KHALIL Alas-sais pa lang ng umaga ay tumungo na ako sa palengke para mamili, lalong-lalo na ng gulay at prutas. Hindi naman sa dahil ay ganoon ako ka -health conscious, kundi dahil karamihan sa binibili ko tuwing Sabado ay para sa taong matagal ko ng kakilala at tinutulungan. Naglakad ako papunta sa bahay niya dahil walking distance lang naman ito mula sa palengke. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa kanilang kanto ay nakita ko na siyang hirap na hirap sa paglalakad dahil bitbit niya ang malaking bilao, upuan at paninda niyang mani. "Tita!!!" Sigaw ko. Nilingon niya ako. Pagkatapos ay dumoble sa bilis ang kanyang paglalakad para takasan ako. Tumakbo ako para abutan siya. Nang madatnan ko siya ay naghilaan kami sa kanyang mga hawak. "Tita naman! Hindi ba't sabi ko sayo na tigilan mo n

