"ayos ka lang.?" panimula ko, kaylangan ko kasi siyang prankahin habang maaga pa. "pasencia Kana ahh nabigla lang ako sa sinabi mo. baka kasi nabigla ka lang din.."
"siguro nga.. " May lungkot sa boses niya para tuloy akong na nalungkot din.
"sorry ha.. ayoko pa kasing humantong sa ganyang mga bagay ei.. tsaka mga bata pa naman tayo malay mo hindi pala ako ang gusto mo sa isang babae. tsak-" huminto ako agad dahil sumabat na Yong kapatid kong bunso si andi.
"Sus ate ligaw plang naman diba, kala mo ba agad mag gf bf na kayo ni kuya Hector." sabi ni Andi.
aba't san niya natutunan mga ganung bagay.?
"oi oi Andi, anong pinagsasabi mo dyan? diba sabi ko sayo wag kang sasabat sa usapang matatanda lalo na't kung hindi ikaw ang kausap" sabi ni aiya.
natatawa tuloy ako sa mga kapatid ko, napansin kong napangiti din si Hector kaya parang ready siyang maki pagbiruan kay Andi.
"ei syempre. panget kasi kung Yong ang aga nyang manligaw tapos maaga din siyang mabasted ni ate." natatawa nyang sabi.
parang ako tuloy ang nahiya sa ginawa ko.. tama si andi., ligaw palang naman un ei diba.? ang aga na ngang manligaw nang tao tapos maaga din siyang mabasted.
natatawa ako.
"okay lang naman ei, handa akong tanggapin kong ano disisyon ng ate niyo."sabi niya
napansin kong nakangiti lang si Hector habang nakatingin saken.
ang gwapo naman..
okay naman si Hector ei.
kaso kelangan ko talaga mag focus muna sa pag aaral para sa mga kapatid ko.
"sige kita nalang tayo sa Monday." paalam ni Hector.
"hah s-sige."
magpapaalam naba siya..
" May lakad kasi kami ng parents ko mamaya kaya maaga akong napa dalaw" sabi niya.
"alis nako aiya, Andi " paalam niya sa mga kapatid ko.
"sige po kuya ingat." sabi ni aiya.
"ingat kuya hector. Basta saken ok na ok ka para kay ate." nakangiti niyang sabi kay Hector na kala mo ilang taon nang magkakilala.
ginulo naman ni Hector ang buhok niya sabay tapik sa balikat ni Andi.
"salamat Andi" May ngiti sa mata neto. "pasabi nalang sa tita niyo na alis nako.
"sige po".si Andi
hinatid ko siya hanggang gate.
"sige sa Monday na ulit. cincia Kana ahh gusto ko lang kasing mag fucos sa pag aaral para sa mga kapatid ka." sabi ko sa kanya.
"okay lang pasencia Kana din dahil na bigla kita, naiintindihan naman kita ei. sana lang wag mag bago tingin mo saken. friends" maglahad siya ng kamay.
"friends." sabi ko.
Gwapo si Hector, mabuting tao at tingin ko maalaga din siya, napansin ko yon no'ng nasa party nila kami. ginabayan niya ako sa lahat ng mga bagay na hindi ko nagagawa dahil hindi pa naman ako nakaka attend sa mga ganung eleganting okasyon.
Mayaman din siya. malayo sa buhay na kinalakihan ko.
kaya siguro okay lang kahit magkaibigan lang kami, para wala akong marinig, sa panahon ngayon hindi pa alam ang kwento na husgahan na ng mata. ayokong May marinig na masama kaya mabuti nalang siguro na ilihim ko ang nararamdaman ko kay Hector.
***
Mabilis lumipas ang araw at isang buwan nalang ay graduation ko na sa high school, naging abala ako sa mga gawain sa school.
nakasama ako sa fieldtrip namin nun dahil hindi daw pweding hindi sumama lalo na't graduating ako. sinagot ni tita ang pambayad doon dahil sayang naman daw kung hindi ko maranasan ang fieldtrip ng high school, isa first time kong makasama sa ganon kaya masaya na din ako..
sumama din sina Hector at mga kaybigan niya. syempre hindi pa din nawala mga pangangantsaw ng mga ito saamin. lalo na mga kaybigan ko kung titignan mas kinikilig pa sila kesa saken.
