Sa Mysta... Matapos malaman ni Asyanna ang nangyari sa Magia, nagmadali siyang bumalik sa Mysta. "Yanna, nais mo pa rin bang malaman ang tunay mong pagkatao?" tanong ni Precipise. "Buong buhay ko naniwala akong si Lorde Ornelius ang ama ko at si Odette ang ina ko. Iyon pala hindi ako isang Puerre dahil ayon sa kuwento ng punong Marcas, napaslang ang anak niya. Ibig sabihin, sa ibang angkan ako nagmula. Nais kong malaman kung saan ako nagmula, kung sino ang mga magulang ko at kung sino ba talaga ako," emosyonal na sagot ni Asyanna Nilapitan siya ng Aqua Forther young Ladynne at tinapik sa balikat. Naiintindihan nito ang nararamdaman ng Magium young Ladynne ng Gránn. Kung may magagawa lang sana ito para mapadali ang paghanap ni Asyanna sa pagkatao niya matagal na niya itong ginawa. Limit

