"Yanna! Mahuhulog na ako! Saluhin mo ako!" "Yanna, natutunaw na ang isa kong kamay!' "Yanna, napapaso na ako!" "Yanna, malapit na kaming bumaon dito!" Pabalik-balik ng tingin si Asyanna dahil hindi niya alam kung anong gagawin. "Anong gagawin ko?! Sinong uunahin ko sa kanila?!" "Yanna!" takot na sigaw ni Sheena kaya kaagad na tumakbo papunta roon ang young Ladynne. Tinapik niya ito sa balikat pero hindi pa rin ito gumagalaw. "Sheena, pakinggan mo ako! Sheena, huwag kang bibitaw!" "Yanna! Mahuhulog na ako! Katapusan ko na!" sigaw ni Sheena na parang nasirain ng bait. "Sheena, makinig ka sa akin. Hindi iyan totoo. Wala ka sa ere at hindi totoong nahuhulog ka. Maniwala ka sa akin. Nililinlang ka lang ng isla," "Yanna, ang binti ko! Nabalian ako ng buto!" iyak ng Terra Runner young

