaibang puwersa sa palad ko. Tila may namumuong hugis dito. Hinayaan ko lang itong maramdaman ng palad ko. Hanggang sa may literal na bagay ang lumitaw sa palad ko. Napangiti na lang ako nang matukoy kung ano ito. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at natuwa sa nakita. Bumalik na ang espada ni Asilah! "Sa wakas bumalik ka na!" tuwang sabi ko at tumingin sa direksyon ni Chaross. Sumeryoso ang mukha niya nang bumaba ang tingin niya sa bagay na hawak ko ngayon. Ako naman ang napangisi sa naging reaksyon niya. "Ngayon pantay na ang laban," buong tapang na sabi ko at iwinasiwas ang espada. "Hindi mo iyan matatalo," kabadong sabi niya. "Tingnan natin," ani ko at sinimulang sirain ang magic shield. Sa tuwing didikit ang espada at ang magic shield nagkakaroon ito ng malakas na puwersa. Kung iisipin parang mortal itong magkaaway dahil sa reaksyon nito sa isa't isa. "Humanda ka na Chaross!" sigaw ko at hinampas nang malakas ang magic shield. Sumabog ito at unti-unting nalusaw. Nanlaki ang mga mata niya sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na nasira ko ang magic shield na ginawa niya. "Paano mo iyon nagawa?" di makapaniwalang tanong niya. "Espada ni Asilah," sagot ko at sinaksak ito sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD