CHAPTER 1
8year ago....
ako si Aira Legaspi.. tatlo kaming mag kapatid at ako ang panganay.
Wala na kaming mga magulang dahil namatay sila sa aksidinte ng bus papuntang maynila, kaya kargo ko ngayon mga kapatid ko..
Ginawa ko lahat para sa mga kapatid ko, naging school girl ako sa school na pag mamay-ari ng mga martinez. at doon ko nkilala si Hector Martinez.
First crush, first love, first kiss, at first sa lahat..
pero kinamumuhian ko siya. sobra... tsk.!
Basta!
Nong araw na namatay mga magulang ko, diku alam kong paano na kami ngayong magkakapatid. 16years old palang ako at ang sumunod sakin si Aiya 14years old at ang bunso nmin Andi 10years old. Buti nlang at kinuha kami ni tita Maila, kapatid ni mama.
Lumipat kami sa maynila sa kapatid ni mama, si tita Maila sila yong tumayong gaurdian namin, since siya lang ang nag iisang kapatid ni mama, si papa naman hindi namin nakilala ang pamilya niya dahil simula ng pinakasalan niya si mama itinakwil na siya ng magulang niya.
Kasi hindi daw nila matanggap na mahirap ang mapapangasawa ni papa. Hanggang sa lumayo sila mama't papa at sa cebu nalang tumira,
Pinalaki nila kami ng maayos.. sobrang saya namin kahit na medyo mahirap pamumuhay namin, may maliit kaming negosyo. pero ibeninta ni papa yon dahil wala kaming ipambabayad sa ospital nong na stoke c mama.
kaya nag disisyon sila na puntahan ang pamilya ni papa, kakausapin niya dw mga magulang nya at pagkatapus nun susunod na kami sa kanila. kaso yun nga ang nangyari. bigla nlang silang nawala.
"ija, siya nga pala nilakad ko mga papers nyo doon sa school na pinag tuturoan ko buti nga at pumayag sila. Kinwento ko kasi ang kalagayan ninyo kaya inaprobahan din nag principal. nakita niya din kasi na maganda ang records niyo sa pinanggalingan nyong schook kaya ok na." pagkikwento ni tita samin habang kumakaen kami sa hapag kainan.
"wow! talaga tita.?" natuwa nman ako sa reaksyon ni aiya..
"thankyou po tita.. hayaan mo po mag aaral po kami ng mabuti para makatulong din sa inyo." nakangiting sabi ko sa kanya maski ako man ay natuwa sa balita ni tita Maila.
"tutulungan ko din kayo para maka pag aral din kayo ng mabuti.. pinangako ko yan sa mama niyo na simula ngayon ako na ang tatayong ina sa inyo."
ramdam kong naluluha na siya pero hindi niya pinahalata sa amin..
Mag isa lang si tita sa bahay niya, kaya pumayag ang taga DSWD na si tita ang maging guardian namin dahil bukod sa nagiisang kapatid lng siya ni mama ay may kakayahan din siyang alagaan kami, stable ang pagtuturo niya sa school na pinagtuturuan.
isang seaman ang asawa ni tita, kaya lang wala silang anak. nagka problima daw ang asawa ni tita kaya kahit ilang taon na ay hindi sila nagkaroon kahit isang anak lang.. Nagpapasalamat naman ang asawa ni tita sa amin dahil pumayag kami na sa kanila kami tumira.
Pag katapos namin kumaen ay nag aya si tita Maila na mall kami, mamimili daw kami ng mga gagamitin namin sa school at pag katapos nun ay pumunta kami sa school may kukunin daw siya sa room niya na importante at isinabay niya nadin ang pag lilibot namin sa school para daw hindi na kami maligaw pag pasukan na.
Isang linggo nalang kasi ay maguumpisa na ang school year.. at excited nako sa pumasok.
Sana may makilala akong bagong kaybigan sa school, last year ko na kasi sa high school kaya gusto kung e-enjoy ang high school life ko.
Hindi ako nakatulog ng maaga dahil sa kakaisip, bukas na unang klase ko sa bagong school namin.
hinanda ko na kagabi ang uniform ko para bukas ready na lahat.
kinabukasan..
