Sa Mysta... "Precipise, ano nang nangyayari kay Yanna? Kumusta ang Gránn?" alalang tanong ni Kai sa kapatid. Nagkatinginan ang mga young Ladynne dahil batid nila kung bakit ganoon na lamang mag-alala ang Aqua Sailor Lorde. May pagtingin ito sa Magium young Ladynne. Hindi iyon mapagkakaila dahil halata naman sa mga kilos niya. "Kausap niya si Onaeus. Naroon din si Necós," sagot ni Precipise. "Ano?! Kailangan natin siyang tulungan. Baka pagkaisahan siya ng dalawa," reaksyon ni Kai. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Yanna. Siya lang ang pupunta roon. Kaya, mananatili ka rito," giit naman ni Precipise. "Lorde Kai, napaghahalataang may pagtingin ka sa Magium young Ladynne," wika ni Xáxa at ngumisi. "Wala ka yatang tiwala sa kaniya. Baka nakakalimutan mo hawak niya ang espada ni Asilah,"