Pano ba naman kasi si Hector, panay ang tingin at ngiti tuwing tinititigan ako, namumula nako sa mga pasimpleng banat niya.. kahit na alam naman namin na kaybigan lang naman kami.
Kaso parang may inis naman akong naramdaman kong baket ba naman kasing may babaing ka batch din namin na naiwanan ng bus niya..
Hindi ko siya kilala pero sabi Nina Mabel saken dati daw siyang nililigawan ni Hector.
pero baket nililigawan.? hindi kaya binasted din siya nung girl.
Nong pauwi na ang byaheng bus na sinasakyan namin magkatabi sila ni Hector ng upuan. Magkatabi naman kami Nina Mabel at Irene sa pang tatluhang upuan habang sina jay, James, at Rico din Ang magkakatabi, at habang sa kabilang side namin ay pang dalawahang tao lang ang pwedeng umupo.
Si hector at Ang babae,
Ang sa bandang bintana na Naka upo ay si Hector kaya napapa tingin ako sa kanila habang nag kukwentohan sila. nakikita kong napapangiti si Hector habang kausap ang babae.
Parang May lungkot akong naramdaman kaya itinuon ko nalang ang tingin ko sa mga kaybigan ko.
Medyo nakakapagod din ang byahe kaya pag dating sa bahay ay hinayaan lang ako ni tita magpahinga.
***
Nasa covered court kami ng school namin ngayon hinahanda mga gagawin para sa graduation.
Napansin kong papalapit mga kaybigan ni hector.
Nakaka pagtaka lang hindi nila kasama si hector ngayon.
"bat kulang ata kayo ngayon.?" tanong ni Mabel.
"yeah.. kasama ni Hector si Isabel yong nakasabay naten no'ng sa fieldtrip, May date ata ang dalaw-. ugh." sabi ni Jay na hindi na natuloy ang sasabihin nang siniko siya ni james.
napa tingin sila saken lahat.
as if naman maaapektuhan ako duh.. kahit maging gf bf walakompake! 2x rolling eyeball.
"ano ba kayo.. wala naman saken yon magkaibigan lang kami ni Hector." nakangiti kong sabi.
ang plastik te.
"oh ayan na pala sila ei.." binaling namin kung san nakatanaw ang tingin ni jam.
si Hector kasama si Isabel magkahawak kamay sila papunta samen.
parang may kung ano akong naramdaman sa nakita ko..
parang May kirot, napansin ko nalang May namumuong luha sa mata ko.
"wait banyo lang ako ahh nauutot kasi ako ei" ngee
natawa sila sa sinabi ko, yon nalang kasi naisip kong sabihin para hindi nila ako mahalata..
Nanlalabo mata ko habang tinatahak ko ang daan papuntang banyo
NakakaAsar naman kasi, nakita ko lang sila magkahawak kamay iiyak nako.
Nanatili muna ako sa loob ng banyo hanggan sa mawala tong hindi ko alam kong baket ako nasasaktan.
Siguro mga 20mins din ang tinagal ko bago ako lumabas ng banyo.
Nagulat ako pag labas ko na nandun pala siya Hector. kunot noo niya ako pinagmasdan. siguro napansin niya na umiyak ako kaya ganun nalang ang tingin niya saken.
"hi kanina kapa." simula ko.
"hindi naman, sinamahan ko si Isabel nag banyo lang," sabi niya.
awts.
"ah ganun ba? sige mauna nako ahh" paalam ko sa kanya. Pero nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso dahilan para mapahinto ako.
"baket?" tanong ko.
"anong nangyari sa mata mo, baket parang namumula?"sabi niya.
"h-ha.. ano kasi nag hilamos lang ako napasukan ng tubig kaya siguro namumula." alibay ko.
napakunot noo niya sa sinabi ko. parang binabasa niya mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
Maya maya napalingon kami ni Hector nong tumikim si Isabel sa tabi namin.
"hi" sabi ni Isabel.
"hello. I'm aira, kaibigan ako ni Hector." ngiting abot tenga kong sagot, habang maglahad ng kamay sa harap niya.
ngiti lang te, para hindi niya mahalata. hmmp.
mabuti nang ganito ipakita ko kay Hector para hindi niya malaman na na bu-bwesit ako sa kaharap ko ngayon.
"I'm Isabel, Hector's girlfriend." ngumiti muna siya bago niya inabot ang kamay ko.