"ate.. ate.! gising na baka ma late pa tayo.. gising na dw sabi ni tita.!" pang gigising saken ni andi.
"wait lang bunso.. 5mins pa." nakasanayan ko na siguro to tuwing ginigising ako ni andi ay
naka takip ang unan sa mukha ko na kunwari tutulog pa ako.. kasi alam kong gigisingin niya ulit ako at pagkatapos kikilitiin ko siya sa kilikili niya hanggang sa humalakhak siya ng kakatawa.
"ate.! gising na daw sab-..." hindi na siya natuloy sa sinasabi niya nang hinila ko na siya.
"waaah.!! lika nga dito., sabing 5mins diba.! kikilitiin kita yari ka saken!!" tawa lang siya ng tawa sa ginagawa ko..
"ate tawag na kayo ni tita." tawag samin ni aiya, nakangiti siya nung nakita kami ni andi na nagtatawanan, pero naluha din siya agad.
"oh bat ka umiiyak?" tanong ko kay aiya habang umayos na si andi at umupo sa gilid ko, umupo naman si aiya sa kabilang gilid ko at yumakap saken.
"namimis kona sina mama't papa ate.." nakasubsub sa leeg ko ang mukha nya habang umiiyak.
"kahit ako man ay namimiss ko na sila.." pinipigilan kong umiyak.. habang sinasabi sa kanila.
"kaylangan naten ituloy ang pangarap nila para sa aten.. kaya kaylangan mag aral tayo ng mabuti para maging proud sila saten, kahit na alam naten wala na sila. alam kong nakamasid lang sila sa atin." nakayap silang dalawa saken habang gumigilid na luha ko..
kaylangan kung maging matatag para sa mga kapatid ko.. alam kong ako lang ang makakapitan nila ngaun.
Bilang panganay gagawin ko lahat para sa kanila.
Hinatid ko muna sa room niya si andi at ganun din si aiya bago ko hanapin ang room ko.. magkaiba kasi ang building namin.
Kada year isang building. medyo napagod ako kaya naisipan ko na dumaan muna sa canteen para bumili ng maiinom, maaga pa naman kaya my time pako hindi pa na naman ako ma li-late sa first subject.
Hanggan sa nakita kong may naka paskil na wanted waitress sa dito sa canteen, naisip ko baka pweding mag aply dito kahit nag.aaral pa.
"pabili po, isang bottle water po yung maliit lang." kumuha ako ng pera sa pouch ko tapos iniabot ko sa babaing medyo kaidaran ko lang,
"ate, pwedi bang mag apply bilang waitress kahit nag.aaral pa.?" tanong ko sa kanya.
"wait lang ah tanongin ko lang c mama" sabi niya tapos biglang talikod na.
habang tinatapik tapik ko ang daliri ko sa table dito sa canteen, maya't mata ako tumitingin sa orasan na suot ko. nang may lumabas na babae medyo ka-idaran ni tita.
"g-good morning po mam ako po si Aira legaspi, gusto ko sanang mag apply bilang waitress dito sa canteen kahit nag aaral pa po ako." kahit medyo kinakabahan, sa unang tingin mo ay may pag ka istrekta siya, pero parang hindi din dahil ngumiti siya saken, siguro napansin niya na kinakabahan ako.
"pwede. ibigay mo saken scedules mo para maibigay ko din sayo ang oras mo sa trabaho.. pero wag kang umasa na malaki masasahod mo dahil working student ka, per hour ang magiging sahod mo." pagpapaliwanag niya sakin.
"mga magkano po magiging sahod mam" kylangan ko talagang tanungin para malaman ko kung makaka pag ipon ba ako nun.
"100 lang per hour.. anong year kana ba?"
"nasa 4th year na po ako mam, kaylangan ko po makaipon para sa mga kapatid ko, nakikitira lang po kasi kami sa tita Maila namin at ayoko pong maging pabigat, para kahit papano po ay makatulong nadin kay tita" pagpapaliwanag ko.
"pamangkin ka ni Maila?" napakunot noon nyang tanong.
"opo mam, Maila Enriques po."
