"Yanna, anong natuklasan mo?" tanong kaagad ni Sheena nang makaahon mula sa tubig ang Magium-Azthic young Ladynne. Hindi siya pinansin ni Asyanna bagkus ay umupo sa buhangin at sinaksak ang espada rito. Nagtaka ang lahat sa inasta ni Asyanna. Maliban kay Precipise na batid ang dahilan. "Yanna, ayos ka lang?" alalang tanong ni Serfina. "May dahilan kung bakit nasa akin ang espadang ito," sabi ni Asyanna at hinimas ang hawakan nito. "Dahil itinadhana ng kapalaran na mapunta iyan sa pangangalaga mo, Yanna," sagot ni Precipise. "Bakit sa kaniya?" nagtatakang tanong ni Xáxa. "Dahil siya lang ang karapat-dapat sa espadang iyan," makahulugang sagot ni Precipise. "Sa akin ito iniwan dahil ang tunay na nagmamay-ari nito ang siyang nagsilang sa akin sa mundong ito," sabi ni Asyanna. Napasing