Naka ngiti lang ako pero peke yon dahil nagulat ako sa pagpapakilala niya.
ang sakit te. s**t nadurog ang puso ko,
binaling ko si Hector tsaka ngumiti.
"oi talaga.? congrats ahh.. baket hindi mo sinabi.? kung hindi ko pa nakilala si Isabel hindi ko pa malalaman.. " simpleng tapik sa balikat niya habang natatawa
kunwari..
" thanks. sasabihin ko sana kaso naunahan lang ako ni isa." sagot niya pero walang mababasa na saya sa mata niya habang nka tingin siya saken. Nabaling lang ang tingin niya kay Isabel nang hinawakan na siya sa kamay..
"kanina ko lang siya sinagot. makulit ei, bukod dun gwapo na sweet pa.." sabi ni Isabel, May paghampas pa sa balikat ni Hector.
napangiwi ako sa sinabi niya.
talaga ba.? ako dapat dyan sa pwesto mo ei kung hindi ko lang iniisip future ng mga kapatid ko. hmmp
tahimik lang na Naka ngiti si Hector habang nakatingin saken.
kung nakangiti namn tong Hector na to kalamo iki na ka gwapo niya. ay wait tignan ko lang kong hindi lumaki butas ng ilong nito.
"makulit talaga yan, kaso kong sa gwapo na sinasabi mo malabo.. " natatawa kong sabi pero mas natawa ako sa reaction ng mukha ni Hector. Yong nawala na pagitan ng kilay niya.
"sige na alis nako ahh, baka May bumuga ng usok sa ilong." paalam ko sabay talikod.
Ang galing ko talagang magtago ng feelings.
Nakakainis talaga, baket kasi ang bilis maka move on ng Hector nayon sa pag basted ko sa kanya, naka hanap agad siya nang bagong maliligawan.! nakakainis..
Magkasalubong parin kilay ko hanggang sa pagdating ko sa pwesto namin Nina Irene.
"oi girl ano na?, bat nakasimangot ka dyan.?" tanong ni Mabel saken.
Hindi nako sumagot baka pagtawanan lang ako sa sasabihin ko.
"nakita mo ba sina hector.?" tanong no Irene.
"girlfriend niya na pala si Isabel girl." sabat ni Mabel na iki nangiwi ko lang.
"ou Nag pakilala saken si Isabel girl friend ni Hector" bagsak balikat kong napaupo sa my upuan, malungkot akong nakatitig sa kanila.
lumapit naman si Mabel saken at hinagod ang likod ko.
umupo naman sa harap ko si Irene.
"sus.! wag mo nang isipin yon."sabi ni Irene.
napatingin ako sa kanya na parang nakikita sa likod namin ni Mabel.
"baket ka ba malungkot? e diba ikaw naman May sabi na wag na muna siyang manligaw.." si Irene
"ou.. pero baket ang bilis niya namang makahanap ng bagong maliligawan diba.. " nakasalong baba na nakatingin kay Irene.
"atat na ba siyang magka girlfriend.? kong babae siya, ang landi niya!
hindi ba porket gwapo siya.!!" pagtataray ko.
"alam mo kong hindi mo siya binasted non hindi ka sana nag gagaganyan ngayon." pang aasar pa ni Mabel.
"gusto ko naman si Hector gwapo, sweet, mabango.. kaso hindi pwede dahil may mga priority pako, mga kapatid ko. nasasaktan ako kasi ako dapat yong ka holding hands niya, kaso wala eh May Isabel na siya." malungkot kong sabi napasubsob ko ang mukha sa lamesang nasa harap ko.
"joke lang yon.! " nabigla ako sa nagsalita sa likod ko, nong binaling ko yon ay nagulat ako si Hector.
"kanina ka pa dyan?" tanong ko binaling ko ang tingin kay Irene na natawang tawa sa reaction ng mukha ko..
"ou., narinig ko lahat.," sabi niya at lumapit sa tabi ko para umupo."joke lang yon, kinausap ko si Isabel na mag panggap siya, para malaman ko kung May mapapala ba ako kong sakaling mag disisyon ako na hintayin ka kong kelan ka na pwede" nakangiti lang siya saken
napayuko lang ako.. nakakahiya.!
hinawakan ng dalawang kamay niya ang pisngi ko at hinarap sa kanya para mag tama ang mga mata namin."ang cute mo palang magalit.." natawa siya.
nag papa cute ba siya? ang gwapo naman te.
namula ako sa sinabi niya, ang gwapo niya kapag pati mata niya nakangiti.