"pamangkin ka pala ni maila, sige gawin ko nang 150per hour mo dito baka kasi sabihin ni maila ang kuripot ko" natatawa nyan sabi saken habang naka cross leg na naka upo.
"talaga po!" natuwa naman ako sa sinabi niya. "baket naman po tumaas" diku maintindihan kaya tinanong ko nalang.
"best friend ko kasi yun kaya.. alam mo na baka ano sabihin saken.. sige na bumalik ka nalang mamaya pag ok na schedule mo" naka ngiting tumayo na siya at pumasok sa isang pintuan.
ang swerti ko talaga.. thankyou lord.!
Lumabas nako sa canteen at kumaropas ng takbo, dahil ilang minuto nalang ma li-late nako sa first subject ko. napapangiti ako habang tumatakbo, iniisip ko kung pano ko sasabihin sa mga kapatid ko at kay tita maila na magwowork ako habang nag.aaral. napakasaya ko talaga hanggan nadapa nalang ako ng may humarang na paa sa dadaanan ko. agad akon tumayo dahil umangat ata padla ko sa impack ng pag ka dapa ko napatukod naman ako agad ng siko ko kaya naagapan ko pa.
haist nakakahiya, buti nalang may short ako nun kung hindi makikitaan pa sana ako.
tiningnan ko kung sino mang hinayopak ang humarang ng paa niya sa daanan.
Basi sa nakikita ko, tatlo silang naka tayo sa pinto ng isang classroom. at sakto dahil ito din yong room na hinahanap ko..
"sino sa inyo ang humarang ng paa sa daanan?" nagtawanan lang sila na parang hindi ako naririnig. pero nabigla ako ng may humarap saken.
"ako baket?"
medyo maputi at ma tanggad siya kesa saken.. mukhang mayaman kung titignan.
"bakit mo ginawa un?, ganyan ba paraan mo kung paano sumaya ang first day of school mo?." matapang kong hinarap din siya.
"ei ano naman sayo kung ganun nga paraan ko?" sabat niya sakin.
sasagutin ko din sana siya nung biglang mag sipasukan na mga ibang studyante sa room na hinahanap ko..
"oi andyan na si mam" biglang sabi ng isa sa mga studyante.
kaya pumasok nalang ako, naaasar ako. pero pinilit kong maging kalmado. wala naman akong magagawa sabi nga nila.. kung my swerti my malas.!
Nong nakuha ko schedule dumiretso nako sa canteen para iabot ito kay mam meldrid.
nong nakita na niya ay sinabi na niya saakin ang magiging oras ng trabaho ko..
Sa tanggahali 3hours akong mag t-trabaho sa canteen 11am - 1pm. start kasi ng pasok ko sa hapon is 1:30pm tapos last subject ko naman nun ay matatapos ng 4:30pm. bali papasok ako sa canteen ng 5pm hanggan 8pm.. nasa 8hrs din ang trabaho ko.. ok na yon para sa working student, magliligpit lang naman daw ako ng mga kinainan ng mga studyante, at mahuhugas ng mga pinagkainan. kayang kaya ko namang gawin yun at sanay naman ako.
Pag uwi sa bahay ay nadatnan kong nasa sala ang mga kapatid ko, at c tita Maila naman ay nasa kusina..
"oh ate, bat ngayon ka lang?" tanong sakin ni aiya. bago ako umupo sa tabi niya.
"may sasabihin sana ako sa inyo, pero mamaya nalang pag tapos na si tita." sabi ko sa kanila.
"andyan kana pala aira.! mag bihis kana dun at bumaba ka agad dahil kakain na tayo." sabi ni tita
"cge po tita magbibihis lang ako." nginitian ko siya bago tumalikod.
habang nag bibihis ako na pansin kong masakit sa bandang siko ko.. tinignan ko sa salamin ito at nakita kong may pasa pala ako dito, siguro dahil dun sa pagtalisod saken ng lalaking yun.
diko alam kung bat napangiti ako nong bigla kong naisip ang mukha niya. parang ang lakas lang ng dating niya sken, pero naiinis ako. haii ewan!
Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas nako sa kwarto at bumaba na napansin kong wala na sa sala mga kapatid ko kaya tinungo ko kaagad ang kusina. nakaupo sila sa harap ng lamesa at nag kikwentohan kaya naupo nadin ako.
