Deca 12th... "Ama, maaari ba akong sumama sa inyo?" "Hindi, Odette. Sandali, ano iyang suot mo? Hindi ba't bawal mo iyang suotin kapag lalabas ka ng kastilyo? Paano kung may nakakita sa iyo? Nais mo ba talagang ipahamak ang angkan natin?" "Patawad, ama. Hindi na mauulit," Patakbong umalis ang batang Odette dahil natakot na naman siya sa ama niya. Palagi kasi siya nitong pinapalo kapag nakagawa siya ng mali. "Ayos ka lang, Odette?" alalang tanong ng batang Ornelius. Tumango ang batang Odette pero mababakas naman sa mukha niya ang lungkot. Pakiramdam niya ay hindi siya kabilang sa mga Puerre. "Unawain mo na lang si ama. Ayaw niya lang na mapahamak ka," "Bakit ko nakikita ang nakaraan nina Ladynne Odette at Lorde Ornelius?" nagtatakang tanong ni Asyanna habang nakatayo mula sa malayo.