"alis muna kami ahh, naiihi na kasi ako sa kilig.. "natatawang sabi ni Mabel. "tara na nga Irene." hinila niya si Irene dahilan para napatayo na agad..
Natatanaw ko sila papunta sa lugar kung nasaan ang mga kaibigan ni Hector.
"so gwapo ako.. talaga.?" nakangiting sabi ni Hector saken habang pinagsikop niya mga kamay namin.
bigla kong binawi ang kamay ko.
"sino May sabi.? wala akong natatandaan na nasabi ko un ah" pagsisinungaling ko tumalikod ako sa kanya para hindi niya makitang namumula na ako sa hiya.
"talaga? wait.. na i-record ko Yong sinabi mo e-"
"ano.?? aken na yan burahin ko"
natawa siya sa sinabi ko.
"wala joke lang." sabi niya
"bat ang hilig mong mag joke ngayon?" tanong ko sa knya.
"e tinatalikuran Moko eh" nakanguso siya.
"sorry.." sabi ko.
"so pumapayag Kana ba na... naging"
"ou na.."sagot ko.
"tayo na?" masigla siyang nakatitig saken.
"anong tayo? ligaw lang Hector."
"sabi mo OU NA.. wala nang bawian yan ahh." masaya siyang Naka tingin saken
"hindi.! ligaw lang muna." sabi ko, nakita kong lumungkot siya sa sinabi ko.
Hanggang dumating na mga kaibigan namin. Naka ngiti siya sa mga sinasabi ng mga kaybigan namin pero May lungkot sa mga mata niya.
natapos na ginagawa namin para sa graduation nang mag pasya na kaming umuwi lahat.
Nag presinta siyang ihatid ako.,
"Hector.." tawag ko sa kanya.
"oi Hector" ulit ko, pero d niya padin ako tinatapunan ng tingin.
"HECTOR.!" sigaw ko sa kanya, pero ngumiti lang siya.
"gusto kong ulitin mo pag tawag ko sa pangalan ko. sarap sa tenga."
"aba't baliw ka. kanina pako tawag ng tawag sayo.."
"ano ba yon?" tiningnan niya ako saglit at binalik na ulit ang mata niya sa daan. nagmamaneho kasi siya ngayon pauwi sa bahay namin.
"wala May sasabihin sana ako eh, kaso mamaya nalang. sige mamaneho ka nalang muna." sabi ko.
Huminto na kami sa tapat ng bahay ni tita maila. tumingin siya saken na May kahulugan sabihin mo na.
"ou." sabi ko. nang Naka ngiti
Naka kunot noo lang siya saken nagtataka kong ano bang sinasabi kong ou.
"anong sabi mo?"
tumango ako.. natuwa ako sa reaction niya. dahil hindi makapaniwala.
"ou.?? you mean.. tayo na?" tanong niya saken habang hawak hawak ang dalawang kamay ko.
tumango ulit ako, parang ayaw kong magsalita ngayon tama ba na sinagot ko siya.? bahala na, basta masaya akong makita si Hector na masaya ngayon.
"i love you babe" sabi ni Hector.
kinikilig ata ako, grabe pala epekto ng salitang yan kapag galing sa mahal mo.
"i-i love you too." sabi ko.
Akmang hahalikan niya ako sa labi pero mabilis akong umiwas at tinakpan ng kamay ko ang bibig niya.
"kasasagot ko palang sayo mang hahalik Kana?" reklamo ko.
"ari sorry babe. natuwa lang ako" abot tenga niyang ngiti. "payakap nalang po pwede." nakanguso siyang nakasalubong ang kilay.
natawa naman ako.. ang cute niya.
Niyakap ko siya at ganun din siya.
hindi ko alam nararamdaman ko ngayon subrang bilis nag kabog ng dibdib ko.
"i love you babe.. pangako hindi ako magiging pasaway sayo." sabi ni Hector.
"sige pangako mo yan ah, i love you too" sabi ko at bumitaw na sa pagkaka yakap. "pasok nako, kita nlang tayo sa school."
"sige.. ilove you ulit" abot tenga talaga ngiti niya..
"bye ingat ka sa byahe." paalam ko bago pumasok sa gate.