"oh tara at kumaen na tayo" sabi ni tita maila.
habang nag sasandok sila ng pagkain ay don nako nag salita.
"tita maila. my sasbihin po sana ako tita, wag po sana kayong magagalit sa gusto kong mangyari" naka tingin silang tatlo saken.
"ou na pumapayag nako" sabat saken ni tita.
"p-po?" takang tanong ko sa kanya.
maski mga kapatid ko nagulat din sa amin,
"sinabi na saken ni meldrid yon kaya ok lang" naka ngiti niyang sabi saken habang hinawakan ang kamay ko. "naintindihan kita, at ok lang naman saakin iyon ang importante alagaan mo ang sarili mo at wag mong pabayaan ang pag aaral mo, lalo pat ikaw ang panganay sa inyo.. andito lng ako para gabayan kayong magkakapatid. alam kong pinalaki kayo ng maayos ng mama't papa mo kaya my tiwala ako sa inyo"
tumayo ako at niyakap ko si tita, pakiramdam ko kasi parang nakikita ko si mama sa kanya.
"oh siya sige kumain na tayo baka lumamig pa ang pagkain"
masaya kaming nag uusap tungkol sa first day namin sa school. natutuwa lang ako dahil ang saya pag ganito kami lagi ng mga kapatid ko. at nakikita ko na masaya din si tita para sa amin.
...
Maayos naman pagaaral ko kahit medyo na l-late ako minsan, pero naiintindihan naman daw ako ng mga teacher ko, kaylangan ko lang naman daw mahabol ko yong mga topic sa subject namin.
hindi naman ako nahirapan dahil nkakasabay naman ako.
May mga naging kaybigan na din naman ako dito sa school, si mabel at irene., mababait din sila kahit na galing sa mayamang pamilya, palabiro at maloko din. minsan nga kinakantsawan nila ako, may mga tanong na hindi ko maintindihan tapos pag tatanungin ko kung ano un tatawanan lang nila ako.
seryoso naman sila pag dating sa pag-aaral pag free time doon na lumalabas kalokohan nila.. masaya sila kasama matutuwa ka talaga hindi ka maboboring pag kasama sila.
"oi my nag text sakin" nakangiting sabi ni mabel,
andito kami ngayon nakaupo sa gilid sa labas ng room namin. wala kasi teacher namin sa isang subject kaya May oras kaming mag chikahan.
"cnu nanaman yan" sabat ni irene,
"diku kilala ei, sabi nya baka pwede daw magkita after class" tumingin siya samin at ngumiti. "sabi niya isama ko daw mga kaybigan ko." sabay tingi sakin. alam kasi nila na May work ako after class.
"ohh mga kaybigan daw Aira." sabi naman ni irene sakin habang nakangiti.
"haha alam nyong my work ako after class diba?, tsaka kaya n'yo na yan!" sabay tapik sa balikat nila.
"hayy nako irene wag mo nang pilitin yang apo ni maria clara" sabay nagtawanan sila.
"grabe kayo saken ah.. pass mona kasi ako sa mga ganyan, alam nyo nman kwento ng buhay ko diba?" napailing nalang sila sakin..
"sana soon makasama kana namin sa mga galaan o inuman nakakasawa na kasi tong si mabel ei.."
nagtawanan nlang kami, marami pa kaming na pagusapang kung anu-ano.
...
Pagkatapos ng last subject namin, nag kanya kanya na kami ng pupuntahan, si irene at mabel ay pumunta na sa lugar kung san may kikitain sila, ako naman ay dumiretso na sa canteen.
maaga kaming nag sara ngayon dahil friday at karamihan sa mga studyante ay half day lang ang kalse.
Kakatapos ko lang mag salansan ng mga upuan at tinabi ko na din ang mga table para makapag walis na ng sahig, si ma'am meldrid naman ay nasa kusina kasama si ate ella, inaayos nila ang mga na paghugasang kaldero, at nag lilista na din sila ng mga kyalangan bilhin para ready na sa susunod na linggo.
pagkatapos nila sa kusina ay ibinilin na saken ang susi. ako nalang daw ang mag lock ng canteen dahil my pupuntahan pa silang family gathering..
