"Asyanna! Kailangan mong magmadali. Nanganganib na ang Azthamen lalo na ang mga bihag ng Rebellion!" "Asyanna, kahit wala ka sa sarili mong katawan, kayang-kaya mo pa rin silang labanan. Kayang-kaya mo pa ring iligtas ang Azthamen!" "Asyanna!" Naalimpungatan si Sanara dahil sa panaginip na iyon. Nagtataka siya kung bakit niya iyon napanaginipan. Hindi niya maintindihan kung bakit kusa na lang lumilitaw sa isipan at panaginip niya ang mga bagay na iyon. "Bakit ganito? Anong nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati," nagtatakang tanong niya sa sarili. Tumitig siya sa kisame at inisip nang mabuti ang dahilan. Pero, wala siyang maisip na dahilan. Maya-maya, bumangon siya at tiningnan ang natamong sugat sa katawan na naghilom na rin. "Si Asyanna ang may gawa nito. Pero, hindi pa ri