Bago ako mag umpisang mag mop ay nag set muna ako ng mga kanta sa phone ko at naglagay ng headset para ganado ako sa pag mo-mop, naglagay ako ng signboard na close sa harap ng canteen para wala ng pumasok at nagmamadali nadin akong matapos to para makauwi nadin kaagad. habang nag mo-mop ay sinasabayan ko ang kanta, hanggan sa may nasanggi ang siko ko.
"ayy kabayo ka.!!" napatili ako at nagulat ng humarap ako.
natawa lang ito sa sinabi ko..
abat anong ginagawa niya dito, hindi ba siya marunong mag basa ng signboard sa labas. sabi sa isip ko
"anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya.
huminto ito sa kakatawa at nagsalita.
"baket hindi ka sumama kila irene?" sabi na na nakataas ang kilay.
baket kilala niya si irene?
"huh?" nakakunot kilay na tanong ko? "baket ko sasabihin sayo kung baket? at tsaka hindi kita kilala. excuse me lalaki.! may ginagawa pako." hinawi ko siya pero ang tigas niya kaya parang ako pa ang umurong.
"tsk" asik nito.
"ako si HECTOR MARTINES. soon to be yours" nakangiti at kinindatan pa ako bago tumalikod palabas ng pinto.
ako naman natulala sa sinabi niya..
ano daw? baliw ba siya? anong hangin ang pumasok sa isip non at bigla bigla nalang pumunta dito sa harap ko para sabihin ang ganun?? may saltik na ata tong tao na to..
Lagi niyang nakakasalubong si hector sa hallway minsan pag nakikita niyang makakasalubong niya ito
ay kunwari hindi niya nakita. tapos magugulat nalang siya na hindi siya sinasalubong ni hector sa daan. umuupo eto sa upuan sa gilid ng hall way at tinititigan lang siya hanggan sa makalagpas na siya.
minsan para siyang kinakabahan sa lakas ng kalabog ng dibdib niya kapag nahuhuli nya itong nakangiti habang tinitignan siya..
ano ba kasi problima ng lalaking to?
" oi aira.! kilala mo ba yon?" tanong sakin ni irene.
"sino" hindi ako naka tingin sa kanya kasi busy ako sa librong hawak ko.
"ayon ohh.!" sabay siko sakin, at nginuso yong tinutukoy niya.
tinignan ko at nakita kong yong lalaking hector ang sinasabi niya tapos bumakil nako sa binabasa ko.
"ou, pero hindi ko siya totally kilala dahil no'ng isang araw ko lang din nalaman pangalan nyan." habang nakayuko padin sa librong hawak ko.
napatingin ako sa kanila nong napansin kong tumahimik sila. napaangat ako ng tingi at nakita ko nasa harap na namin yong hector kasama tatlong kaybigan neto.
Nakatingin lang siya saken at nakangiti habang naka pamulsa.
napaka gwapo neto, sa porma palang neto ay masasabi mong galing sa mayaman na pamilya, maputi matangos ang ilong at mapula pula ang bibig nito. at lahat sila ay mukang mayayaman may mga itsura.
tumayo si mabel at nag lahad ng kamay sa katabi nito,
"hi im mabel." nakangiti ito sa kanya at tinanggap ang kamay ni mabel.
"im rico." imbis na mag shake hand ay hinalikan ang kamay ni mabel.
kinangiti naman ito ni mabel na parang bang kinikilig.
nagulat naman kami ni irene dahil sa ginawa ni mabel first time lang kasi ni mabel ginawa yon. ang siya ang unang mapapakilala sa lalaki.
"hi jay and you are.?" sabi naman ng lalaking kulay pula ang buhok habang nakatitig kay irene.
"irene.. " ngumiti ito at nag shakehand sila ng kamay.
"siya c james twin brother ko" turo niya dun sa isang lalaki na medyo umiwas ng tingin samin.
nagulat ako nang biglang tumabi saken si hector at ngumiti at humarap sa mga kaybigan ko.
"may party samin and i would like to invite you girls, if ok lang"